Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 3
Maaga pa akong nagising, alas sais ng
umaga. Kailangan ko kasing matapos ang
pagliligpit ng bahay dahil maglalaba pa ako.
Inilagay ko muna sa washing machine ang
mga damit ko at inumpisahan na ang
maglinis sa sala at kwarto ko,
ang kalat na kasi.
"Teka, bakit hanggang ngayon wala pang-
text o tawag si Lenny, saan na ba cp ko?"
Hawak-hawak ko ang walis tambo at
dustpan nang maalala kong tawagan si
Lenny. Siguraduhin kong may dalang
pagkain ang babaeng 'yon.
"Hala nasaan na ang cellphone ko ang alam
ko nandito lang yon kagabi sa kama, a."
Sambit ko, kanina ko pa kasi hinahanap di ko
alam kung nasaan ko nilagay...
"Shit!"
Napamura ako nang maalala kong inilagay ko
'yon sa bulsa ko kagabi. Nang halungkatin ko
ang damit kong nilabhan, nakita ko ang
celphone ko.
"Wala na akong celphone," halos maiyak na
ako. Paano na 'to?
"Tsssss! Bahala na. Doon na lang ako sa
simbahan di-diretso pagtingin ko sa orasan,
alas nwebe na pala. Mag-aayos pa ako.
Tama si Lenny. Kailangan kong maging
maganda para mas maayos ang short film
namin.
Noong naghanap kasi ng bida, ako kaagad
ang tinuro ni Lenny, maganda raw ako kaya
dapat lang na maging bride. Ang concept
namin ay tungkol sa mag-asawang
nagkaroon ng maraming anak at 'yong
naghirap kasi marami na ang anak at ang
mga anak ay nangangalimos nagdo-droga at
halos 'di makakain ng tatlong beses sa isang
araw. Tapos ang ending daw ay kung paano
nakabangon ang magpamilya, nagsusumikap
at kung paano kumapit at nanalig sa Diyos
sa oras ng kagipitan sa buhay. Kung paano
sila bumalik sa tahanan ng Diyos dahil
tungkol daw sa society at religion ang topic.
Ewan ko ba sa gumawa ng kwento, basta
ako, go with the flow lang.
O, di ba? Kahit walang boyfriend, ikakasal
ako... kahit sa drama lang. Kaya heto, todo
paganda ako. Mag-a-alas diyes na nang
matapos akong mag-ayos. Sinampay ko pa
kasi ang damit ko at ang cellphone ko?
Wala! Sira na talaga pati sim 'di na
magamit.
Nagtaxi na lang ako papuntang simbahan.
Usapan kasi ay 10 am tapos ang sa relo ko
ay alas dies y medya na. Pagbaba ko,
s'yempre, ang ganda ko. Naka-wedding
gown at maayos pa ang makeup ko.
Magaling din akong mag- makeup kaso di
ko lang talaga feel mag-ayos. Simplicity is
beauty daw. Kahit gaano man kakapal ang
make-up mo, magigising ka pa rin na
walang makeup sa umaga 'pag kasama mo
na ang lalaking mahal mo 'di ba? Nakz!
Hugot pa more.
Laki namang pinagtaka ko nang pagbaba ko
ng taxi, halos lahat ng tao sa simbahan ay
nakatingin sa akin.
"Ang dami naman atang bisita pelikula ba
talaga to?" bulong ko sa sarili habang
hinahanap ang mga kaibigan o kaklase ko
ngunit kahit isa sa mga nandito, hindi ako
familiar sa mukha nila.
S'yempre, wala akong nilagay na veil sa
mukha ko. Hindi naman totoong kasal 'to.
Kaya siguro manghang- mangha sila sa akin.
Ako naman, e naglakad papunta sa
simbahan. Hinahanap ko parin si Lenny.
Galing naman ng plano nila, gumastos pa ng
malaki.
Red carpet at may rose petals ang
nilalakaran ko papunta sa bukana ng
simbahan. May white roses pa sa gilid
papunta sa altar.
