Chapter 38

4.5K 131 12
                                    

Shin

"Kuya, pasaan po tayo?" Takang tanong ni Vince.

"Ako lang, Vince. Hindi ka kasama." Sagot ko.

Ngumuso sya. "Psh, pasaan ka po?"

"May gagawin lang sa labas, dito ka lang." Utos ko at tinapos ang pagbibihis.

"Wala akong kasama ditoo! Wala si Kuya Kenn." Ngumuso sya lalo.

"Edi matulog ka, magbasa, manood ng TV, o di kaya ay tumunganga basta dito ka lang." Sabi ko pa bago nagsuot ng hoodie.

"Pasaan ka po ba kasiii? Gusto ko pong sumama!" Makulit nyang sabi.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi ako mamamasyal lang sa tabi tabi, Vince. Importante ang gagawin ko."

Sumimangot sya lalo pero hindi na umimik pa. Sinabihan ko syang wag lalabas ng mansyon. Kung may kailangan sya ay itawag nya sa mga Maid, gaya ng utos ni Lucious. Nagdala ako ng bag saka umalis na.

"Where are you going?" May humarang sakin.

Ang ikatlong Vander, Lustine Vander. Naiwan pala sya dito. May hawak syang laptop at mug ng kape. Matamlay syang tingnan, lagi pala. Ngayon ko lang sya nakaharap ng kaming dalawa lang.

"Sa labas. Pakibantayan ang kapatid ko." Tipid kong sagot.

"You are not allowed to leave without Kuya Lucious' permission." Sabi nya.

Umismid ako. "Hindi ko sya amo. Aalis na ko, yung kapatid ko wag mong papabayaan."

He rolled his eyes and went back on what he is doing. Bago pa ako makalabas sa front yard ng mansyon nila ay hinarang nanaman ako ng mga tauhan nila. Sinabi kong papasok ako sa trabaho para hindi na sila magtanong pa masyado.

"Ipapahatid na po namin kayo." Anang isa sa kanila.

"Hindi na, magtataxi ako." Tanggi ko at tuluyang umalis.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng apartment ko. May kukunin lang ako tapos babalik rin. Kakamustahin ko rin si Lola Fe, nakalimutan kong magpaalam sa kanila, baka nagaalala na sila samin.

Pagdating ay sarado ang apartment nina Lola Fe kaya hindi na ako kumatok pa. Binuksan ko ang sariling apartment at tiningnan ang kondisyon nito. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung gaano kagulo ang loob.

Napamura ako at mabilis na pumasok sa kwarto. Pati ito ay sobrang gulo at sira ang ibang gamit. Mabilis kong inalis ang sirang kama at may hinanap sa sahig. Nang makita ang tiles na naiiba ang kulay ay nalis ko ito agad.

I sighed in relief ng makitang nandon ang envelope at notebook ni Papa. Walang gumalaw. Kinuha ko ang mga nakatagong gamit at nilagay sa bag na dala. Napatigil ako ng makita ang flash drive na matagal na ng huli kong makita at hawakan.

Sa bulsa ng pantalon ko ito nilagay at ibinalik ang tiles na takip nito. Nilibot ko ang tingin sa kwarto at napatagis ng bagang. Sirang sira ang lahat ng gamit, pati ang kutson na hinihigaan ko ay wasak wasak na rin.

"Bakit kayo bumalik, bakit hinahabol nyo nanaman kami. Tangina nananahimik kaming magkapatid." Galit kong sabi sa kawalan.

Kinuha ko ang mga bagay na pwede pang gamitin. Lalo na ang mga gamit ni Vince sa school. Mabuti na lang at naibalik ko na ang laptop ni Mica kundi ay nagbayad pa ako. Kunti lang ang nakuha ko na sariling gamit.

Gusto ko pa sanang linisin ang apartment pero wala akong lakas ngayon. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa katapat na apartment ay lumabas ako. Saktong nakita ko si Lola Fe na halatang nagulat.

Mischief MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon