Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 9
[Janes Pov]
'Andito na kami ngayon sa kwarto. Iniwan
na namin ang dalawa sa baba.
"Kumain ka na ba? Teka lang ha, o-order na
lang ako. Magpa deliver na lang tayo,"
concern na sabi niya sa akin. Dapat lang.
Siya naman talaga ang rason ng lahat ng
ito.
"Bahala ka. Puwede bang matulog muna
habang wala pa ang pagkain? Pagod na kasi
ako," sino ba ang hindi mapagod? nakipag-
away ako at tumakbo sa kidnappers tapos
gano'n pa ang maabutan ko sa condo?
"Sige, dito ka lang. Bababa lang ako.
Gisingin na lang kita 'pag handa na ang
pagkain," malumanay na sabi nito. Ewan,
bahala siya. Wala ako sa mood.
---------
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa
ibabaw ng table. Tiningnan ko ang oras.
Alas otso na ng umaga..
"Oh my! Late na ako," dali-dali naman akong
tumayo para magbihis. Patay, alas siyete
ang pasok ko.
"Ay, nasaan ako? Nasaan ang banyo ko? Ang
mga damit? Bakit ang ganda naman 'ata
nitong condo ko?" malaki at malawak ang
silid. Nakakalula ang mga mamahaling gamit.
Ang beddings at khaki curtains ay halatang
mga imported.
Pagbukas ko ng pinto, may hagdan.
Siyempre, bababa ako. Para akong prinsesa
sa isang disney movies. Ang gara talaga ng
double story na bahay na ito. Ang ganda ng
ceilings, ang kintab ng kumikinang na
chandelier at ang lalaki ng portraits na
nakasabit sa dingding. Doon ko lang naalala
ang nangyari kahapon. So, totoo pala ang
lahat ng iyon. Akala ko, panaginip lang. Wala
akong makitang tao kaya lumabas ako.
Nasabi niya sa akin kagabi na every saturday
lang daw pumupunta ang maid dito para
maglinis dahil minsan lang ito umuuwi rito.
Lagi raw siyang nasa mansion ng pamilya
dumi-diretso pagkatapos ng trabaho.
"Goodmorning!" Bati niya sa akin na naka
swimming trunk lang. Nandito pala siya sa
pool area. Ang lawak ng pool niya. Parang
ang sarap tuloy maligo. Shit! Ang mga mata
ko, hindi na virgin. Topless siya.
Kasabay ng pagtulo ng tubig sa katawan
niya na galing sa buhok nito ay ganon din
ang pagtulo ng laway ko pero pakiramdam
ko lang pala. Ang O.A ko naman kung
talagang tumulo ang laway ko sa harap niya.
"Hindi na kita ginising kagabi. Mahimbing
kasi ang tulog mo. Alam ko, pagod ka." At
pinunasan na nito ang basang mukha at
katawan gamit ang tuwalya.
"'Yon ba? Okay lang, papasok sana ako kaso
late na." Paano kaya kung balikan ako ng
mga kidnappers? E di patay ako. Sa totoo
lang, nagwo-worry din ako. Kung makidnap
kaya ako, tutubusin din kaya ako nito?
Malamang sabihin pa nito sa kidnappers na:
"Uy nakidnap n'yo?Wow, salamat mga 'tol!
Ito isang milyon, paki patay nalang din,"
napangiwi ako sa naisip ko. Hindi naman
siguro ganito 'yon kasama.
"Huwag ka nang mag-alala, may hahatid at
susundo na sa 'yo sa school at naireport na
rin ni Nicole sa mga police ang nangyari.
Siya na raw ang bahalang mag-asikaso sa
lahat," medyo nakahinga ako ng maluwag.
Wala naman kasing ibang magprotekta pa sa
akin.
"Tara na sa loob, magbibihis muna ako para
makapag-almusal na tayo. Initin na lang
natin ang inorder ko kagabi." Medyo tutol
ang isip ko sa isiping bibihis na siya pero
okay lang. Ang hot na kasi niya. Isang
napakamagandang simula para sa aking
umaga.
Pagkatapos naming kumain, naisipan kong
mamasyal dahil wala naman kaming
ginagawa rito sa bahay.
"Tskk... Ano ba 'yan, kailangan ko ba
talagang gawin 'to?" reklamo niya habang
tinitingnan ang sarili na nakasalubong ang
kilay nito.
"Opo, kailangan talaga. Ayoko lang po ng
gulo, okay?" pero ngingiti-ngiti na ako. Trip
ko, e. Ang suot kasi niya ay isang malaking
jacket tapos naka salamin pa at nilagyan ko
na rin ng medyo puti ang buhok niya para
magmukhang matanda.
"Sa gwapo kong 'to? Ano ba naman ang
masama kung makita ako ng mga tao? Ikaw
ba ang pagkaguluhan?" magsa-shopping
kami kasi sa sobrang pagmamadali kagabi,
wala akong nadalang gamit. Ayoko na ring
bumalik sa condo ko. Baka 'andon pa ang
mga kidnappers.
"Basta, ayoko lang kasing may istorbo. Baka
mabalita ka pa, magugulo pa ang tahimik na
buhay ko." Totoo naman. Magmula nang
makilala ko 'to, kung anu-ano na ang
nangyayari sa buhay ko.
"Bago tayo magkakilala, magulo na talaga
ang buhay mo, alam mo yan. Tanggalin ko
na lang 'to, ang init! Hindi naman ako
gano'n ka sikat na lahat ng tao, kilala ako sa
mall. Tv commercials lang ang ginagawa ko,
hindi pelikula at teleserye." Tinanggal na niya
ang jacket. Bahala nga siya. Kung sabagay,
'di naman pala talaga siya gano'n kasikat.
Gwapo lang siya na kahit sina Coco Martin
at Dingdong Dantes ay kaya niyang pataubin
kung mag-aartista.
"Oo na. Tara lets go sa mall. At isa pa, baka
may makakita na mga taga Westbridge 'pag
hindi ka magdisguise. Mapagkamalan pa na
girlfriend mo ako," nasa hagdan na kami at
nauna siyang pababa.
Kahit mukha siyang matanda at simpleng
tshirt na kulay white ang suot nito ay
napakagwapo pa rin. Pinapantalon at
pinatsinelas ko siya para hindi ako
magmukhang yaya.
"'Di naman talaga kita girlfriend, asawa kita
at ano ba'ng ikinatakot mo na makita tayo?
Bilisan mo na nga, may pupuntahan pa ako
mamayang hapon," hindi na ako sumagot.
Mabuti na lang at may mga damit dito si
Nicole kaya hiniram ko muna. Maaga pa pala
itong umalis dahil sinundo raw ni Leo. Hindi
na kasi mahatid ni Karl sa mansion kaya ang
kaibigan na lang niya ang pinaki-usapan
niya. Ang laki na nga ng bahay na ito tapos
may tinatawag pa silang mansion? E di sila
na mayaman. Mas malaki pa nga ang kwarto
rito sa bahay kesa sa condo ko.
Ilang sndali pa ay nandito na kami ngayon
sa mall. Kahit mukhang matanda na itong
kasama ko dahil sa puting buhok, marami pa
rin ang nakatingin sa kan'ya pero ang mukha
niya hindi talaga maipinta. Hahaha.
"Excuse me, sir. Bagay po ito sa kapatid mo.
Ito po ang uso," malanding sabi ng saleslady
habang ipinapakita ang mga t-shirt kay Karl.
"She's my WIFE," pagtatama nito sa sinabi
ng babae. Ayiee... ako'y kinikilig .
"Sorry po, sir." Hinging paumanhin nito.
"Akin na po 'yan, isusukat ko." Kinuha ko na
ang mga damit. Wala akong time makipag-
away dahil kinikilig nga ako.
"Akala ko, kapatid niya. Ang bata naman 'ata
ng asawa niya?" sabi ng babae kanina.
Palibhasa sila, mahigit trenta na ata ang
edad.
"Oo nga, e. Kung sabagay, kung ganiyan din
kagwapo at kayaman ang mapapangasawa
ko, bakit hindi?" hitsura kasi ni Karl nasa
kwarenta na kung tingnan dahil na rin sa
salamin niya. Konti lang naman ang puti na
inilagay ko sa buhok niya. Iyong
magmukhang matured lang siya.
"Aba, ang landi ng mga babaeng 'to!" Naiinis
na ako! Paglabas ko kasi sa fitting room ay
naglalandi pa ang mga saleslady at kunwari,
may inaabot na damit kay Karl para lang
makawahak sa kamay ng asawa ko.
"Honey, kukunin ko na lang 'to lahat."
Malambing na wika ko nang makalapit na
ako at hinawakan siya sa braso.
"Tara na, bili pa tayo ng panty at bra ko."
Hinila ko na siya papunta sa counter para
magbayad.
"Okay . .." Walang kabuhay-buhay na saad
nito. Alam ko namang walang tiyaga ang
mga lalaki pagdating sa pagsa-shopping
kaya binilisan ko nalang ang pagpili. Mabuti
na lang, siya ang magbabayad. Ang mamahal
kaya nitong mga damit.
"Yong So-En lang po na panty, Miss.
Medium size," ayaw pa sanang pumasok ng
kasama ko kaso hinila ko na. Mga panty kasi
at bra ang nandito.
"Tulungan mo na lang akong pumili para
makauwi na tayo," alam kong bagot na
bagot na ang loko. Sa hitsura palang, alam
na.
"Miss, bigyan mo nga 'yan ng bente
pirasong bra. Kahit ano," pikon na sabi niya.
Hindi naman halatang gusto niya nang
lumabas. Medyo marami na rin kasi ang
costumers. Karamihan ay mga babae. May
ilang lalaki na mga kasama rin ng asawa nila
pero tamad akong bilangin dahil ang dami
nila, tatlo. Isama mo na ang asawa ko
hahaha.
"Ano pong size, Sir?" tanong ng saleslady na
nakangiti.
"Yong pinakamaliit na size Miss, 30 A."
Nakangisi pa ito habang tinitingnan ang
dibdib ko. Waaaaahhhhh ang kapal nito.
