52

2K 54 1
                                        

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 52

[Nicole's Pov]
"Kuya, sa condo mo na lang po ako ni My loves ihatid. Doon na lang po ako didiretso." Sinundo kasi ako ni Mang Kanor.
Nabalitaan kong may problema raw si Kuya sabi ni Leo pero ayaw niyang sabihin kung ano. May kinalaman daw ito kay Ate Jane at nanganganib na masira ang relasyon nila...
Hmm? Ano kaya 'yon? Hayaan na lang 'yang sa kanila, namaya nalang yan. I- surprise ko muna si My Loves ko.
"Kuya, salamat po. Dito na lang po muna ako. Ite-text na lang po kita kapag magpapasundo na ako " Mabilis akong tumakbo papunta sa elevator. Kilala na rin naman ako ng mga guwardiya rito.
Nasa 6th floor pa kasi ang unit ni Leo. Pagdating ko, sarado ang pinto kaya nag doorbell ako pero walang bumukas kaya binuksan ko nalang. Alam ko naman ang password.
Pagpasok ko, naka-on ang TV pero wala si Leo sa salam
Hala, baka may inaano na naman siyang babae? kaya tumakbo ako papasok sa kwarto niya pero wala sa kama.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo si Future Husband ko. Agad akong tumakbo papunta sa pinto. Gusto ko ang eksenang 'to e, masilip nga.
Kaso naka-lock. Tsk...
Charaaaannnn. Ang suwerte ko dahil nasa ibabaw ng table ang susi.
"Waaaaaaahhhhh! My loves!" tili ko. Nang buksan ko ang pinto ay naliligo si Leo, naka hubo't hubad. As in walang damit.
"Shit! Nicole? What are you doing here? Labas!" sigaw niya sa akin. Ako naman, patay malisya lang. Pinipilit na hindi tumingin sa baba...
"Ayaw! Sabay tayo maligo, my loves. Malagkit katawan ko. Sabon mo 'ko, please," parang bata na sabi ko tapos naghubad ng damit. Naka-panty at bra na lang ako nang dali-dali siyang lumabas.
"My loves, saan ka pupunta? Maligo pa tayo e," habol ko sa kaniya. Hindi na ako nagbihis pa...
"Utang na loob, Nicole! Magbihis ka nga! Mahiya ka sa katawan mo!" Kinuha na niya ang damit at nagbihis. Ay, ano ba yan? Nakakainis! Bakit nagbihis siya?
"Nakakainis ka! Bakit nagbihis ka na?Kitang nag-ienjoy pa ako e," nagtatampong sabi ko tapos naupo sa kama.
"Tssss. Bakit 'pag nakahubad ba ako, nakatingin ka? Hindi naman, 'di ba?Hanggang dibdib o di kaya ay paa ko lang ang tinitingnan mo." Tama nga siya. Hala, napansin niya? Hindi ko kasi kayang tumingin e. Hindi pa ako ready..
"Uy, 'di ah. Tinitingnan ko kaya," todo tanggi ko.
" Oh? Anong itsura?" Ccasual na tanong niya sa akin. Ang manyak manyak ni Leo...
"Basta gano'n! Nakakainis ka naman e!" Killjoy tong si Leo. Pinaandar niya ang aircon..
"Patayin mo 'yan, ang lamig lamig," reklamo ko habang niyayakap ang sarili. Basa na kasi ang damit ko roon sa banyo kaya hindi ko na maisuot. Wala rin akong dalang damit, sagabal lang sa biyahe..
"Oh, isuot mo 'yan." Tinapon niya sa akin ang puting tshirt niya. Isinuot ko ito. Kasyang kasya lang sa akin para akong naka- daster.
"Luto mo ako. Nagugutom na ako e." Utos niya sa akin at nanonood ng teleserye nila ni Roxanne..
"Oh? Tatanga-tanga mo pa riyan? Kung gusto mong maging asawa kita, dapat marunong ka sa gawaing bahay."
