Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 11
Mag-a-alas diyes na ng gabi. Nandito pa rin
ako sa sala at naghihintay kay Karl. Hindi pa
naman ako inaantok.
"Sino kaya ang papupuntahin ko bukas?"
nasa gano'n akong pag- iisip nang marinig
kong dumating na ang sasakyan niya. Ang
BMW x5 kasi ay 'yon talaga ang gamit ng
driver kapag may sinusundo sa pamiya nila.
Si Mang Kanor ay doon natutulog sa bahay
nila. Parang on call lang siya kung sino ang
magpasundo sa pamilya ng mga
Montenegro ay tatawagan lang siya.
May kaniya-kaniya ring sasakyan sina Mr.
and Mrs. Montenegro. Itong sa asawa ko ay
chevrolet tahoe kaso pinaayos pa niya kanina
kaya ang BMW muna ang ginamit niya
noong ihatid ako sa school.
"O, ba't gising ka pa? Sana natulog ka na.
May pasok ka pa bukas," inilapag niya ang
bitbit na atache case at naupo sa tabi ko.
Ang gwapo naman niya. Naka business suit
ito kaya businessman na businessman ang
looks.
"Haay, iniisip ko kasi kung sino ang
papuntahin ko sa school bukas," problema
ko talaga 'yan kanina pa.
"Bakit na naman daw? Nakipag away ka na
naman ba?" concern na tanong nito pero
natamaan ako do'n, ha.
"Hmp! Kapag may patawag, nakipag-away
na ako agad? Hindi ba puwedeng may
pinagdadaanan lang?" kunwari nagtatampo
ako.
"Sus, ano na naman ba ang pinagdadaanan
mo?" nakangiti niyang tanong. Ang cute
niya.
"Isang matinik na daan. Wait lang,
ipaghanda lang kita ng dinner mo." Tumayo
ako. Nakita ko kanina na may laman na ang
ref kaya nagluto ako. Baka pumunta ang
katulong niya kanina at nang grocery. Siya
naman ay umakyat muna sa kwarto para
makapagbihis. Matapos kong initin ang
adobo ay inihanda ko na sa mesa...
Saktong kakababa na niya. Nakashorts at
simpleng whits t-shirt lang. Isang
napakagwapong nilalang ang nasa aking
harapan. Ang ganda pa ng katawan.Naggi-
gym ba 'to? O likas lang?
"P erfect 10 na ba ang rate mo sa katawan
ko? " napayuko ako. Alam kong namumula
na ang buo kong mukha. Ano ba 'yan,
masama ba ang humanga sa kaniya? Kay
Darwin nga na mukhang kalansay,
nagkagusto ako. Sa mala greek god pa kaya
na asawa ko?
"Ano'ng niluto mo? Hmmmm... Mukhang
masarap, a. Kain ka ulit," hinila niya ang
upuan para maupo.
"B usog na ak o," tanggi ko. Naupo ako sa
harapan niya at pinagmasdan siya habang
kumakain. Ang haba pala ng pilikmata niya
at ang tangos ng ilong niya. May dimple rin
siya sa kaliwang pisngi pero hindi naman
gano'n kalalim. Kapag mag smile lang.
"Hmmm... Sarap nitong adobo, ah. Puwede
na," nakangiti nitong sabi.
"Puwede ng mag-asawa?" tanong ko. Iyon
naman laging sinasabi kapag masarap
magluto. Sanay kasi akong magluto dahil
nagpapaturo ako kina Mama at Yaya noon.
"Hahaha. Mag- asawa na nga tayo, 'di ba?"
nakangiti nitong sabi at napatingin sa akin.
Hindi ko na nabawi ang tingin ko sa kaniya.
Parang may nanghihigop, e.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Mas
malakas pa sa sound system na gamit ng
mga taga probinsya sa tuwing fiesta,
nakakabingi!
"E di, magka-baby na lang," mahinang
sambit ko.
"Say it again? ' nakakalokong sabi niya.
