Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 23
Dahil likas ngang lakwatsera itong mga kasama ko, naisipan naming lumabas sa resort. Ang dami palang palengke rito sa kabas. Ang mumura pa ng mga bilihin.
"Ate Lenny, bili tayo ng seafoods para magluto ka mamayang dinner natin."
Yaya ni Nicole kay Bessy. Nasa likuran lang nila ako.
"Oo ba. Bili tayo. Grabe, bagsak presyo." Talagang namangha sila. Hindi naman sila namamalengke tapos sa mall pa bumibili, e dollar price na roon.
"Damihan natin. Masarap magluto si Bessy," aba, akala ko siya itong magluluto.
"Ah, gano'n naman talaga kapag may asawa na Nicole, 'di ba? Kailangan magaling daw sa kusina," nakita kasi niya na masama ang tingin ko sa kaniya.
Mag- aalas siete na ng gabi pero hindi pa rin natapos gumala ang dalawa.
"Ouch! Ang sakit na ng mga paa ko. I can't take this anymore!" Maarteng reklamo ni Nicole.
Kanina pa ito nag-iinarte.
"Sino ba kasi sa inyo ang nagyaya na pumunta roon sa mga burluloys?" naiinis na sabi ko. Ang dalawa, pa picture-picture lang tapos ako naman, tigabitbit nila ng pinamili namin sa palengke.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa tricycle para magpahatid sa resort.
"Hala, Ate Lenny. Ito ba talaga ang daan? So creepy!" Reklamo ulit ni Nicole at kumapit pa saa braso ni Lenny . Para akong tao tauhan lang dito. Kanina pa hindi kinakausap nitong dalawa.
"Ha? Akala ko, alam mo ang daan." Patay, sabi ko na nga ba, e. Bakit ba kasi ako sunod ng sunod sa kanila?
"Hindi ko na po kaya. Magpahinga muna tayo. Ate Jane, alam mo po ba ang daan?" talagang naupo na siya sa gilid ng kalsada. Bakit ba kasi kami napadpad rito?
Walang streetlight. Ang dilim, dilim nitong kalsada. Mukhang wala pang dumadaan na mga sasakyan at kung meron man, iilan lang.
"Aba, malay ko. Sumusunod lang naman ako sa inyo, e!" naiinis kong sagot. Kahit ako nga, napapagod na sa kakalakad. Nanahimik ako kanina sa cottage, talagang ginising para lang mapasama sa kamalasan ng dalawang 'to!
"What/What?!" sabay talaga na sabi ng dalawa na tila gulat na gulat pa.
"Aba, alam mo namang hindi ko kabisado ang lugar na ito. At teka lang, bakit mukhang ako pa ang sinisisi ninyo, ha?" galit na sabi ko sa kanila.
"Ah, ano ba 'yan, bessy! Ang ganda, ganda mo pero mahina ang sense of direction mo? Tara na. Tumayo ka na diyan, Nicole. Maglakad na tayo," sa sinabi niya, 'di ko alam kung pinupuri ba ako ng babaeng 'to o nilalait?
"Hindi ko na po kayang maglakad, promise." Hinawakan na nito ang tuhod niya habang nakaupo. Paano na lang kami makabalik nito?
"Uy, may tao. KUYA! KUYA!" Tawag ni Lenny sa dalawang mamang papalapit sa amin.
"Ano ka ba, Lenny. Huwag mong tawagin. Baka mamaya, ano pa ang gagawin niyan sa atin," bulong ko rito nang malapit na sila sa amin. May trauma pa naman ako sa mga naka jacket dahil muntik na akong makidnap noon.
"Ano ka ba. Mababait 'yan sila, bessy. 'Di ba, kuya? Saan po ba ang daan papuntang parkingan ng tricycle?" magalang na tanong ni Bessy habang si Nicole ay hindi na talaga kayang tumayo.
"Holdup 'to! Ibigay ninyo ang mga gamit niyo!" matapang na sabi ng isa sa kanila. Hala, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
'Kuya naman. Mahilig sa joke. Saan po ang tricycle? Pasama naman po," nakangiti pa itong kaibigan ko. Hindi ba talaga niya naisip na seryoso ang mga ito?
"Daming satsat! Ibigay n'yo o papatayin namin kayo?" huhuhu nagpalabas na siya ng kutsilyo. Seryoso nga talaga 'to.
