Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 10
"Karl, diyan mo na lang ako ibaba sa 7/11.
Maglalakad nalang ako," sabi ko sa kan'ya.
Papasok na ako dahil may kailangan pa
akong i-explain kay Sir Gomez at sa mga
professors ko dahil absent ako kahapon. Isa
pa, absent din si Lenny. One week daw
siyang pinapahinga ng doctor dahil nagka
dengue. Ang katulong ko naman ay
tumawag kagabi. Sabi niya ay matatagalan
pa siyang makabalik dahil sobrang na miss
daw ng pamilya. Ang sabi ko, 'wag na. Kaya
ko naman ang sarili ko at magnegosyo na
lang siya sa probinsya para makasama na rin
niya ang pamilya niya. Tumanda na kasi siya
sa paninilbihan sa amin. Padalhan ko ng pera
bukas para may pang umpisa. Mahirap na.
Baka madamay pa siya sa gulo na
kinasasangkutan ko. Sinabi ko na hahanap na
lang ako ng ibang makakasama ko sa condo
para mapanatag ang loob niyal kaya tuwang-
tuwa naman si Yaya.
"Hatid na kita sa loob," offer niya sa akin.
"Huwag na. Ayoko naman na pagkaguluhan
ka. Baka may makakita sa atin," tanggi ko.
Mahirap na. Kay Darwin nga, marami na
akong kaaway sa kan'ya pa kaya?
"Baba na. Alam ko namang takot ka lang na
malaman ng lalaking 'yon," ano'ng
pinagsasabi nito? Hindi ko na pinansin, baka
malate pa ako.
Binilisan ko ang paglakad nang makababa na
ako.
"Wow, naka BMW siya. Bagong boyfriend
kaya niya ang naghatid?" narinig ko na
usapan ng mga estudyanteng nakatambay sa
7/11. Nakita nila akong bumaba sa sasakyan
ni Karl. Mabuti naman at hindi na nag-
abalang bumaba si Karl.
"Oo. Nakita kaya namin 'yan kahapon sa
mall. May kasamang matanda at ito pa
talaga ang nagbayad sa mga pinamili niya,"
ganito na ba ako kasikat para pag-usapan?
Tsss...
:Hahaha kung sabagay, okay na ang ganiyan.
Palibhasa wala nang pag-asa kay Darwin..."
'Pag patulan ko pa sila, gulo na naman ang
abot ko. Nangako na ako sa sarili ko na
hindi magpapa-apekto kaya binilisan ko ang
lakad papunta sa classroom.
"Miss Angeles, punta ka sa office mamaya.
Gusto kang makausap ng Dean. At
pakipapunta na rin ng guardian mo sa akin.
Ang dami na ng absences mo," bungad ni
Sir Gomez. Himala! Natatandaan na nito ang
apelyido ko..
"Ah, sige po, Sir. Papupuntahin ko nalang
po." Ang totoo niyan, 'di ko alam kung sino
ang pupunta. Si Tita a
Abby sigurado, hindi puwede dahil
nagbabantay kay Lenny na hanggang ngayon
ay may sakit pa. Lamok lang pala ang
makakatapat no'n. Busy din ang father nito
sa business. Dati, si Yaya ang laging
pumupunta kaso ngayon, wala na. Bahala
na...
"Sino kaya ang pupunta? E, wala namang
kamag-anak 'yan dito," tanong ng kaklase
ko. Nilingon ko sila.
"Puwede ba? Huwag n'yong problemahin
ang problema ng iba!" Naiinis na saway ko
kaya tumahimik sila.
Sa halip na bantayan ang buhay ko, dapat
nagpapasalamat ang mga ito dahil buhay pa
ang parents nila. Naku, crab mentality nga
naman.
------
Kinausap lang naman ako ng Dean dahil sa
mababang grades ko. Kapag hindi ko raw
ayusin ang pag-aaral ko ay baka babagsak
ako.
"Kailan mo ba balak na magdrop o
magtransfer nalang, ha?" ayan na naman po
si Gwen at ang mga alipores niya.
Makakasalubong ko na naman sila. Hindi ba
ako titigilan ng mga ito? Ang liit naman yata
ng mundo ko?
"Alam mo Gwen, kung napapagod kayong
makita ang pagmumukha ko, ba't hindi na
lang kaya kayo ang magtransfer, ha? Nang
magkaroon naman tayo ng katahimikan."
Sumusobra na talaga 'to, e.
"Hmp! Hindi lang kami ang naiinis sa panget
mo na pagmumukha kung 'di lahat ng
estudyante rito sa campus! Nang
magpasabog ba ang Diyos ng kagandahan
nasaan ka at ganiyan ang mukha mo?"
tanong ng isa niyang alipores. Nagtawanan
pa ang mga ito.
"Wow! Talagang ito pa ang nagsabi sa akin
ng ganito, ha. Hiyang-hiya naman ako sa
haba ng baba niya at sa no space na mukha
niya para sa bagong tigyawat.
"Noong nagpasabog ng kagandahan? Nasa
langit lang naman ako," naiinis na sagot ko.
E, bakit? Maganda naman talaga ako. Totoo
'yon. Ang dami ko kayang manliligaw. Lintik
lang kasi 'tong Darwin, e. Panira sa image
ko.
"Nasa langit daw. Hahahha. Ayan tuloy,
sobrang pangit mo. Hahaha..." Makatawa
'to si Gwen, wagas. Palibhasa mukhang
demonyo!
