13

2.4K 59 0
                                        

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

"Bessy, mish yow." Kakapasok ko palang sa
classroom ay agad na niya akong niyakap.
"Aray, bes! Hindi ako makahinga,"reklamo ko
habang tinutulak siya. Hindi naman halata na
namimiss niya ako.
"Basta bes, namiss na kita. Hmp! Hindi mo
man lang ako dinalaw," nagtatampo na sabi
nito habang nakapout pa.
"Sus, ang OA mo. Alam mo namang busy
ako, noh? Tumatawag naman ako lagi sa 'yo,
ah." Halos araw-araw, tintatawagan ko siya
para ikamusta at ipaalala na mag-aral.
"Kung hindi pa kita i-remind, hindi mo pa
ako maalalang tawagan," tinatawagan ko
lang siya sa tuwing ite-text niya ako para
tawagan ko dahil hindi raw siya naka-
unlicall.
"Sus, pasalamat ka nga diyan at sa tuwing
magtext ka, tumatawag ako agad sa 'yo. Uy,
nakapag-aral ka na ba?" tanong ko. Baka
kasi puro lang youtube ang ginagawa.
"Ahh... Ehhhhh... Hehehe. Oo naman bessy,
ako pa!" kampante nitong sabi pero duda
lang talaga ako sa babaeng 'to.
Dumating na ang prof at nag- umpisa na
ang exam.
"Putiks naman, Lenny! Ang ingay, ingay mo
kanina!" Reklamo ko habang papunta kami
sa canteen.
"E, hindi ko talaga alam ang sagot, bessy."
Akala ko, talagang nag-aral 'to, e, halos
lahat ng number, kinopya niya ang sagot ko.
Kulang nalang pati pangalan at apelyido ko,
kopyahin pa niya. Mabuti nalang hindi
mahigpit ang prof namin.
Ganiyan naman siya palagi. Pagkatapos
naming bumili sa canteen ay dumiretso na
kami sa minipark nitong school. May maliit
na table na gawa sa semento tapos may
upuan din. Hindi siya mainit dahil
napalibutan ng mga punong-kahoy kaya
marami ang tumatambay dito.
"Bessy, himala!" Biglang sabi nitong kasama
ko.
"O, ano na naman ang problema mo?"
tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Hindi ka na bitter. Nagawa mo nang
makapasok dito. Woah! Party, party." Sus,
kala ko naman kung ano na. 'Di ba nga,
bitter ako sa break-up namin kaya lahat ng
bagay, lugar o ano mang makapagpaalala sa
akin tungkol kay Darwin ay iniiwasan ko lalo
na ang place na 'to. Dito kasi kami laging
nagde-date kapag pareho kaming may free
time noon.
"Hmm... Matagal na akong naka moveon,"
sabi ko habang pinagpatuloy ang pagkain.
Favorite ko kaya 'to. Sinigang na hipon.
Naalala ko tuloy si Karl, sarap na sarap siya
noong nagluto ako ng sinigang na hipon.
Kahit hindi kami nagpapansinan pero naubos
pa rin niya ang ulam at kanin.
"Uy si Bessy, inlove. Nagsa-smile, smile na
siya. Ayieeee..." Sinusundot sundot pa nito
ang tagiliran ko. Napakakulit naman nitong
bff ko.
"Kanino ba yan, bessy? Care to share?" lakas
din makatukso nito.
"Wala. May naalala lang ako. Sino pala 'yong
Zaito na sabi mo sa akin? 'Yong sa flatop ba
'yon?" pag-iiba ko ng topic.
"Ahahhaha... Fliptop, bes. Basta gwapo
'yon, bessy. Alam mo ba, crush ko si Abra
tapos si Delo, a, si Sinio nalang pala tapos
ikaw crush mo si Rightious One, Zaito at
si-- sige na nga, sa 'yo nalang si Sheeyee,"
ayun, nagkuwento na siya. Oo na lang ako
ng ool kahit wala akong alam. 'Yung tipong
sarap na sarap siya pagki-kwento tapos
hindi ako makarelate pero nahihiya akong
sabihin na tama na kasi baka maoffend siya.
Hahaha ganito lagi ang na experience ko sa
baliw na 'to pero love ko 'to kahit papano.
"Bessy... Bessy..." sinisiko niya ako. Nagre-
review kasi ako ng mga notes para mamaya.
May dalawang exams pa kaming natitira sa
araw na ito tapos bukas, dalawa na lang; Isa
sa umaga at isa sa hapon.
"A no na naman ba? " hindi pa rin ako
nakatingin sa kaniya.
"Si Darwin, papunta rito sa park." Agad
naman akong napatingin sa tinitingnan niya.
Palapit nga sila ng barkada nito at naupo sa
tabi ng bench namin.
"So? " walang ganang sagot ko at
