Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 19
Alas diyes ng umaga ako bumaba kasi hindi
ako nakatulog kagabi. Siguro mga four am
na nang nawalan ako ng ulirat.
Pagkababa ko ay nakahanda na ang pagkain.
Ang sweet naman ng asawa ko, nag-abala
pa. Ako na ang nagligpit at naghugas ng
plato. Nakakahiya rin naman sa kaniya na
siya pa. E, siya na nga itong nagluto.
Mag aalas dos na ng hapon, nakaupo lang
kami sa sala.
"Ahm, hon? 'Di ba, summer vacation niyo
naman? Sama ka sa amin nina Leo,
magbabakasyon daw." Pagkarinig ko ng
bakasyon, siyempre tuwang tuwa ako.
Kagabi nga, isa rin 'yan sa mga iniisip ko
bago ako nakatulog: Kung ano'ng gagawin
ko ngayong summer.
"Talaga, hon? Saan at kailan?" Masigla kong
tanong. Hindi naman ako excited. Slight
lang.
"Sa Palawan daw. Bukas na. Actually, may
shooting sila at nakiusap sa akin si Leo na
mag guest sa gagawin niyang movie," artista
nga pala si Leo? Wow, sa wakas,
makapanood na rin ako ng mga ganiyan.
Ang mag shooting, shooting. Gusto ko kasi
malaman kung paano sila gumagawa ng
pelikula.
"Huh? Bakit bukas na? Ang bilis naman
yata?" sino ba ang hindi mawindang? i-
inform ka tapos bukas na pala?
"Lastmonth pa 'yan kaso nakalimutan ko
lang. Kung hindi pa tumawag si Leo kanina
para i- remind ako na bukas na ay hindi ko
pa maalala," tila naiinis din na sabi nito.
Well, obviously ay hindi niya gusto ang
ideyang iyon.
"Puwede ba nextday? Sunod nalang tayo sa
kanila ?" siyempre bibili pa ako ng mga
damit, noh. Tapos nga gamit. Ayoko naman
ora-orada. Dapat may plan.
"Nope, first scene kasi ako, e. At naka sign
na ako ng contract. Kung hindi lang
nakiusap si Leo, hindi ko talaga gagawin 'to.
Napakalaking movie kasi ang gagawin nila,"
sabi niya sa akin at pasimple siyang umakbay
sa akin habang kinukuha ang remote. Ang
sweet. Para kaming mag-asawa. Ay, mag-
asawa na pala kami. E di balik sa umpisa
para kaming magsyota. Sana forever na
talaga kami.
Nang buksan niya ang tv ay isang interview
kay Roxanne. Sikat na starlet sa showbiz
ngayon.
"'Wag mong ilipat. Ibalik mo. Gusto ko 'yon,
e." Reklamo ko. May pagka-chismosa rin ako
minsan at isa pa, idol ko 'yan si Roxanne.
Ang ganda kaya niya.
"Sabing ibalik mo, e. Kapag hindi, hindi na
kita papansinin." Pero joke lang 'yan. Takot
ko lang sa kaniya.
Walang salita na ibinalik niya. Tila ba naiinis
ito.
"So, ito na miss Roxanne,
Ano 'yon gurl ang napapabalitaan naming
may bago ka raw boyfriend na isang
businessman?" tila kinikilig pa na interview
ng bakla.
"Yupz. Friend siya ng leadingman ko sa next
movie namin," simpleng sagot niya habang
nakangiti pa.
"Talaga? Wow! May boyfriend na si
Roxanne?" masayang sabi ko. Siyempre idol
ko rin siya.
"Tsssss... Ilipat mo na nga 'yan!" Inis na sabi
nito. Hmm, ano ba ang problema niya?
"Siya ba 'yon, girl?" tapos may ipinakitang
mga pictures na kasama niya ang guy. Iba't
ibang lugar at iba't ibang okasyon. Masaya
sila sa pictures.
"Ang gwapo naman pala ng guy, noh?"
tiningnan ko si Karl. Hindi na maipinta ang
mukha.
Teka lang, wait... wait.....
Wait... Tingin sa tv, tingin kay Karl.
"Ilang months na ang relasyon niyo? Hindi
ba, may asawa na siya?" tanong ng bakla.
"Bago lang po, mga two months. Ang balita
ko, hindi na raw sila nagsasama." Tinanggal
ko ang kamay nitong si Karl na nakaakbay sa
balikat ko. Ang kapal ng mukha!
"Let me explain ..." mahinang sabi niya. Siya
ang lalaking laging naka blind item kay
Roxanne. Kaya pala.
"'Wag na 'wag na 'wag na 'wag mo akong
kausapin, Karl!" Tapos tumayo ako.
