38

1.9K 45 1
                                        


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 38

Maaga pa akong umalis. Paggising ko, nasa sala pa rin si Karl nakahiga. Gusto ko sanang maawa kasi ang liit liit ng couch para sa kanya kaya lang naisip ko galit pa ako sa kanya. Tinext ko si Mang Kanor na magtaxi na lang ako..
Ano pa ba ang asahan ko sa mga estudyante rito? E di sa akin naman nakatingin. Tssssk.. Napadaan ako sa mga babaeng nakaupo sa mahabang bench ang iba ay nakatayo. Iyong tipong nakikipagtsismisan tapos napatingin sila sa akin.
"Nakakahiya ang ginawa niya kay Sir Karl kahapon, noh?" Ayan na ang mga tsismosa...
"Huh? Bakit? Ano ang ginawa niya?Absent kasi ako e." Naapakamot sa ulo ang isa nilang kasama tila ba excited na malaman ang buong kuwento..
"Akalain mo, sinabi niya na asawa niya si Sir. Sa harap pa mismo ni Sir Karl ha.." Tapos sumulyap sa akin..
"Ano'ng nangyari?" sabay na tanong ng dalawa nilang kaibigan. Mga walo yata sila...
"Ayun, napahiya. Todo deny si Sir Karl. Hahaha! pati ang bff niya, dinamay pa niya sa kahibangan niya.." Nagtawanan pa silang lahat..
"Hahaha! Nakakahiya pala ang nangyari, gurl. Sana vinedeo ninyo. Ahaha, laughtrip! Bopols si Ate..." Grabe lang, natatawa pa sila roon?Sana maawa sila sa akin o magbigay ng simpatya dahil itina ggi ako ng asawa ko sa harap nila..
Pero sila, tawa pa rin nang tawa. Hindi talaga kita mapapatawad Karl! Bakit ba kasi nagtrabaho 'yan dito. Dami naman nilang tauhan...
Pagdating ko sa classroom, lahat sila ako ang pinag usapan pero nagsitahimik naman ng dumating ako. Iyong tipong awang awa sila sa akin.
"Pssst guys, intindihin n'yo na lang siya. Alam n'yong may pinagdadaanan ang tao e," mahinang sabi ni Gina...
"Oo nga. Maraming tao ang ganyan. Na kapag marami silang problema. Iniisip nila na boyfriend nila ang isang sikat na tao. Larang coping mechanism na lang niya 'yan kaya intindihin nalang natin siya...baka hindi pa naka-move on.." sabi naman ni Marivic sa mga kaklase ko.
"Leche kayo! Puwede ba, 'pag magbulungan kayo, siguraduhin ninyong hindi ko naririnig!" galit na sabi ko sa kanila. Kapag mag-usap kasi parang wala ako sa paligid.
"Pasensya ka na, Jane ha. Naaawa lang kasi kami sa 'yo. Siyempre classmates mo kami at alam namin ang pinagdadaanan mo pero nakakahiya talaga ang nangyari sa 'yo kahapon tapos sa harap pa ni Sir Karl. Ano na lang ang iisipin ng may-ari nitong school di ba?" Akalain mo 'yon, minsan lang tong nerd na kaklase namin mag speech pero isa rin sa nanghuhusga sa akin. Padabog na naupo na lang ako.
After ng klase sa Humanities ay may break kami ng 1 hour kaya kumain nalang kami dito ni Bessy sa canteen..
"Galit ako sa asawa mo, bessy! Nag bang bang ba kayo kagabi? Naku, 'wag mong sabihing bumigay ka kaagad--Aw!" Binatukan ko siya. Parang sira.
"Tumahimik ka nga diya! At ayoko siyang pag-usapan.." salubong ang kilay na sabi ko. Ayoko talagang makita o marinig kahit pangalan ng lalaking 'yon..
"Ano'ng ginagawa nina Karl at Gwen dito? Sila na ba? Huwag mong sabihing pinagpalit na si Darwin kay Sir Karl?" nagulat na sabi ng sa kabilang table. Napatingin naman kami ni Lenny sa kanila.
Ang ambisyosa! Pasimple pang nakahawak sa braso ni Karl. Ang loko naman, hinahayaan niya lang na kumapit. Nakakainis! Ako dapat 'yan e..
"Hmmmp, malandi talaga!" bulong ni Lenny. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
"Hey, Karl, dito na lang tayo maupo." Sabay hila sa lalaking kasama papunta sa kabilang table.
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Bigla na lang kasing umupo nang walang pasabi-sabi.
"Tsss. Sige, dito na nga." Tapos inilapag din ni Gwen ang pagkain sa harap namin. So bale, kaharap namin sila ni Bessy.
"Galit ka pa ba sa akin?" mahinang tanong niya habang tinitingnan ako..
"Oo, galit pa ako sa 'yo! Galit pa kami ni Bessy sa ginawa at pagpahiya mo!" galit na sagot ni Lenny. Alam kong talagang galit siya. Kung pwede niya lang 'to siguro masampal, kanina pa niya ginawa.
"Look. I don't mean it. Kung gusto mo amin--" halos desperado niyang sabi pero pinigilan ko..
"Subukan mo lang! Subukan mong ipagpatuloy 'yang sinasabi mo, lalayas talaga ako! tara na, bessy, busog na ako!"  Tumayo ako at nagmartsa palayo. Nakasunod naman si Lenny sa likura ko. Si Gwen, halatang nagtataka. Hindi siguro nito na-gets ang pinag-uusapan namin...
Nasa classroom na kami. Masyado pang maaga ng 15mins pero okay lang kesa magpa gala gala kami sa labas. Baka makasalubong ko na naman sila.