Ako? Maliit? Hindi naman, a.
"Naku, size 34 A, Miss. Pasensiya na po sa
asawa ko. Minsan lang kasi 'yan sumamang
magshopping," nahihiyang paumanhin ko at
pinandilatan ko nga. Ipahiya ba naman ako
sa kapwa ko babae.
Lumapit ito at may ibinulong sa tainga ko.
"Hon, lumaki na pala? Napaka effective ko
naman palang asawa. You should thank me,"
hinampas ko nga. Ang pula-pula na kasi ng
pisngi ko. Paano kasi, bulong lang e rinig
naman nila. Bulong pa ba 'yon?
"Waahhh... Huwag ka ngang lumapit sa akin.
Hindi kita kilala!" Pinaghahampas ko siya.
Wala na akong pakialam sa nakatingin sa
amin. Ang iba, nakatawa pa at tila nang-i-
enjoy pa sa amin. Siya naman, ibinigay ang
pambayad at lumabas na. Tawa pa nang
tawa ang mokong.
"Ang sweet n'yo naman, Miss. Minsan ka
lang makakita ng mister na sumama sa misis
magshopping lalo na sa women's section,"
tila kinikilig na sabi ng cashier.
"Gano'n po ba? Salamat naman po,"
lumabas na ako.
Ang loko. Hindi na nakasimangot. Hmp!
Hinila niya ako papunta sa Bench. Wow! Isa
pala siya sa mga modelo. Hindi ako na
inform. Nakita ko kasi ang poster niya
kasama si Leo. Heto, nakasunod lang ako sa
kan'ya. Wala na rin naman akong bibilhin pa.
"May iba pa ba kayong design nito?" tanong
niya sa salesboy. Ako naman, nasa likura
lang niya. Pagod na kasi akong maglakad.
'Yong iba naming pinamili ay iniwan muna
namin sa baggage counter. Alangan naman
bitbitin namin 'yon lahat.
"Ay, oo. Ito po, sir. Ano po ba'ng size?"
hahaha pumipili kasi siya ng brief.
Pagkakataon ko na. Gantihan lang 'to,
parekoy.
"Ahm, kuya small po. 'Di ba, SMALL ang size
honey?" nakangiti kong sabi sa kan'ya at
talagang diniinan ko pa ang salitang 'small'.
"Pasensya ka na. Nakalimutan ng asawa ko,
LARGE ang size ko." Ang ibang costumers,
napatingin na sa amin. Bwesit kasi 'tong si
Karl, kahit mukhang matanda na e, gwapo
pa rin. Paano kaya 'pag malaman pa ng mga
ito na ito 'yong model ng Bench na ito? E di
pagkaguluhan pa siya.
"A talaga?" kunwari bulong ko sa kan'ya.
Siyempre, malakas din bulong ko gaya ng
ginawa niya kanina.
"Hon?" malambing kong sabi sa kan'ya.
"Sige, ituloy mo lang ang sasabihin mo,
hon." Napangisi ito. Waaaahh 'di ko kayang
sabihin. Ang unfair niya.
"Ano 'yon, HONEY?" hala, todo ngisi na ang
loko. Ang iba ay nakatingin na sa amin.
"Wala. Sabi ko, bilisan mo na. Uuwi na
tayo," hmp, ang unfair talaga! Nasaan ang
hustisya?
"Let's go. Kain muna tayo bago umuwi at
magtake-out na rin para hindi na tayo
magluluto," hindi ko siya pinansin.
nakasunod lang ako sakanya at kumain kami
sa Max's....pagkatapos nag take out sa
kfc...hanggang di parin nagpapansinan...
"Hey wait, galit ka ba? Papasok na ako sa
kwarto," tatlo kasi ang kwarto ng bahay
nila. Ang isa ay para sa mga guests at ang
isa ay kay Nicole. Ang isa naman ay master's
bedroom. Ako ay 'andito sa kay Nicole na
kwarto. Napag-usapan na namin 'yan bago
kami umalis kanina.
"Who you?" tanong ko sa kan'ya na naka
poker face pa.
"Pwede ba Jane, umayos ka. Nahawaan ka na
yata ni Nicole ng pagkaisip bata, e.
Tiningnan ko nga ng masama. Sumbong ko
'to sa kapatid, makikita niya. Ayaw pa
namang tawagin nito na bata dahil matanda
na raw siya.
"E kasi, nakakainis ka! Nakakahiya ang sinabi
mo!" Pagmamaktol ko.
"Hindi naman nila tayo kilala e. Ikaw kaya
ang unang ngpapasok sa akin doon. Pinilit
mo pa nga ako, 'di ba?" Ibinalik pa niya sa
akin ang sisi.
Ooo na po, sige na, kasalanan ko na po."
Ayoko nang humaba pa ang usapan.
"Sige, maliligo muna ako para matanggal
'tong kulay ng buhok ko. Shit! Bakit ba ako
pumayag sa ginawa mo sa 'kin?" hindi
makapaniwalang sabi niya at pumasok na rin
sa kwarto nito.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...