"Hindi naman to to--"
"I said stop i t!" Sigaw ko. Kaya pala palagi
siyang wala rito sa bahay. 'Yon pala,
nakikipaglandian siya sa iba?
"Importanteng meeting pala kaya hindi ako
puwedeng sumama, ha." 'Yong araw ng
exam ko noon, umalis siya at nagmamadali
pa. 'Yon pala ang importanteng tina-
trabaho niya ay si Roxanne? Hindi na nahiya!
Kahit hindi ako kilala ng mga tao, e alam
nilang may asawa na siya. Gano'n talaga ang
mga kerida. Ang tatapang!
Iyon kasi ang damit na suot niya nong
gabing 'yon e. Iyon ang nakita ko kanina sa
tv. Pakshit lang, pinaasa ako at pinakilig
tapos kung saang aamin na ako na mahal ko
na siya, doon ko pa malaman na may iba
siya? E, gaguhan pala ang gusto nito.
Napaka bilis naman yata?
Kagabi lang, hindi ako makatulog dahil sa
lintik na kilig, kilig moment namin tapos
ngayon, wow! What a surprise. Aakyat
nalang ako at magkulong sa kuwarto ko,
mabuti pa.
SURPRISE!
Paglingon ko, papasok si Nicole at nasa
likuran niya si Lenny.
"Hello, Ate Jane. Mabuti na lang, nakita ko
'tong kaibigan mo sa labas kaya pinapasok
ko na," nakipag beso-beso sila sa akin.
"'Di mo man lang sinabing pupunta ka," na
ang tinutukoy ko ay si Lenny. May duplicate
ng susi si Nicole kaya anytime ay puwede
siyang makapasok.
"Surprise nga, bessy e. Dinalhan kita ng
chocolates. Hindi kita matiis, e." Tapos
inabot niya sa akin ang toblerone at
snickers. Ito lang kasi ang gusto kong
chocolates.
"Bessy, ang ganda talaga ni Nicole, noh?
Parang dyosa," manghang-manghang sabi
niya habang nakatingin kay Nicole na
kinakausap si Karl.
"Hmp!" Pinandilatan ko naman ang loko
nang mapatingin sa akin. Hitsura niya
parang natatae. Ah basta! Walang pansinan
para tapos!
"Akala ko ba, schooldays ngayon sa States
Nicole?" sabi ko habang naglalaro sila ni
Lenny ng chess.
"'Di po, Ate. Vacation na rin sa school
namin," nakatutok lang ang mga mata niya
sa chessboard. Mukhang alam niya na dayain
siya ni Lenny. Sus, pareho lang kasi sila ng
ugali. Ngayon lang 'yan nagkakilala pero
close na kaagad.
Dito na rin sila naghapunan at si Karl na ang
nagluto ng dinner namin. Pero wala pa rin
kaming pansinan. Mabuti na lang dahil
nandito itong dalawang makulit. Hindi
awkward sa amin ni Karl.
"Uy, ano'ng oras na? Nood tayo ng
teleserye," tuwang tuwa si Lenny na
binuksan ang tv. Nandito kaming apat sa
sala.
"Favorite mo rin pala ang The One? Ang
ganda ng ending, noh?" masayang sabi ni
Nicole na ang tinutukoy ay ang kakatapos
lang na teleserye.
"Oo, gurl. Ang ganda!" Kinikilig na sagot ni
Lenny.
"'Yong "True Love Wins" pala maganda rin.
Tapusin natin bago umuwi. May forever
talaga," talagang magkasundo ang dalawa
kaya na out of place na ako.
"Tsss... Tumahimik na nga kayo! Kung hindi,
papatayin ko 'yan! Walang forever! Ang
tatanda na ninyo, naniniwala pa kayo diyan?
Forevermore nga, natapos na, e!" Galit na
sabi ko. Ang ingay, ingay kasi.
"Hala, bitter na naman si Bessy. Huwag ka
nang maingay, Nicole." Bulong niya sa
kasama.
"Ha? Gano'n ba, Ate? Bitter siya? Baka
nakakain ng ampalaya? Sige, 'wag na natin
pansinin."
Hindi ko na sila pinatulan. Pati si Karl, wala
rin akong pakialam! Mabuti na lang, after
one hour, sinundo na sila ng driver ni
Lenny. I da-drop by na lang daw nila si
Nicole.
Kinabukasan, maaga pang umalis si Karl.
Kung anu-anong sinasabi. Na sumama raw
ako, etchetera... Pero hindi ko kinikibo
hanggang sa nakaalis na at ayun,
magkasama na naman sila ni Roxanne.
Masakit! Sobrang sakit! Lalo na kung makita
ko ang mga mukha nila na masaya.
Ano'ng laban ko roon? Sikat na, maganda at
sexy pa. Samantalang ako, ano ba ang
puwedeng ipagmalaki ni Karl sa akin? Wala!

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...