ipinagpatuloy ang pagbabasa. Kailangan ko
talagang makabawi! Sobrang bagsak ang
grades ko.
"Hi, Jane. Kamusta ka na?
Gumaganda ka 'ata ngayon, ah." Bati ni
Aron. Naging ka-close kami nito noong kami
pa ni Darwin dahil sumasabay din ako sa
lakad nila. Paminsan- minsan, sinasama ako
ni Darwin noon. Nginitian ko lang siya at
ipinapatuloy sa ginagawa.
"Siyempre, gano'n talaga kapag naka move
on na, lalong gumaganda ng hindi
inaasahan!" Mataray na sagot ni Lenny.
"Talaga? So, kasama rin pala sa pag move
on ng kaibigan mo ang magkaroon ng sugar
daddy?" sabat ng mataba nilang barkada at
nagtawanan pa ang mga ito.
"Aba, ano'ng pinagsasabi mo diyan? Loko
nito, a. Ki lalaki mong tao, napakatsismoso
mo! Sugar daddy, sugar daddy mo mukha
mo!" Galit na sabi ni Lenny pero tahimik
lang ako. Pati na rin pala sila nakikitsismis
na.
"Hahaha. Kaibigan mo, hindi mo alam? Hindi
ba niya sinasabi sa 'yo ang mga
pinaggagawa niya?" Ano'ng klaseng kaibigan
ang meron ka?" bunganga nitong matabang
'to, sumusobra na, a! Sarap lagyan ng
apple.
"E, ano naman sa 'yo kung may sugar daddy
na? Ikaw ba ang nagpapakain kay Bessy?
Ikaw ba ang nagpapa-aral? Hindi naman, 'di
ba?" nasa mood yata si Bessy makipag-
giyera.
"Bessy, tama na. Huwag mo nang patulan
pa," bulong ko. Itong mga lalaki naman kasi,
ang daldal.
"Pigilan mo 'ko bessy, nakakapikon na ang
lalaking 'to e! Parang tandang, putak ng
putak!" Waahhh mukhang gutom na leon na
ang mukha ni Bessy na mangangain na ng
tao. Nakakatakot naman!
"Sus, pareho lang kayo niyang kaibigan mo.
Kaya nga iniwan yan ni Darwin e kasi walang
dating. For short, walang sex appeal."
Nagtawanan pa sila. Ako? Walang sex
appeal? Ang kapal ng pagmumukha! If I
know, may gusto 'to sa akin noon, naunahan
lang ni Darwin pumorma. Ako? Papatol
diyan sa baboy na 'yan? Over my dead and
voluptuous body!
"Walang sex appeal. E; ikaw?
Kala mo, guwapo ka?" mukha ni Lennt
parang si Ronda Rousy. 'Yong babaeng
naghamon ng boxing kay Floyd
Maywheather. Ano mang oras ay puwedeng
manapak pero maganda rin 'yon, ha.
"Bakit ikaw, Lenny? Tingin mo, maganda
ka?" sabat naman ni Aron at nagtawanan na
naman ang magbarkada. Walang hiyang
Darwin 'to! Hindi man lang inaawat ang mga
kaibigan, busy sa kakatext.
"Woah... Lahat ng tao rito sa park
pumalakpak dahil sa wakas, nakapagsalita na
ang isinumpang palaka!" Sigaw ni Lenny
Seryoso talaga si Bessy sa sinabi. Hinila ko
na siya kasi pinagtitinginan na naman kami
ng mga estudyante.
"Sige, pumalakpak kayo. Sundin ninyo ang
sinabi ng babaeng mukhang bakla!" Pang-
aasar naman ni Aron. Ano ba 'to? Mga isip
bata.
"Ano'ng sinabi mo? Ako? Mukhang bakla?"
sabay turo pa sa sarili niya.
"Oo, kayong dalawa ng bestfriend mo." Lalo
pang nagalit si Bessy. Wala na akong balak
pa patulan ang mga ito pero itong kasama
ko, gusto rin yatang makipag-giyera.
"Bawiin mo ang sinabi mong hayop ka !"
Tapos inihagis niya rito ang sapatos niya
pero nakailag naman si Aron at tuwang-
tuwa naman ang magbarkada.
"Bessy, tara na. Mag-aral na lang tayo,"
tapos hinili ko na siya palayo.
"Bessy, bitiwan mo ako! Sandali lang,
Bessy." Reklamo niya pero hila ko pa rin
siya. Nang medyo malayo na kami, binitiwan
ko na siya.
"' Wag mo na kasing pansinin ang mga
iyon," mahinahon kong sabi.
"Putiks naman, Jane!" hila ka nang hila! Ang
sapatos ko naiwan. Huhuhu ang sakit na ng
nga paa ko. Mabato pa ang daanan.
Kaibigan ba talaga kita?" Oo nga pala,
ibinato niya kay Aron kanina kaya binalikan
namin ang sapatos niya.
"O, sapatos mo! Ano'ng tingin mo sa sarili
mo? Si Cinderella?" panunuya ni Aron.
"Aba't, gusto mo talaga ng away Aron, ha!"
Hindi ko na napigilan nang sinugod na nito
ang lokong si Aron.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Where stories live. Discover now