"Sus, oo roon nga ako. Hindi niyo ba alam
na habang sumasalo kayo ng kagandahan
dito ay ako ang nagdo-donate ng
kagandahan doon sa langit para ipasabog
dito sa lupa?" pagmamalaki ko sa kanila.
Walang sino man ang makakainsulto sa
kagandahan ko, noh!
"Wow, kagandahan daw? Saan banda girl?"
aba, nagsalita ang kaibigan niyang mataba.
Putiks naman, hindi ko na sinagot. Talo ako
rito. Paano ko bababuyin e baboy na 'to?
"Sa bandang meron ako at wala kayo !"
mamaya sa rambol na naman 'to mauwi.
"Kayo na naman? Mag-uumpisa na naman ba
kayo rito?" hala, si Sir Gomez. Kakalabas
lang sa classrooom.
"At ikaw din na naman, Sir?" sagot ko rito.
Paulit-ulit lang ang mga pangyayari.
"What did you say, Miss Angeles?" galit na
yata. Baka isipin, wala akong manner.
'Wala po, Sir. Sige, mauna na po ako sa
inyo. See you ho bukas," umalis na ako.
Hindi ko na pinansin ang mga kampon ni
Hudas na galit na nakatingin sa akin.
"Hello? " nagring kasi ang cp ko habang
palabas na ako sa school. At ang
tumatawag? Ang
asawa ko. Hehehe concern?
"Si Mang Kanor ang susundo sa 'yo. May
importante akong lakad. Basta gano'n pa rin
ang sasakyan. Makikilala mo rin 'yan," sabi
nito. Napagkasunduan kasi namin na ihatid
sundo na niya ako o 'di kaya'y ang driver
nila.
"Okay..." Sagot ko at pinatay na niya ang
tawag. Sus, 'yon lang? Wala man lang bang
I lab yow? Hehehe landi ng lola!
Saktong pagkalabas ko ng gate ay dumating
ang sasakyan at bumaba ang nasa
singkuwenta na yata ang edad. Ito na siguro
si Mang Kanor dahil mukhang may
hinahanap. Kahit pala driver lang ay maayos
ang hitsura. Iba talaga 'pag sa mayaman ka
nagtatrabaho. Magkano kaya sahod nito?
"Hi, Mang Kanor." Nakangiting bati ko.
"Hello po, ikaw po ba si Ma'am Jane?
Pasensiya na, late ako. May dinaanan pa kasi
ako," bati rin niya sa akin.
"Oo ako nga po. Okay lang. Kakalabas ko
lang po," binuksan niya ang frontseat para
sa akin at umikot siya sa driver's seat. Lahat
naman ng estudyante ay all eyes sa akin.
Mayayaman naman sila kaso nakakapanibago
lang.
Dati, ang kotse lang ni Darwin ang
sumusundo naghahatid sa akin kasi nga,
hindi naman kami gano'n ka rich. Mahal ang
gasolina kaya nagji-jeep na lang ako seven
pesos and fifty centavos lang.
"May sugar daddy nga siya. Mas mayaman
pa kay Darwin..." narinig ko pang sabi ng
mga estudyante bago ako pumasok sa
sasakyan. Hmp! Bahala sila mag- isip.
"May dadaanan pa ba kayo, Ma'am?" tanong
nito habang nagda-drive.
"Wala na po, Mang Kanor. Diretso na po
tayo sa bahay," sagot ko at tinawagan si
Bessy.
"Bes? I miz yow. Na mish mo ba akow?"
bati nito sa akin. Nakailang ring palang,
sinagot na niya kaagad. Halatang namimiss
ako.
"Ewan ko sa 'yo. Mag-aral ka. Nextweek na
ang exam natin pagbalik mo..."
mangongopya ako sa kaniya.
"Sus, ang rude mo naman sa akin. Hindi ka
marunong maglambing," nagtatampo ang
boses niya.
"Rude, rude ka d'yan," maasar nga.
"Rude ka nga! Do you know the meaning of
rude? Rocky rude, coastal rude... Bessy
naman, tumawa ka naman. Nagjo-joke ako,
e." Reklamo niya.
"Ah, joke ba 'yon? Hindi ko alam.
Nagpapatawa ka ba?" hahaha lakas ng trip
ko kay Bessy.
"Hmp! Oo, bessy, nagpapatawa ako.
Comedyante nga, 'di ba? NATURAL! Alangan
naman magpaiyak kami," reklamo niya sa
akin.
"Ewan ko sa 'yo. Saan mo ba 'yan kinukuha
iyang ka cornihan mo?" minsan, hindi ko
alam kung ba't naging kaibigan ko tong si
Lenny?
"Ahahaha kay Sinio, bessy. 'Yong sa fliptop.
Wala kasi akong magawa kaya nanonood ako
ng fliptop. Waaaaahhhh bessy, idol ko na si
Delo at ang gwapo ni Abra!" Makatili naman
ito. Akala mo may darating na delobyo.
"Bahala ka na nga diyan, bessy. I-send ko na
lang sa email ang pag-aralan mo, ha. Sige,
bye na." Paalam ko.
"Salamat, bessy. Sabihin mo munang crush
mo si Zaito. Ahahaha. Sige na, please."
pagmamakaawa nito. Sino na naman 'yon?
"Oo nalang, bessy. Sige na, bye!" Pinatay ko
na. Baka kung ano na naman maisip na pag-
usapan namin. Kung anu-ano kasi
pinapanood sa youtube.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...