Accidentally Married to Mr. Famousby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 25
Kakasabi ko lang kanina na gusto kong matulog sa malambot na kama at unan pero heto kami ngayon, kitkit rehas na tatlo. Kami na nga 'tong agrabyado kasi kami ang nanakawan at naloko tapos kami pa ang nandito sa presinto?
"Bessy, 'wag ka nang magtampururot diyan. Nakainom naman tayo ng tubig, 'di ba?" bulong ni Lenny sa akin.
Pagdating kasi namin dito ay humingi agad ng tubig ang dalawa. Kanina pa ako hindi nagsasalita.
" Mamang pulis , patawag naman po ako. Tatawagan ko lang po ang kuya ko..." pakiusap ni Nicole sa police na nagbabantay sa amin.
"Wala akong load, Miss. Uy, Poticar, may load ka?" tawag ni Kuya Pulis sa isa niyang kasama.
"Oo, naka unli call pa 'to, bakit? Sino'ng tatawagan mo?" tanong niya nang makalapit na sa amin. Hindi naman kami pinasok sa selda. Nandito lang kami nakaupo sa harap ng table nila.
"Ito si Miss Ganda, tatawagan daw niya ang kuya niya.." sabi naman ni Kuya. Mabuti na lang, ang babait ng mga pulis na ito.
Mga nasa thirty plus na yata ang edad ng mga ito. In fairness, ang ga-guwapo ng mga pulis na nakaduty.
"Oh, tawagan niyo na nang masundo kayo. Ano ba kasi ang naisipan ninyo at gumala gala pa kayo sa ganitong oras? Sayang, ang gaganda niyo pa naman. Mabuti na lang, hindi kayo na rape o pinatay."" Sermon sa amin ni Kuya Poticar.
Sinabi kasi namin sa kanila ang totoong nangyari kanina. Nagawan na rin nila ng report ang insidente tapos pinatawag na si Nicole kay Karl...
"Matagal na ang ganiyang modus ng dalawa. Wanted na 'yan sa amin pero hindi mahuli-huli. May mga back up yata sa itaas. 'Yung last na biniktima nga, ginahasa nila at pinatay!" natakot ako sa narinig ko. Paano pala kung talagang pinatay nila kami? E di ngayon, nasa heaven na ako kasama ko na sina Mama at Papa.
Itong dalawang kasama ko, nanlaki rin ang mga mata sa narinig.
"Sabi sa inyo, e. Gano'n talaga ang gagawin nila!" hindi ko alam kung proud pa ba si Lenny sa sinabi niya dahil nalaman niya na ito nga ang gawain ng dalawang iyon?
"Heh! Tumahimik ka na nga diyan! Kasalanan mo lahat ng ito, e!" Galit na sabi ko. 'Buti na lang at tumahimik na rin siya.
"Mukhang mayayaman kayo, a. Bagong salta lang ba kayo sa lugar na 'to?" tanong ni Kuya na katabi ni Poticar.
"Nagbabakasyon lang po kami diyan sa malapit na resort kaso naisipan nitong dalawa kong kaibigan na lumabas. Mura lang po kasi ang bilihin. Ang kaso, hindi naman po namin alam na aabot kami sa ganito." Ako na ang nagpaliwanag kay Kuya at pinagsisihan ko talaga kung bakit ako sumama sa kanila!
Sana, natulog na lang ako kanina. Bakit pa kasi kinulit kulit pa ako ng mga ito?
Mayamaya pa ay dumating na sina Karl at Leo. Sobrang worried ang mga mukha nila.
"Ano na naman ba 'to, Nicole? Pati sina Lenny at Jane, dinamay mo pa!" Galit na sabi ni Karl.
"Hala, wala akong kasalanan kuya, ha. Kami na nga 'tong napahamak. Dapat magpasalamat ka na lang kasi ligtas kami!" Padabog na lumabas na si Nicole papunta sa kotse kasunod si Lenny. Kaming tatlo na lang ang naiwan dito. Si Leo ang kumausap sa mga pulis at umasikaso ng lahat.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa 'yo? Sinaktan ka ba nila, ha? " tanong niya sa akin at ini-inspect pa ang katawan ko. Matapos akong ma hold up, muntik nang magahasa at kabahan ng sobra, tingin niya, magiging okay pa ako?