"Siya ba ang bride? Wow, ang ganda
naman." Narinig kong sabi ng isang lalaki.
Siguro kasing edad ko lang siya.
"Oo nga 'pre, swerte talaga ng groom."
Dugtong din ng katabi niya. Grabe ang ga-
gwapo nila.
"Schoolmates ko ba to? Hala! Kahit isa
nalang sana, makabingwit ako." Sabi ng isip
ko. Grabe, ang ga-gwapo nila. Mga
mukhang artista at mayayaman pa.
"Huh? Akala ko ba, hindi na darating ang
bride. Tsss... Ano ba yan!" may pagkainis na
wika ng isang malanding babae pero rinig ko
naman.
"Paano mo 'yan nasabi? Mga insecure lang
'yon. Ilang oras na lang kasi, hindi na
bachelor ang groom."
Nag-uusap sila. Ano ba yan! Kasama pa ba
ito sa drama? Nagsisimula na ba ang
camera? As in lights camera action na ba?
"Ahm... Excuse me po. Nakita n'yo ba si Sir
Legaspi?" magalang na tanong ko sa isang
maid of honor.
"Huh? Sinong Sir Legaspi?" Nagtatakang
tanong niya. Hindi n'ya kilala si Sir? Saan ba
'to sila nag- aaral?
"Di mo kil--" magtataray na sana ako nang
may biglang humila sa kamay ko. Pagtingin
ko, isang Dyosa. Ang ganda kasi niya. Ito
siguro ang bride's maid. Ang puti at makinis
ang balat. Naka tube lang kasi ito kaya kita
ang balikat makinis nitong balikat.
Heartshape ang mukha. Siguro bata pa ito
sa akin. Mga 15 years old lang ata.
"Excuse me Miss, start na ba ang film?
Nakita mo ba si Sir Legaspi?" naco-
conscious na tanong ko. Nakatingin kasi
silang lahat sa akin.
"What film? And who is Sir Legaspi?"
clueless din ang mukha niya.
"Huh? A... E... Kasi..." napakamot ako sa
batok ko.
"'Di ba, may short film tayo? Akala ko kasi,
'andito na sila at nagsa-start na ang film.
Ano ba 'yan! Wala manlang nagsabi sa akin
ng ACTION? O may sumigaw manlang na
cut? Bakit wala ata akong kakilalang
schoolmate ko rito." naiinis na sabi ko.
Nasaan na ba kasi si Lenny?
"You mean, hindi ka talaga totoong bride?
As in movie lang talaga ang pinunta mo
rito? Dahil akala mo, 'andito ang shooting
ninyo?" sunod-sunod na tanong nito habang
tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Tila
ba nakangiti ito at may kung anong
binabalak.
"Oo. E kasi... Pasensya na kung late ako, ha.
Naglinis pa kasi ako ng buong bahay."
Sinusuri talaga ng batang 'to ang itsura ko.
Nakakainis!
"It's okey. The wedding will start at 10.45.
And it's still 10.30. Hmm... Ate?Ilang taon
ka na? May bf ka na ba?" Ano bang klaseng
tanong 'yan? Ano 'to? Nag-a-apply lang?
Ang kulit! Makaalis na nga.
"Wait! Ate naman, e. I'm Nicole... Nicole
Montenegro,"
sabay lahad niya ng kamay sa akin. Ako
naman, bilang mabuting mamamayang
Pilipino, inabot ko ang kamay niya.
"I'm Jane. Eighteen years old and single,
walang bf, asawa o ano man d'yan."
nakangiting sabi ko.
"Good. Can we talk in private?" hindi na ako
nakapalag dahil hila-hila na niya ako papunta
sa likod ng simbahan
"Tell kuya that the wedding will go on just
give us a minute. I just want to talk to my
beautiful future sister-in- law." Naguguluhan
na ako sa mga pangyayari.
"Teka lang, sandali. Saan tayo pupunta?"
Nandito na kami sa likod ng simbahan. Kami
lang ang nandito.
