Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 30
[Janes POV]
Alas dose na pero hindi pa rin ako makatulog. Paling-baling ako rito sa higaan.
"Umuwi ka na nga do'n sa asawa mo, storbo ka!" sabi ni Bessy.
"Gising ka pa pala, Bessy?" mahinang tanong ko. Dalawa na lang kami rito dahil umalis si Nicole.
"Oo, Bessy, sino ang makatulog sa ginagawa mo? Pati ako dinadamay mo. Ang galaw mo! Isa pa, hindi kasi ako sanay na bukas ang ilaw." Siya 'tong may kasalanan din e. Kahit ako, hindi rin sanay na matulog nang nakabukas ang ilaw.
Pero ayaw naman patayin dahil binabantayan daw niya ang lintik na pusang nasa ibabaw ng table namin dahil baka umalis daw. Ganito kasi ang eksena kanina.
Flashback;
Galit ako kay Karl! Galit ako sa malanding Roxanne na 'yon at 'di pa ako maka-getover sa pag-alis ng friend ko.
Doon na lang ako uuwi sa cottage nina Nicole. Tiisin ko na lang ang kalokohan ng dalawang 'yon.
Pagdating ko, nakaupo sila sa couch, nanonood ng tv.
"Uy" basta suportahan mo ako Ate Lenny ha. Ise-seseduce ko si My Loves ko." Narinig kong sabi ni Nicole. Hanggang ngayon pa rin ba, hindi pa rin siya tumitigil sa kahibangan niyang 'yan? E ang bata- bata pa niya.
"Oo, sige." Humagikhik si Lenny. "Sabi nga sa commercial, kung saan ka masaya. e di suportahan taka. Ajah!" Abat 'tong si Lenny naman talagang kinokonsente pa ang bata. Masasapak ko talaga 'to.
"Oh, hi Ate Jane! Nandiyan ka pala." Sa wakas nakita na ako ng dalawa. Malakas kasi ang pagkakasara ko ng ref. Nauuhaw at nagugutom pa ako.
"Saan na ang asawa mo? Ayie..nagha- honeymoon na sila. Magiging ninang na ako," tukso ni Lenny. Hindi ko sila pinansin at diretso lang akong naupo sa tabi nila.
"Bes? May problema ba?" nag- aalalang tanong niya sa akin.
"Si Karl? Nando'n sa ibabaw ng kama, nakapatong sa kerida niya!" inis na sagot ko. Hindi ko talaga papansinin ang lalaking 'yon kahit ano'ng mangyari.
"Hindi 'yon gagawin ni Kuya. Mahal ka kaya no'n," pagtatanggol ni Oli sa kapatid.
"Wala akong pakialam sa kuya mo. U-Umalis na kasi ang friend ko," umiyak na naman ako. Naalala ko naman si Twilight. Ilang oras palang na wala na siya ay nami-miss ko na.
"Ah, akala ko si Kuya ang rason kung ba't ka nagkakaganyan," ani Nicole, "Hmmm Ate? Dito ka ba matutulog?"
tanong niya sa akin. Tingin ba niya kaya ko pang makipagharap sa kuya niya?
"Hindi. Wala akong balak na matulog do'n. Ayoko siyang makita! Galit pa ako sa kanyia!"
Sino ba ang hindi magagalitl? E harapan kang niloloko.
Nagugutom ako dahil hindi pa ako kumakain. Nag-emote muna ako roon sa tabing dagat kanina bago umuwi. Salamat naman at may pagkain pa sila dito sa mesa. Tumayo ako at lumapit sa mesang may palangganang nakataklob. Kinuha ko.
"Shit! Ano'ng ginagawa niyang hayop na pusa rito?"
May nakahiga kasing pusa na kulay itim pa sa ibabaw ng mesa at patay na! As in patay na talaga!
Galit pa naman ako sa mga pusa dahil kinain niya ang goldfish ko.
"Kasi Ate Jane, nakita namin 'yan kanina habang naglalakad kami sa tabing-dagat. Ewan ko ba, nalunod yata," malungkot na pagku-kuwento Nicole. Nanlulumo pa ang mga mata.
"Patay na nga 'to e! Itapon n'yo 'yan!" galit na utos ko. Ano na naman ba ang pumasok sa kukute ng dalawang ito at inuwi pa?
"Ate 'wag. Hintayin nating mabuhay kasi 'di ba, sabi nila, siyam ang buhay ng mga pusa?" seryosong sabi niya.
"Utang na loob, Oli naman. Isa lang ang buhay ng mga hayop kaya pakiusap, itapon n'yo na 'yan!" Matutuyuan yata ako ng dugo sa kanila. "Ikaw Lenny, itapon mo nga yan!" Ito ang matanda sa kanilang dalawa kaya dapat ito ang sumaway diyan kay Nicole.
"Wag Bessy, hinihintay pa nga namin kung totoo ang sabi nila--aw!" Reklamo niya. Hindi ko na napigilan pa. binato ko na talaga ng palanggana.