"Huh? Wala... Wala akong sinabi," hala, sa
sobra ko sigurong kaba, kung anu-ano na
ang lumalabas sa mga bibig ko.
"May sinabi ka, e. 'Yong tungkol sa baby,"
tumayo pa ito at lumapit sa akin.
"Ano yon? Gusto mo, umpisahan na natin?"
nang-aakit na wika nito.
"Waaaah... Bastos ka talaga, bastos!"
Tumayo ako at pinaghahampas siya.
"Ahahaha.... Joke lang, ouch! Araaay! Biro
lang, Ouch! Hahaha." Tawa ito nang tawa
pero sige lang sa paghampas.
Kunwari, galit-galitan pero sa totoo lang,
pulang-pula na ako sa kahihiyan. Hanggang
sa napagod na kami pareho at napaupo sa
sofa. Tahimik kami. Wala akong balak na
makipag-usap sa kaniya.
"Si Mang Kanor na lang ang pupunta sa
meeting mo bukas," siya na ang kusang
bumasag sa katahimikan.
"'Wag na lang. Alam mo bang napagkamalan
'yon na sugar daddy ko kanina sa school?"
at ikinuwento ko na sa kaniya ang nangyari
kanina. Heto siya, hanggang ngayon, 'di pa
rin naka get-over. Tawa pa rin nang tawa.
"Hahahhahaha... Hahahha... Sorry, hindi ko
lang mapigilan. Hayaan mo, ako na ang
pupunta bukas." Nanlaki ang mga mata ko.
Kapag siya ang pumunta, tiyak malaking gulo
na naman.
"Ahm... 'Wag na. Si Mang Kanor na lang ang
pupunta. Okay na," todo tanggi ko.
"So, okay lang pala sa 'yo na pag tsismisan
na may sugar daddy kaysa ipakilala na ako
ang asawa mo?" may himig na pagtatampo
na sabi nito.
"'Di naman sa gano'n. Kaya lang, alam mo
naman, ayoko ng gulo, "di ba?" paliwanag
ko.
"Oo na, Si Mang Kanor na lang. Matulog ka
na. Ako na ang maghuhugas ng plato,"
tumayo na ito at naglakad papunta sa
kusina.
"Uy, galit ka ba?" tanong ko habang
sinusundan siya.
"Hindi. Matulog ka na. Pasado alas onse na.
Maaga pa tayo bukas," ano'ng nangyari
do'n? Badtrip yata?
"Ako ang famous, ako pa ang ikahiya?"
pabulong-bulong na sabi nito habang
naghuhugas.
Problema nito?
Nauna na akong umakyat papunta sa
kuwarto. Inaantok na rin ako. Magkaiba
naman kami ng kwarto kaya okay lang na
mauna na akong matulog.
Maaga pa akong nagising dahil maghahanda
pa ako ng breakfast namin. Hotdog lang
naman at tocino. Sinangag ko nalang ang
natirang kanin kagabi.
"Goodmorning!" Masayang bati ko sa kaniya
nang makababa na ito.
"M orning ," simpleng sagot niya sa akin.
Wala kaming imikan hanggang sa natapos na
kaming kumain at umalis na ng bahay.
Inabala ko ang sarili ko sa pagre-review
habang papunta kami sa school. Nextweek
kasi exam na. Sigurado, mangongopya lang
si Lenny sa akin. Siya naman tahimik lang na
nagdadrive...
"Dito na tayo," 'di ko namalayan na nasa
tapat na pala kami ng gate. Mabuti na lang
pala dahil ang aga ko. Wala pang gaanong
estudyante.
"Sige, salamat. Ingat," hindi pa rin siya
sumasagot kaya bumaba na ako.
Naglalakad ako papunta sa classroom.
"Ang yaman nga ng sugar daddy niya. Iba
na naman ang sasakyan."
Ayan na naman po ang mga insecure na
estudyante. Kaninang bumaba ako sa
sasakyan ni Karl, saktong nakasunod sila sa
likuran ko pero hindi naman nila nakita si
Karl.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...