[NICOLE'S POV]
'Andito na kaming lahat sa simbahan. Sina
Mommy, Daddy at ako ay umuwi pa galing
sa States para lang sa kasal ni Kuya. Hindi ko
talaga matanggap na magpapakasal na si
Kuya sa bruhang 'yon!
Ewan ko ba, mahal na mahal talaga ng kuya
ko ang babaeng 'yon kahit halos lahat kami
ay ayaw do'n. Sina Mommy at Daddy,
tahimik lang pero alam kong hindi rin gusto
si Jasmine para kay Kuya. Halatang niloloko
lang nito ang kuya ko.
Pero wala na kaming magagawa kung
talagang gusto ni Kuya na pakasalan ito.
Malandi kasi 'yon. Ilang beses kong nahuli
na may kasama na ibang lalaki pero ayaw
akong paniwalaan ni Kuya. Kesyo ganito,
ganyan.
"Fuck! Nacontact n'yo na ba?" hindi
mapakaling sabi ni Kuya sa besfriend niyang
si Leo. Kanina pa kasi nito pinatawagan si
Ate Jasmine.
"Hindi pa rin pare, naka off ang cp niya."
Hawak nito ang cellphone at may dina-dial.
"Uy pare, nag-ring na." Agad na inagaw ni
Kuya ang cellphone.
"Hello babes? Nasa'n ka na? What? Nasa
loob ng eroplano?"
biglang tumaas ang boses niya. Napalapit na
rin sina Mommy sa amin.
"Sweetie, what happen?" Nagtatakang
tanong ni Mommy nang makalapit na. Si
Kuya naman ay nanginginig na sa galit.
"Babes please, sabihin mong nagbibiro ka
lang. Parang awa mo na," alam kong ilang
sandali na lang ay tutulo na ang luha ni
Kuya. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang
pag- uusap nila.
"Hey, thats my mobile!" Reklamo ni Leo.
Paano, itinapon nito at nagkapira-piraso sa
sahig. Napaupo si Kuya at napahilamos sa
mukha. Awang-awa ako sa kan'ya. Alam
kong masakit ito para sa kan'ya.
"Keep calm, Sweetie. Relax.. Pano na to,
sweetheart? Paano natin sasabihin sa mga
bisita? Marami pa namang reporter ang
pumunta rito," nagpapanic na rin si Mommy.
Tiyak, malaking balita ito. Lalo na't medyo
nagkaproblema ang ilang company namin.
Kaya pala hanggang ngayon, hindi pa
dumating ang mga magulang ni Ate Jasmine.
Alam na rin siguro nila na mangyayari 'to.
"'Andyan na ang bride!" Lahat kami,
napatingin sa pinto. May isang babae na
papasok sa simbahan. Naka wedding gown
at tila may hinahanap.
"Excuse me Mom, Dad. Pupuntahan ko lang
siya," agad naman akong tumalima papunta
sa babae habang may kinakausap. Palinga-
linga ito sa paligid.
"Ano to? Double wedding? Ang alam namin,
kami ang naunang
Nagpa-schedule rito at halos lahat ay sa
aming bisita.
"Ahm... Excuse me po. Nakita n'yo ba si Sir
Legaspi?" magalang na tanong niya sa isang
maid of honor.
"Huh? Sinong Sir Legaspi?" Nagtatakang
tanong ng babae. Hindi ko kilala ang mga
ito. Baka kaibigan ng bruhang Jasmine.
"Di mo kil--" magtataray na sana ito pero
hinila ko ang kamay niya palayo sa mga ito.
"Excuse me Miss, start na ba ang film?
Nakita mo ba si Sir Legaspi?" naco-
conscious na tanong nito. Okay. Maganda
siya at simple lang.
"What film? And who is Sir Legaspi?"
clueless na tanong ko.
"Huh? A... E... Kasi..." napakamot ito sa
batok niya.
"'Di ba, may short film tayo? Akala ko kasi,
'andito na sila at nagsa-start na ang film.
