Chapter 50

4.2K 121 22
                                    

Lustine

"What?!" I stood up from my seat.

He laughed at my reaction. "That's what I expected."

"What do you mean? Hindi ko maintindihan." I was frowning so bad.

Anong pinagsasabi nyang hindi totoong kapatid ni Shin si Vince? At anak ni Dragon si Shin?

"Totoo 'yon. Bago mamatay si Dragon, ilang piling mga Dieners ang inatasan nya para protektahan ang dalawa kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa kanya. At isa ako sa mga Dieners na 'yon. Don ko nalaman na anak nya si Shin, at hindi talaga nila kadugo si Vince." Kwento nya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I don't even know what to think or to react. This is so fucking confusing. Bakit ba gulo ang buhay nya?

"Ako ang gumawa ng fake informations nila dahil alam kong ano mang oras ay may magpapahanap sa kanila. It's my job to secure their identity, lalo na ang kay Shin." Paliwang nya.

"I thought they we're our Mom's Knights' childs." Naguguluhan kong sabi.

He shook his head. "No. Parang foster parents lang sila ni Shin dahil si Dragon at ang namatay nitong fiance ang mga magulang nya. In Vince' case, surrogate mother nya 'yong babae. Ang totoong mga magulang nya ay.. well, that's very confidential."

"Surrogate?" I repeated.

"Yup. His biological Mom unfortunately can't bear any more child. Kaya yong Knight na 'yon ang nagbuntis para sa kanya. They raised Shin and Vince until your Mom came to the picture. Hanggang sa nangyari nga 'yong aksidente hanggang sa kasalukuyan." Kwento nya.

I was dumbfounded once again. Napasin maman nya 'yon kaya tumawa nanaman sya.

"Magulo no? Ako din sumakit ang ulo nong nalaman 'yan." He laughed more.

"Sa Headquarters, nong dumating ang Portugals, nabanggit nila ni Dad na kapatid ni Dragon si Mom. Kung anak ni Dragon si Shin, that means he's our cousin?" I was finally abled to voice out that question.

He smirked. "No. They're not also biologically siblings. Pareho silang ampon. Dragon is a real Portugal though, anak ng kapatid ng mga umampon sa kanila while on the other hand, Luciana came from a poor family. Inampon sila para may susunod na tagapagmana ng Organisasyon."

"Nang ikasal ang Mommy nyo sa Daddy nyo, naiwan kay Dragon ang responsibilidad na maging pinuno ng Organisasyon. Dapat nga ay si Luciana ang leader dahil sya ang panganay. Kaso naging kahalili sya ng Leader ng Vanders kaya pinagbigyan ni Dragon. Hanggang sa mamatay ang Mommy nyo at talagang ang sarili nya pang kapatid at pinagmulan ang sinisi na pumatay sa kanya." Mapakla syang tumawa.

That's what Noa told us too. The false accusation that ends the peace between the Major Clans. Our mother's death ended the peace between all of us. She brought the peace, so when she died, she left with it.

"Ang alam ko ay galing sa Royal family ang Nanay ni Shin. Dugong bughaw mula sa Spain. Don nagsimula ang hidwaan sapagitan ng El Diablo at Portugals. Alam mo naman siguro na teritoryo nila ang Spain diba. Tsaka ipapakasal dapat sa anak ni Don El Diablo ang Nanay ni Shin pero niligtas sya ni Dragon at sila dapat ang ikakasal pero pinapatay ito ilang araw matapos ipanganak si Shin. Pinapatay sya ni Don El Diablo at don nagsimula ang tahimik na gera."

My head is about to explode. Sobrang daming informations na talagang sobrang bigat at nakakagulat.

"Isang taon after mamatay ng totoo nyang Nanay ay binigay sya sa Knights para palakihin. Naging abala ang Portugals sa tagong gera at ayaw ni Dragon na ipahamak ang nagiisa nyang anak. Hanggang sa dumating si Vince hanggang sa kasalukuyan." He paused, may inaalala.

Mischief MiseryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora