15

2.3K 58 1
                                        

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Ikinuwento ko kay Bessy ang totoong nangyari. Mula sa kung paano ako napunta sa simbahan hanggang sa mapapayag ako ni Nicole na pakasalan ang kuya niya at kung paano ako napunta sa bahay nina Karl. Basta lahat- lahat.
Si Lenny? Tulala lang. Nakanganga sa ikinuwento ko. Halos hindi makapaniwala. Kung sabagay, kahit ako, hanggang ngayon ay hindi rin makapaniwala, e.
"Diyos ko, tulungan niyo po ang kaibigan ko." Tapos nag sign of the cross pa siya.
"Para saan 'yon?" tanong ko naman dito. Ang daming arte!
"A, wala bessy, tara na. Aral na tayo para mamaya, perfect natin ang exam." Himala naman yata. Biglang mag-aral? Ano ba'ng pumasok sa isip nito? Baka namaligno?
"Bessy? Hndi ka ba magtatanong o ano man? 'Di ba, crush na crush mo 'yong asawa ko?" nakakapanibago kasi. Noong una, halos patay na patay 'to para lang makapag stolenshot kay Karl pero bakit ngayon, ang tahimik niya?
"Oo bessy, at masaya ako para sa 'yo... Totoo 'yon," bakas sa mukha nito ang pag-alala. Ano na naman ba ang drama ng bruhang 'to?
"Isa pa bessy, maganda ka naman. Hindi imposibleng magkagusto siya sa 'yo... Totoo 'yon, promise!" Itinaas pa niya ang kanang kamay bilang sign ng promise pero wala, e. Hindi ko makita ang sincerity sa mga mata niya.
Matapos mag-aral ay pumasok na kami sa classroom.
Ang dali lang pala ng exam na ibinigay sa amin ni sir akala ko sobrang hirap....sigurado makakapasa na kami nito...
Hahaha nasabi ko na madali kasi...ehem hindi po nangopya si lenny sa akin..
Alas tres palang ng hapon. Nakakinis naman kung uuwi ako kaagad. Sigurado, wala pa sa bahay si Karl. Masyado itong busy nitong mga nakaraang araw. Palaging ginagabi sa pag- uwi.
"Bessy, pasyal muna tayo sa mall." Yaya ko kay Lenny habang busy siya sa kakatext at hindi ako pinapansin.
"Uy bessy, sabi ko, pasyal tayo. Tapos na ang exams. Sino ba kasi 'yang tine-text mo?" ulit na sabi ko.
"H-Huh? Ang driver. Busy si Kuya Edgar. Wait lang, papunta na raw siya." Mabuti naman at nagpasundo siya. At least, makakatipid kami sa taxi. Ayaw nito na mag-jeep dahil baka raw ma hold-up. May phobia pa naman siya sa kutsilyo at kung hindi man, baka raw mawala ang mga gadgets niya. Noong firstyear kami ay pinilit ko siyang magjeep at pagbaba namin, wala na ang iphone niya.
After ng fifteen minutes na paghihintay ay nandiyan na si Kuya Edgar.
"Hello, kuya Edgar. Good afternoon!" Masayang bati ko.
"Good afternoon din ho, Ma'am." Tapos binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Sa backseat na kami ni Bessy.
"Saan tayo, Ma' am?" tanong nito bago i-start ang sasakyan.
"Sa mall po, kuya." Agad na sagot ko.
"Naku kuya, doon muna tayo pupunta sa sinabi ko. Pagkatapos, iwan mo na kami ni Bessy. Hindi ba, susunduin mo pa si Daddy sa airport?" oo nga pala, ngayon ang dating ni Tito.
"'Di ka ba sasama, bessy? Sunduin na lang natin ang daddy mo," lagi naman naming sinusundo si Tito kapag umuwi galing sa ibang bansa.
"Hindi, bessy. Okay na. Nasabi ko na kay Daddy na hindi muna tayo makasundo sa kaniya, naintindihan naman niya ako, e." sagot nito habang tinitingnan ako. Tila ba, sinusuri. Kanina pa 'to. Haist! Ano ba kasi ang problema niya?
"Isa pa, bessy, mas importante ka." Dugtong pa niya. Bahala siya! Hindi ko na lang pinansin pero 'pag mabuwesit ako, malilintikan 'to sa akin.
"Dito na tayo, Ma'am. Sige, alis na ako. Baka mahuli pa ako mamaya, magalit pa si Sir. Bumaba na kami. Nagtataka ako kung bakit nandito kami. Pumasok kami sa hospital ng family doctor nila.
"Bessy, ano'ng gagawin natin, dito?" nagtatakang tanong ko. Malapit na kami sa maliit na office ni Doc.
"Bessy, alam kong malaki ang problema mo kaya kung anu-ano na ang naiisip mo. Kaya nandito ako para tulungan ka," maingiyak-ngiyak na sabi niya.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo, Lenny?" prank ba niya ito? Kasama na naman ba sa kalokohan ng babaeng 'to at ako na naman ang pinagdidiskitahan niya?
"Ayoko talagang masira ang buhay mo nang dahil lang kay Darwin. Alam ko, bessy  na labis kang nasaktan at hanggang ngayon, hindi ka pa nakamove on. Ayokong mawalan ng kaibigan. Kahit ganito ako bessy, concern talaga ako sa 'yo." Hinawakan pa nito ang dalawang kamay ko at talagang tumulo na ang luha niya, ha.
"Bessy, naintindihan naman kita, e. Okay na 'yong may sugar daddy ka, naintindihan ko pa 'yon kasi alam kong tsismis lang 'yon. Huhuhu!" Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinahiran ang mga luha pati sipon.
"Pero bessy, 'yong tungkol kay Karl Montenegro, alam kung may mali, e. May mali na sa utak mo. Huhuhu. Hindi ka naman kasi ganiyan," so, ganito pala ang rason kung bakit ganito ang mga ikinikilos niya kanina pa.
"Ouch! Bessy naman! Ba't ba bigla kang mambatok?" rekalamo niya. Ang lakas talaga ng pagkabatok ko sa kaniya, as in sobrang lakas! Tumalikod na ako.
"Bessy, saan ka pupunta? Bessy naman," hinahabol na niya ako kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"P^t@ng ina mo naman, Lenny! Ano'ng akala mo sa akin? Baliw?" singhal ko. Nakakainis na, e. As in nakakainis talaga! Sino ba kasi ang buwesit na nagbigay ng ideya na dalhin ako rito? Aang corny ng ideyang iyon!
"Bessy naman, parang awa mo na. Magpa checkup ka. Madali lang 'yon," nakaharang na talaga siya sa daraanan ko.
"Tabi, Lenny! Isa... Kapag hindi ka tumabi, itutulak kita!" Pagbabanta ko. Ako baliw? Ang dami-dami kong problema, dagdagan pa ng babae ito!
"Bessy naman, e. Saan ka pupunta?" pagdadabog nito na nakasunod sa akin.
"Uuwi na sa bahay namin ng asawa ko!" Giit ko. Wala akong pakilam sa mga nakakasalubong namin. Putiks naman, pati kaibigan ko, hindi nga makapaniwala, paano na lang kaya 'pag ibang tao na?
"Mamaya na bessy, please. Baka mapaano ka. Concern lang talaga ako sa 'yo, bes. Huhuhu!" Masaya naman ako kasi sobrang concern nga talaga siya sa akin.
"Sige... Kain na lang tayo do'n sa 7/11," wala na rin naman akong magawa kung ayaw talaga niyang maniwala sa akin.
Bumili kami ng sisig. 'Yong tig twenty nine pesos na may kanin na at fit 'n right. Siya na ang nagbayad. Mayamaya ay nag-ring ang cellphone ko. Himala, si Karl ang tumatawag.
" Hello? "
[Hello. Nasaan ka na? Ang tagal mong lumabas! Nandito na ako sa gate," kahit hindi ko siya nakikita, alam kong naiinip na siya sa tono palang ng boses niya. Nakalimutan ko pala na siya ang susundo sa akin ngayon.
"Huh? Ahh... ehhh... Wala ako sa school. Sinamahan ko si Bessy na pumunta rito sa hospital," paliwanag ko sa kaniya.
[Saang hospital 'yan? Pupuntahan na kita diyan. May nangyari bang masama sa kaibigan mo?"
nag-aalalang tanong nito. Isa pa 'tong lalaking 'to sa problema ko, e.
"Wala naman. May pinuntahan lang. Sige, wait ka namin. Dito lang kami sa 7/11. Malapit sa St.Mary's hospital," ibinaba na niya ang tawag.
"Sino 'yon, bessy?" nakakunot ang noo na tanong niya.
"Si karl," out of the blue na sabi ko.
"Ano'ng sabi ng KARL mo?" talagang diniinan niya ang salitang 'Karl'.
"Wala naman. Ang sabi niya, papunta na raw siya rito. Susunduin niya tayo," sagot ko sa kaniya habang iniinom ang four season fit 'n right.
"Shit! Kailangan na talagang magpa check-up ng bessy ko," bulong nito na rinig ko naman.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Where stories live. Discover now