Ano ba 'yan! Wala manlang nagsabi sa akin
ng ACTION? O may sumigaw manlang na
cut? Bakit wala ata akong kakilalang
schoolmate ko rito." naiinis na sabi niya.
"You mean, hindi ka talaga totoong bride?
As in movie lang talaga ang pinunta mo
rito? Dahil akala mo, 'andito ang shooting
ninyo?" sunod-sunod na tanong ko habang
tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
Napangiti akonsa naisip ko. Sana lang ay
makiayon ang babaeng ito.
"Oo. E kasi... Pasensya na kung late ako, ha.
Naglinis pa kasi ako ng buong bahay."
"It's okey. The wedding will start at 10.45.
And it's still 10.30. Hmm... Ate?Ilang taon
ka na? May bf ka na ba?" Panigurado lang.
Mahirap na.
"Wait! Ate naman, e. I'm Nicole... Nicole
Montenegro,"
sabay lahad ko ng kamay na inabot naman
niya.
"I'm Jane. Eighteen years old and single,
walang bf, asawa o ano man d'yan."
nakangiting sabi niya.
"Good. Can we talk in private?" hindi na siya
nakapalag dahil hila-hila na niya ako papunta
sa likod ng simbahan.
"Tell kuya that the wedding will go on just
give us a minute. I just want to talk to my
beautiful future sister-in- law." Utos ko sa
wedding organizer.
"Teka lang, sandali. Saan tayo pupunta?"
Nandito na kami sa likod ng simbahan. Kami
lang ang nandito.
"Listen Ate Jane. Me, my kuya and all my
famiy need your help" hinawakan ko siya sa
dalawang kamay. Alam kong naguguluhan
siya pero inexplain ko sa kan'ya ng maayos
ang sitwasyon namin ngayon.
"No. Ayoko! Hindi ko kaya 'yan. Ako mag-
aasawa ng maaga at sa hindi ko pa kilalang
tao? Ayoko!" tanggi niya sa 'kin.
"Please Ate, wala na kaming choice. Ikaw na
lang ang pag-asa namin. Tutal, naka
wedding dress ka na. Isipin mo nalang, short
film ninyo ito, pleeaseeee.
"Diyos ko Papa God, parang awa mo na.
Help me po para ma-convince si Ate," lihim
na panalangin ko. Hindi ko na napigilan ang
mga luha ko. Naaawa ako kina Mommy lalo
na kay Kuya. Niloko s'ya ng taong
pinagkatiwalaan at minahal niya ng sobra.
"Hey, 'wag kang umiyak." Nataranta nitong
sabi. Napaupo nalang ako sa sahig. Wala
nang pag asa.
"'Di ko lang kaya na... Huhu... L-Lokohin
niya si Kuya. Ang sama niya!Minahal siya ng
kuya ko ng sobra tapos ang ipapalit niya ay
kahihiyan ng buong pamilya namin lalo na ni
Kuya sa harap ng maraming tao at may mga
naka-video at picture pa rito sa kasal."
Umiiyak na sabi ko. Wala na, sira na talaga
ang makeup ko.
Galit na galit ako kay ate Jasmine! Ang kapal
ng mukha niya! Ilang sandali pa ay tahimik
lang siya. Ako naman ay iyak ng iyak. Hindi
para sa sarili ko kundi para kay Kuya.
"B-Baka magpakamatay si Kuya," mahinang
sambit ko. 'Pag nagkataon, hindi ko 'yon
makakaya. Mahal na mahal ko ang kuya ko.
"It's okey. I will do it. Just make sure na
hindi valid ang contract na pi-pirmahan ko
mamaya," pagsuko niya. Napatingin ako sa
mukha niya, seryoso ito.
"Talaga? Gagawin mo? Waaahhh thank you,
Ate. Thank you talaga!" Agad ko siyang
niyakap dahil sa sobrang tuwa.