Pasalamat 'tong lokong 'to, mahal ko. Dahil kung hindi, kanina ko pa 'to sinigawan. Kaya naghanda na lang ako ng makakain niya. Hindi pa rin naman ako nakapag-breakfast...
"Tsss. Kung mag-order na lang kaya tayo ng pagkain, my loves,' reklamo ko habang hinihiwa ang sibuyas.
Magluluto kasi ako ng itlog. Iyong may kamatis at sibuyas tapos isangag ko na lang 'tong natirang kanin niya kagabi.
"Dapat ikaw ang magluto. Alam mo namang hindi ako sanay kumain sa labas. Iba pa rin ang lutong bahay, noh. Kung ayaw mong magluto, 'wag na lang," nagtatampo na sabi niya sa akin.
"Ang arte nito. Ito na nga po o, nagluluto na.." Patuloy pa rin ang pag hiwa ko ng sibuyas. Ano ba 'yan, sana masugatan ako nitong kutsilyo.
Iyong kagaya sa mga movies na napapanood ko. Kaso ayokong sadyang masugatan. Ang sakit naman non. Isa pa, takot ako sa dugo kaya 'wag na lang. Di bale, marami pa naman kaming moment ni My loves ko. Huwag 'yong saktan ko ang sarili ko. Ayoko talaga ng gano'ng eksena, promise.
"Aww! Fuckshit lang! Fuck! Fuck!fuck!" Napatalon-talon ako. Tang'na! Sino ba ang nanalangin na masugatan ako?
"Shiit! Ano ba Nicole, hindi ka ba nag- iingat?" natarantang sabi ni Leo at lumapit sa akin...
"Huhuhu! L-Leo, d-dugo. Parang awa mo na, t-tanggalin mo 'to," umiiyak na pakiusap ko. Medyo malaki kasi ang sugat sa daliri ko. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip kaya nahiwa ko ang aking daliri. Ang hapdi! Hinugasan niya ito.
"Akin na nga 'yan, maupo ka," sabi niya tapos inilagay niya sa lap niya ang kamay ko na may sugat. Lalagyan niya ng betadine. Nakita kong medyo malaki ang sugat ng ibuka pa niya ito..
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari, hinimatay na ako. Ay, 'di pala, kunwari lang.
"Nicole, ano ba! Gising! Tang'na naman, Nicole. Fising!" Niyuyogyog niya ako.
Pero ayoko pa ring magising..
"Nicole, alam ko hindi ka hinimatay! Kapag gumising ka, hahalikan kita." Hi parin ako dumilat. Bahala siya. Palagi naman siyang ganiyan pero hindi naman ako hinahalikan. Hindi na ako bata para utuin, noh!
"Nicole, please gumising ka na." Medyo kinakabahan na siya. Firstime ko kasing hindi dumilat.
"Gagawa pa tayo ng baby, my loves. Gising na."
Waahh tama ba ang narinig ko? Gagawa kami ng baby?
"Isang dosena?" tanong ko at dumilat na ako. Ayiee excited much..
"Tssss. Tumayo ka na nga riyan! Magpapa-deliver na lang tayo!" naiinis na sabi niya. Tumayo na ito at nagpa-deliver ng breakfast meal sa Jollibee.
"Sinungaling!" galit na sabi ko. Dumating ang order niya pero hindi ko pa rin siya kinikibo..
"Kumain ka na nga, Nicole. Huwag ka nang magtampururot diyan."
Sinimulan na nitong kainin ang pancake.
"E, wala ka namang isang salita! Sa sampu mong sinabi sa akin" isa lang ang tama. P-Palagi ka namang ganiyan! P-Palagi mo akong niloloko! P-Palibhasa tiwala kang mahal kita," Naiyak na ako. Last na lang ito. May hangganan din naman ako. Ayoko nang masaktan at umasa. Kung hindi niya ako mahal, pipilitin kong kalimutan siya.
"Haist. Sa sampo kong sinabi at least may dalawa pa namang tama. O , kain ka na..." Nilagyan niya ng syrup ang pancake na nasa plato ko.