"Leche ka, Lenny! Itapon n'yo 'yan o kayo ang itatapon ko?" Galit na talaga ako! Paano kung mangamoy ang pusang 'yan dito?
"Ayaw! Kapag ayaw mong may pusa diyan, bumalik ka roon sa asawa mo!" Aba't tinatakot pa ako ng dalawang 'to? Kaya wala na akong nagawa. Kahit anong gawin ko, 'di ko mapilit ang dalawa na itapon ang pusa kaya hinayaan ko na lang ang kahibangan nila.
"Ahm, Ate? Dito lang muna kayo, may pupuntahan ako," nakangising sabi ni Nicole na tapos tumakbo palabas.
"Goodluck, Oli! Push mo 'yan girl!" pahabol na sigaw ni Lenny. May saltik na 'ata itong dalawa.
---End of flashback-----
Kring! Kring! Kring!
May tumatawag sa cellphone ko. Katabi ko lang kasi ito.
Kinuha ko at lumabas muna ako dahil baka magalit na naman 'tong kasama ko dahil hindi makatulog.
"Hello?" Mas pinili kong maglakad- lakad muna. Ang sarap talaga ng simoy ng dagat lalo na ngayong gabi, medyo tahimik. Kaunti lang kasi ang nagna-night swimming.
"Hello, Jane? Kamusta ka na? Diyan ka pa rin ba sa resort?" Familiar sa akin ang boses niya.
"Twilight. I miss you! Mabuti naman at napatawag ka. Kamusta ka na?"
"Okey lang. Tumawag lang ako para kamustahin ka." Kahit sa telepono ay alam kong todo ang ngiti nito.
"Okay lang ako. Sige, ingat ka diyan. Bye. I love you--" 'Di ko pa natapos ang sasabihin ko nang may kumuha ng cellphone ko at itinapon sa dagat. Goodbye iPhone 6s.
"Ano bang meron ang lalaking 'yon na wala ako?" Hala, nakinom ata 'to. Tapos mahigpit na hinawakan ako sa braso.
"Gwapo siya. Mayaman at mahal ako?" Feeler din ako. Ah basta, love ako ni Twilight o bilang kaibigan.
"Mas gwapo ako! Mas mayaman at MAS MAHAL KITA!" sigaw niya. Mahal daw niya ako?
"Pwede ba Karl? Lasing ka lang at hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo." Totoo naman. Baka mamaya, pagtripan lang ako nito.
"Mahal nga kita, Jane. Bakit ayaw mong maniwala? Mahal mo ba ako? Kasi ikaw, mahal na mahal kita ." Hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat.
"Ewan ko Karl, hindi ko alam." Kapag ganitong eksena na, wala talaga akong alam. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang mahal dahil niloko ako! Minsan na akong nasaktan at takot ako!
Takot na akong mag-risk.
Takot na akong masaktan! Takot na akong maloko at takot na akong magtiwala. Baka kasi pareho lang sila. Pare-pareho lang silang lahat!
"Mahal kita. Hope you can give me a chance para mapatunayan sa 'yo na totoo ang mga sinasabi ko." Tapos niyakap niya ako. Gusto ko nang maiyak dahil sabi niya, mahal niya ako.
"Kung 'di mo ako mapapatawad sa nangyari kanina, magpapakamatay ako!" Shit, ang OA nito. Ito ba si Karl? o doppelganger niya lang? Baka iba ang kayakap ko?
"E di magpakamatay ka..." naiinis na sabi ko. Bakit gano'n ang mga lalaki? 'Pag sabihin mong ayaw mo sa kanila o ano, lagi ka nilang sasabihan ng magpapakamatay sila. Naalala ko tuloy si Ex ko. Iyong si Darwin. Ganiyan din sinabi niya noon. Mamamatay daw siya 'pag maghiwalay kami, hindi niya kayang mawala ako at maglaslas ng pulso pa raw. Putang ina niya lang, naghiwalay nga kami e bakit hanggang ngayon, buhay pa siya?
"Jane? Ano bang gagawin ko para maniwala ka sa akin?" desperadong tanong niya.
"Wala. Bumalik ka na roon at matulog ka. Bukas na lang tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing." Tapos naglakad ako pabalik sa cottage.
"Jane.. Wait lang naman. Hindi mo ba talaga ako mahal?" malungkot na tanong niya. Hinarap ko siya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"I'm sorry Karl, hindi ako sigurado. Please, mag-usap na lang tayo bukas at pag-isipan ko pa. Okay?" Hindi talaga ako sigurado. Mahirap magpadalos- dalos.
"Okay, ?agpahinga ka na." Hinatid niya ako sa cottage namin tapos umalis na. Wala man lang sinabi, basta umalis. Bigla yata akong kinabahan sa pananahimik niya?
Pagbalik ko ay tulog na si Lenny kaya dahan-dahan kong kinuha ang lintik na pusa at itinapon sa malaking basurahan sa labas ng cottage. Mga may saltik talaga ang dalawa kong kasama!

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...