"Can we talk?" Paglingon ko, si Darwin, seryoso ang mukha. Bakit kaya siya napunta rito?
" For old times sake?" Napansin siguro niya na nag-aalangan ako. Kapag iiwas ako sa kanya, hindi na rin matatahimik ang buhay ko kaya sige, pagbigyan ko na nga 'to. Sabi nga nila, " face your fear"
"Wag kang pumayag, bessy. Para ano na mag-usap pa kayo? May girfriend na siya at may asawa ka na. Bumalik ka na nga sa classroom ninyo, Darwin!" galit na pagtataboy ni Lenny pero ayokong mamuhay ng may galit sa puso. Gusto ko nang magpatawad..
"Sige. Bessy, dito ka lang. I'text mo ko kapag dumating na ang prof natin." Tapos tumayo na ako at sumama sa kanya. Si Lenny, ayaw talaga niyang pumayag pero wala ring magawa desisyon ko to. Sa isang bakanteng classroom kami pumunta.
"Ano pang pag-uusapan natin? Yhe last time I checked ay break na tayo. Pinagpalit mo na nga ako roon sa kay Gwen, 'di ba?" Alam ko, may pagka- bitter ang bawat salita ko. Totoo naman kasi..
"Wala na kami ni Gwen," simpleng sagot niya. Napatungo ako sa kanya. Nakaupo kasi ako dito sa silya tapos siya ay nakatayo sa gilid ko.
"So?" Mataray kong sabi. Ano bang pakialam ko? Kung dati niya jto sinabi ay siguro matutuwa pa ako..
" Gusto ko lang humingi ng sorry sa 'yo. Alam ko, masyadong masakit ang ginawa ko sa 'yo.." nakapamulsa na sabi niya habang nakasandal sa upuan.
"Hindi masakit Darwin, ang sarap! Sobrang sarap ng ginawa mo.." sarcastic na sabi ko. After how many months, ngayon lang siya humingi ng sorry sa akin?
"Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako. Alam kong mali ako. Mali ako na pinakawalan ko pa ang isang tulad mo. Nadala lang kasi ako sa tukso ng barkada at alam mo na, magaling si Gwen sa kama.." seryoso niyang pag-amin. Gano'n na ba ang mga lalaki?Kung sino ang magaling, doon sila?
Well, kung sabagay, tama nga naman SAbi nga nila, boys give love just to get sex. Girls give sex just to get love. Lami kaya ni Karl, gano'n?
"Okay na 'yon, Darwin. Past is past. Isa pa, may asawa na ako at hindi na kita mahal." Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko na talaga siya mahal.
Gano'n ba "yon? Na kapag lalaki ang problema mo, ang solusyon ay lalaki din? Ako kasi, gano'n siguro. Mula nqng dumating si Karl, hindi ko na naaalala itong si Darwin at wala na akong pakialam sa kanya.
"Teka, bakit ba kayo naghiwalay? At kelan lang 'yan?" Nacu'curious kasi ako. Si Darwin ang tipo ng lalaking hindi gano'n ka chickboy kahit sikat.
Tatlo lang ang naging girlfriend niyA. Ako, si Gwen at 'yong kababata niya na bago maging kami.
"Nakipaghiwalay na ako sa kanya dahil sa mga narinig ko na mas pipiliin niya ang Karl na 'yon kesa sa akin. Inamin na rin niya kagabi. At ayokong dumating ang araw na siya mismo ang mang'iwan sa akin.. " Haliparot talaga ang babae 'yon! ay boyfriend na, nakipaglandian pa sa iba!
"Alam ko, wala na rin akong magawa para magkabalikan tayo pero tandaan mo, minahal kita. Alam at naramdaman mo 'yon noon. Kaso naging marupok lang talaga ako..." malungkot na sabi niya sa akin. Oo, alam ko, minahal niya ako kaso naging mahina lang siya sa tukso pero okay na rin yon..
Hindi mo malalaman kung gaano katatag ang isang relasyon kung walang pagsubok na darating. Nasa magkarelasyon na lang 'yon kung paano nila haharapin ang problema..
"Okay lang 'yon, pinapatawad na kita at huwag kang mag-alala, wala na ring chance na magkabalikan pa tayo. I don't recycle boyfriend. Mahal ko ang asawa ko." Masarap sa pakiramdam ang ganito kaya nauna na siyang umalis sa akin.
Palabas na sana ako nang makita si Karl na nakatayo sa pinto. Nakapamulsa pa at nakatingin sa akin. Kanina pa ba ito? Tapos na sigurong makipaglandian. Narinig kaya niya ang pinag-usapan namin ni Darwin?
"Wag kang mag-alala, hindi naman ako gaya ng mga bida sa pelikula o nobela na biglang aalis at kung ano lang ang pinakinggan ay 'yon lang ang pinaniwalaan. Pinatapos ko ang pinag- usapan ninyo. Gusto kong marinig ang mga sagot mo sa bawat tanong niya," nakangiting wika ng loko.
Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako. Kanina pa nag-text si Lenny na nando'n na raw ang prof namin..
"I love you too, hon," pahabol niya. Napangiti ako. Kahit galit ako sa kanya, e, sa kinikilig ako. E ano ngayon? Hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod na ako sa kanya..
Basta magsa-silent war ako...

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Where stories live. Discover now