"Okay lang ako. Napagod lang talaga ako sa kakatakbo kanina..." ano pa nga ba ang dapat kung isagot? Ayoko namang mag-alala 'to sa 'kin.
Naalala ko na naman ang nagyari sa amin kanina lang. Mabuti na lang at nakaligtas kami.
"Mapapatay ko talaga ang mga 'yon kapag nahuli na sila!" galit na sabi niya. Mabuti naman at concern 'to sa akin.
"Sige po, Sir. Itawagan na lang po namin sa inyo kapag may update na kami sa mga holdapers na iyon..." sabi ng mamang pulis na nagpahiram ng cellphone sa amin.
"Salamat po, Sir. Handa po kaming magbayad ng malaki sa sino mang makapagturo ng dalawang iyon!" Tiim-bagang na sabi ni Karl. Kahit sino naman ay magagalit talaga sa nangyari.
Sina Kuya pulis, nagpapicture pa kina Leo at Karl. Idol daw nila ang mga ito. Action star din minsan si Leo kaya kilala nila. Nakailang pelikula din siya na ang role niya ay isang tigasing pulis.
Paglabas namin, nasa loob na ng sasakyan sina Lenny at Nicole. Bale ang posisyon namin,
Si Leo ang driver at katabi niya sa front seat si Nicole tapos kaming tatlo ay nasa backseat.
Nasa gitna ako nina Lenny at Karl. Sa right side ko si Karl at si Lenny naman ang sa left side. Siguro sa sobrang pagod ay nakatulog agad ang dalawa.
"Matulog ka muna. Sigurado, pagod ka. Gisingin na lang kita kapag nasa resort na tayo," malumanay na sabi nito sa akin.
"Ha? Ahhh... ehhh... 'wag na. Okay lang ako," nakakahiy! Baka kasi maghihilik o maglalaway na naman ako.
"Here's my shoulder," tapos inihilig na niya ang ulo ko sa bandang dibdib niya at niyakap ako. Ang bango naman niya kahit gabi na. Sana ganito na lang kami palagi.
"Feel free to lean on my shoulders. You can close your eyes, honey. You're safe now," bulong niya malapit sa tainga ko. Ito ang pangalawang beses na sinabi niya sa akin na safe na ako. Iyong una, noong pinasok ang condo ko ng mga 'di kilalang tao tapos dumating siya.
Dug... dug... dug... dug... dug.... dug dug...
Ayan na naman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naririnig at nararamdaman ko rin ang pagtibok ng puso niya.
"Karl? Thank you..." tapos tiningala ko siya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin.
" It is my obligation to protect my wife..." nakangiti niyang sabi. Dapat na ba akong kiligin? Masyado kasi siyang vocal sa akin. Ayiee...
Niyakap ko na lang siya. Ngayon ko lang siya nayakap ng ganito. Hindi pala, pangalawa na 'to. Iyong una, noong nasa restaurant kami habang sumayaw.
Ilang minuto ang lumipas, wala nang nagsalita sa amin. Siguro, tulog na rin siya. Ang tahimik ng buong sasakyan. Kahit si Leo, nagco-concentrate sa pagda-drive.
"Bakit Karl? Bakit mo ginagawa sa akin ito?" mahina kong tanong. Alam ko namang hindi niya ako naririnig.
" Because you are my wife... You're my everthing... and you are life..."
Bulong niya tapos hinalikan ako at niyakap ng mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam lalo na at nararamdaman at naririnig ko ang sigaw ng kaniyang puso. Jane raw. Hehehe!
Isa ito sa araw na pinakamalas pero pinakamasayang araw sa buhay ko.
Pinikit ko ang aking mga mata na may ngiti sa mga labi hanggang sa makatulog na ako sa mga bisig ng aking asawa.A/N.
Ginagawa ko na po itong formal. Next chapters, baka hindi ko pa na edit kaya pagpasensiyahan niyo na muna. Basta ang importante, tapos ko na ito.
'Yung takbo lang muna ng story ang husgahan ninyo. Salamat.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...