"ISA lang! At hindi ko alam kung ano 'yon dahil lahat ng sinabi mo mula noong bata pa ako ay wala ka pang ginawa o sinabing tama! Napaka sinungaling mo, Leo!" Hindi ko ginagalaw ang pagkain...
"DALAWA at alam mo na 'yon," pagtatama niya sa akin. Huh? Alam ko na 'yon? Wala naman ah. Tumingala ako sa kanya. Seryoso ang mukhal niya.
"Huh? Alam ko na? Ano 'yon?" curious na tanong ko. Hindi pa naman niya nasabi o ginawa ah.
"Una, pakakasalan kita at pangalawa ay dahil MAHAL KITA. Iyon ang totoo at tama, Oli."
Waah. Tama ba ang narinig ko?Speechless ako. Mahal niya ako?
"T-Totoo ba 'yon? Totoo ba ang narinig ko?" Umiyak ulit ako. Ngayon ay tears of joy na.
"Oo nga diba sabi ko sayo nong nasa sa palawan pa tayo..so please may tamang panahon para dyan...mahal naman natin ang isat isa kaya wala tayong dapat madaliin okey?magiging misis din kita sa tamang panahon..?"... sa bawat salita na sinasabi niya ay ramdam ko ang pagiging seryoso....
Ang saya saya ko..pagkatapos naming kumain ay siya na ang naghugas ng plato...
Papunta siya sa trabaho kaya nakisabay nalang ako papunta kina ate lenny dahil nandon daw si ate jane..
"Ahm...my loves???di ba talaga pwede?" pangungulit ko sakanya.hehehehe..
"Nicole bumaba kana bago pa ako mabweset sayo." Binuksan na niya ang pinto.andito na kasi kami sa tapat ng bahay ni lenny.ibinigay niya ang complete address niya bago ako pumunta sa amerika noon...
" Hmmmmp!parang isang baby lang e" reklamo ko..ayaw talaga niyang gumawa na kami ng baby...
"Joke lang my loves..sige na ba bye..i love you"... ang sama na kasi ng tingin niya sa akin.. hinalikan ko siya sa lips..hahaha...ito ang araw na sobrang saya ko dahil may assurance na ako galing sakanya...
Bukas ang gate kaya isinarado ko tapos binuksan ulit....tapos pumasok na at hindi isinara...nasesense ko kasi na lalabas ako agad...bwahahaha kanya kanyang trip lang kapag masaya....dumiretso na ako sa loob..naabutan ko si ate jane na umiiyak at yakap ni ate lenny...
"Hi guys!!!!i'm back!!!!"
Masayang sigaw ko..sobrang namiss ko ang dalawa kong ate e..
"Anong ginagawa mo dito nicole?". Naiinis na tanong ni ate lenny..
"To naman si ate..di mo ako na miss?" nakangiti kong sabi tapos binigay ang pasalubong...ito lang ang dala ko galing sa US e..hehehe...
"Matapos nyong lokohin ang kaibigan ko..may mukha kapang iharap sa amin?" Sumbat na sabi niya sa akin...
"Ano po bang panloloko ang sinasabi niyo ate..di ko po maintindihan.." niloko ko daw?saan banda?
"Akala mo hindi pa namin alam?na kabit lang si bessy dahil kasal na siya sa gagang jasmine na yon?" Umuusok na ang ilong ni ate...so ito pala ang problema nila...tahimik na umiiyak si ate jane...kawawa naman...toinkz..
"Ate dito lang kayo ha...wag po kayong aalis.babalik po ako.." kaya pala hindi sinasagot ni ate jane ang tawag at messages ko dahil galit sila sa akin...tskkk!!!
"San ka naman pupunta????"... sus to si ate lenny kung magalit ay wagas...akala ko ba pinapaalis na ako nito...
"Gagawa po ng happy ending"..
Tumakbo na ako palabas..pupuntahan ko si kuya..magpaparty kami dahil for the firstime YEHEY!!!!...sa wakas naging TANGA na siya.....

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Where stories live. Discover now