"Waahh... kuya, seryoso nga kayo. H-Heto po ang mga gamit namin. Parang awa niyo na po, 'wag mo kaming patayin. Huhuhu!" Si Bessy, umiyak na. Kanina, ang tapang, tapang pa, e. May trauma kasi siya sa kutsilyo.
Nasugatan noong bata pa siya. Naglalaro sila ng pinsan niya nang aksidenteng matamaan siya at nagkasugat sa braso niya. Hanggang ngayon, andiyan pa nga ang peklat.
Si nicole naman ay hindi na nakapagsalita pa. Napansin kong nanginginig ang buong katawan nito.
"Kuya, ibigay na po namin. Huwag mo lang po kaming saktan," pakiusap ko. Pilit na pinapatatag ang loob dahil ang dalawa kong kasama ay sobrang takot na.
"Huhuhu! Ang bracelet ko," tapos inabot ni Bessy kay Kuya.
Binuksan niya ang shoulder bag niya.
"Huhuhu! Ang iphone ko," todo iyak niya habang inaabot ni Lenny sa lalaki ang gadget..
"Huhuhu! Ang tablet ko..." at ibinigay nito ang tablet galing sa bag.
"Huhuhu! Ang charger ng mga ito," tapos may kinuha na naman sa bag at ibigay kay Kuya..
"Huhuhu! Ang extra battery ko," seryosong iyak niya habang kinukuha ang mga gamit sa bag pa isa-isa.
"Punyeta! Akin na nga 'yang bag mo, dami mong satsat!" hinablot ni Kuya ang bag niya.
" Kayong dalawa? " baleng niya sa amin ni Nicole.
"Akin na 'yang mga gamit ninyo!" Siyempre sa takot, ibinigay na lang namin ni Nicole. Kanina pa 'to hindi nagsasalita ang bata. Halatang pagod na pagod at takot na takot. Patay ako nito sa kuya niya mamaya kapag malaman ang nangyari.
Kesa naman lalaban pa kami. Ang gamit, mabibili pa 'yan pero ang buhay namin, kapag nawala, hindi na mapapalitan pa.
"Mabuti na lang at mabait kayong tatlo. E di, wala tayong problema," nakangising sabi ni Kuya na mahaba ang balbas.
"Tara na, p're. Baka may makakita pa sa atin .. ."
Nanginginig pa kaming tatlo sa takot! Nakailang habang na sila Kuya nang biglang magsalita si Lenny.
" Kuya? " napalingon ang dalawa sa aming tatlo. Nakakainis itong si Lenny! Ano ba kasi ang pumapasok sa isip niya at tinawag tawag pa niya ang mga ito?
"A no yon? " waahh... nakakatakot ang boses nila!
Nakitang kong napalunok laway pa si Lenny bago magsalita.
Siyempre kahit madilim, medyo maliwanag naman ang buwan kaya nakikita ko pa rin ang mga mukha nila.
"Hindi niyo po ba kami ire-rape?" waahh... bakit naitanong ng babaeng 'to ang bagay na 'yon? Okay na, e. Nakita ko ang ga mukha nina Kuya, nakangisi!
"O, gusto pala nito i-rape, e." Naglakad sila pabalik sa amin.
"Waahh... Lenny... Nicole, taaaaaakbooooooo..." sigaw ko sabay takbo na. Bahala na sila! Basta ako, wala akong balak na magpa-rape pa!
Hala, naalala ko si Nicole. Hindi na pala kaya no'n tumakbo. Huhuhu! Balikan ko na lang? Paglingon ko, sila Kuya, nakahabol na sa amin...
"Waahhh... besssy, nandiyan na sila... Waahhh... takbooooo paaaa..." nasa likod ko lang siya pero hindi ko nakita si Nicole sa likuran ko.
Pagharap ko, o, paano napunta 'yan dito? Nasa unahan ko na si Nicole at ang layo na ng agwat niya sa amin.
"Waah... Ate, 'di ko pa kayang mamatay! Virgin pa ako... Huhuhu! I don't wanna die virgin!" Hala, ang bilis pala niyang tumakbo. Nauna pa sa amin ni Bessy. Akala ko ba, pagod na siya?
Takbo... takbo... Takbo... Takbooo...

BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...