"Tara na, pasok na tayo. I-inform ko na rin
sila para magstart na. Late na tayo ng 15
minutes," at inayos ko na ang sarili ko. Hindi
na baleng 'di na maayos ang makeup ko
dahil sa kakaiyak. At least, okay na. Bahala
na si Kuya kung itutuloy pa niya.
"Ahm Ate, wait..." kinuha ko ang bulaklak na
nasa ulo ni Mama Mary na parang corona.
Halatang bago lang ito. White roses kasi ito
at ang
ganda. Siguro, gawa 'to ng mga deboto
niya.
"Hala, 'wag gan'yan. Isoli mo 'yan.
Magagalit sa 'tin sina Father at Sister."
Nahihiyang sabi niya pero inilagay ko pa rin
sa ulo niya. Bagay na bagay sa kan'ya.
"Okey lang 'yan. Ako ang bahala. Hiramin
lang naman natin, e. Isasauli ko mamaya
after ng wedding," hinila ko na siya.
"Mama Mary, pasens'ya na po, ha. Ibabalik
po namin 'to, promise." Pahabol pa niyang
sabi kay Mama Mary.
Hawak kamay kaming bumalik sa pinto ng
simbahan.
"Dito ka lang po. 'Wag kang mag-alala, lahat
naman ng sasabihin mo, nakasulat do'n sa
papel," pabulong na sabi ko sa kan'ya at
masayang pumunta kay Kuya.
"Start the wedding," pag-i-inform ko sa
organizer.
Nang makalapit na ako kay Kuya ay
nagtataka ito.
"Where have you been? And who's that
woman wearing a wedding gown?" tanong
sa 'kin ni Leo.
"My kuya's bride," sabay wink ko sa kan'ya.
Loko 'to, lapad ng ngiti. Kung hindi ka lang
kaibigan ni Kuya, matagal na kitang inakit.
Crush ko kasi itong si Leo.
Napatingin si Kuya Karl sa 'kin.
"Kuya, isipin mo na lang na inlove ka sa
kan'ya at siya ang papakasalan mo. Huwag
kang pahalata sa mga bisita. 'Wag po
kayong mag alala, alam na ni Ate Ganda ang
gagawin. Wala na ring problema sa kaniya,"
pagbibigay ko ng assurance sa kanila.
Nangyari na ang 'di dapat mangyari.
Pasalamat na lang kami dahil kalmado lang si
Kuya. Ni minsan, hindi 'yan nagwawala gaya
ng ginagawa ng ibalng lalaki. Siya kasi ang
tipong sino-solve ang problema sa tahimik
at maayos na paraan. Siguro, kung ang
lokong Leo lang na 'to ang ikakasal, kanina
pa ito nagwala sa loob ng simbahan. Pero
bilib ako kay Kuya.
"Makakaya mo yan, Kuya." Ngumiti ako sa
kan'ya at halatang nagsasabi ng "thank you"
ang mga mata niya.
Pumunta na ako sa likuran pero bago pa
'yan, may sinabi ako sa organizer na palitan
ng blank paper ang pipirmahan nila.
Hindi na ang pangalan ni Jasmine ang ilagay.
Sa ngayon, 'di pa nila 'yan mapapansin.
Magulo pa kasi ang sitwasyon. Ang
importante ay ang signature at thumbmark
ng dalawa. Madali lang makuha ang info. ni
Ate. Nalaman ko kasi na sa Westbridge
University s'ya nag-aaral at kami ang
nagmamay- ari no'n. Natanong ko kasi sa
kan'ya kanina habang pabalik kami rito sa
loob ng simbahan para sigurado na ako na
wala nang babalikan ang Jasmine na 'yon.
"O, ngingiti-ngiti mo d'yan?" tanong ni Leo
nang lapitan ako.
"Wala lang, masaya lang ako para kay Kuya.
Hmp, d'yan ka na nga!" Iniwan ko na s'ya at
pumila na. Humanda ka sa 'kin Leo! Dahil
oras na magdebut ako, ise-seduce na talaga
kita, promise!

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...