Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 17
Grabe, sobrang traffic naman papunta rito
sa Makati.
Wow, ang ganda naman ng lugar na 'to.
"Ahm, Karl? Ano'ng gagawin natin dito?"
nagtataka lang ako. Akala ko kasi uuwi na
kami tapos ngayon, kung saan-saan pa kami
dadaan.
Kanina ko pa gustong magpahinga. Pagod
ako, as in sobrang pagod! Ikaw ba naman
ang magkaroon ng lukaret na kaibigan, hindi
ka ma ha-highblood?
"Ahm, dinner? Tara na," hinawakan ako sa
braso at inaakay papasok sa loob nitong
restaurant.
"Huh? Naku, uwi na tayo para
makapagpahinga na tayo. I'm sure, pagod ka
na rin." Galing pa ito sa trabaho tapos
sinundo pa ako. Dagdagan pa ng pasaway
na bff ko kaya kailangan na rin niyang
magpahinga.
"It's okay. Dito lang muna tayo magpahinga.
Sigurado akong pagod ka na rin," nakangiti
niyang tugon. Waaaah ang lakas ng kalabog
ng dibdib ko. Nakakainis! Bakit ba siya
ngumiti? Ang guwapo tuloy niya.
"Caruso Ristorante Italiano. Karl, ano 'to?"
pagbasa ko sa pangalan nitong restaurant.
Hindi naman ako pumupunta sa ganitong
lugar.
"It's Italian restaurant," ang bongga ng
place na 'to, pang mayaman at ang ganda
ng ambiance tapos halatang sosyal pa ang
costumers. Ang gagara ng mga sasakyang
nakapark tapos ako, naka pantalon lang at
simpleng t-shirt?
"K-Karl, pinagtitinginan tayo ng mga tao."
Ang mga babae ay nakatingin na kay Karl
kahit kasama pa ang mga boyfriend o
asawa. Ang sarap dukutin ng mga mata!
Tapos pagtingin sa akin, nakabusangot na.
Paano, nakahawak ako sa siko ng asawa ko.
"Hmp, mamatay kayo sa inggit!" Itong si
Karl kasi bihis na bihis tapos ako,
nagmumukhang yaya lang niya. Lumapit sa
amin ang isang waiter.
"Excuse me, this way po, Sir Montenegro."
Iginiya niya kami sa pinakadulong table na
malapit sa nagpa-piano.
Wow, gentleman siya ngayon, ah. Inalalayan
pa niya akong maupo. Ang ganda naman ng
set-up ng restaurant na ito.
"Pumili lang po kayo ng i-order ninyo, Sir."
Tapos ibinigay sa amin ng waiter ang menu
list.
"Ikaw hon, ano ang order mo?" hanggang
ngayon, ngingiti-ngiti pa rin siya. Ano
naman kaya ang natira nito at ganito ang
pag- uugali niya? Bigla yatang naging
sweet?
Ibinalik ko sa menu list ang attention ko.
Shit lang na malagkit! Wala akong
maintindihan sa mga menu.
Nakakainis 'tong si Karl! Sana sa Jollibee,
Mcdo o KFC nalang kami. Makakarelate pa
ako. O puwede ring Mang Inasal para unli
rice. Bakit may ganito, ganito pa?
Pagtingin ko sa price... waahhh...
pinakamababa sa dessert palang ay one
thousand two hundred pesos na tapos hindi
ko pa alam kung ano'ng lasa ng mga ito.
"Ikaw na ang mag-order, Karl. Busog pa
ako. Kuya, tubig na lang 'yong sa akin.
Lagyan mo ng maraming yelo, ha."
Pagtataray ko sa waiter. Hindi ko pa alam e
pronounce itong mga pangalan ng pagkain.
Baka pangit pa ng lasa, e di sayang ang
pera.
Talagang dollar price. Sira na ang araw ko.
Ay, gabi na pala. Sira na ang gabi ko!
"Pasensiya ka na kuya... My wife is in her
3rd week of pregnancy kaya ganiyan 'yan.
Medyo mainit ang ulo. Ikaw na ang bahalang
umintindi," pinandilatan ko nga. Aba, ang
lokong 'to. Ako? Buntis? Hindi pa nga kami
nag ano, e.
"Two orders of salmon in foil and penne
pasta with spanish sausage and ravioli
soup," sabi niya sa waiter. Hindi ko na siya
pinansin. Na badtrip na talaga ako!
"Dessert po, Sir?" habang nililista nito ang
order.
"Panna cotta and chocolate mouse," sus,
halatang sanay na sa mga ganito.
"I will repeat your order, Sir:
two salmon in foil and penne pasta with
spanish sausage ravioli soup. And panna
cotta and chocolate mouse for the dessert,"
ulit ng waiter.
"Yes. Ahm, wait... two bottles of wine na
rin. Thanks!" Wow, two bottles talaga. Hmp,
e di siya ang uminom niyang wine, wine na
iyan.
"Bakit may wine? Baka malasing ako,"
reklamo ko nang makaalis na ang waiter.
"'Di naman nakakalasing ang wine," nakangiti
pa ang loko.
"Ah, hindi ba? A basta, kapag uminom ako
ng wine, nalalasing ako." Palusot ko. Kahit
medyo may kaya kami, hindi talaga ako
umiinom ng mga wine na 'yan.
Nakatikim na ako noon pero hindi ko talaga
nagustuhan ang lasa kaya hindi na ako
nagtry na uminom pa muli. Ang mamahal
kaya. Akala mo ang sarap, hindi naman. Si
Lenny, mahilig 'yon sa wine.
May collections kasi ang daddy niya na
galing pa sa Japan, France at kung saang
bansa. Iinom na lang ako ng coke sakto tig
limang piso lang sa commercial pero kapag
nasa tindahan na, tig seven pesos na. 'Yong
iba nga, otso na ang benta.
"Bakit mukhang kilala ka nila rito, Karl?"
pabulong na tanong ko. Ang mga babae kasi
rito, mga pabebe. Kaunting dumi lang sa
bibig, pahidan agad. Mga conscious sa
lipstick.
"Kaibigan ko kasi ang may-ari nito at
nagpa-reserve na ako dito kanina bago pa
kita sinundo. Wow! Dapat ba akong ma-
flattered?
"These past days kasi, palagi akong wala.
Medyo busy lang sa trabaho. Alam mo
namang medyo gipit ang company namin.
Pero ngayon ay okay na. Naayos ko na ang
problema," nakangiting sabi niya sa akin.
Ang sabi kasi niya sa akin, marami siyang
appointment na dapat puntahan kasi medyo
nagka problema. Hindi man lang niya sinabi
na magdinner date kami. E di sana, hiniram
ko ang gown na ginamit ni Nancy Binay
noong
Sona.
"Hmm, salamat. Hindi ka man lang
nagpasabi sa akin. Sana nagbihis din ako ng
maayos," ang heart ko grabe lang. Firtime
ko kasing makipagdate ng ganito tapos ang
bongga pa.
"Hindi mo kailangan ng magandang damit o
makapal na makeup para lang matawag na
maganda. Ngumiti ka lang, okay na." dug
dug dug dug. Kanina pa 'to nagda-drum ang
heart ko. Siguro kapag ang ibang lalaki ang
makapagsabi sa akin ng ganito, mako-
cornihan ako pero kapag sa kaniya, kinikilig
ako.
Ang sarap naman pala ng mga inorder niya
lalo na itong dessert at soup. Worth it
naman pala ang lasa ng price.
Mukha namang seryoso ang kasama ko. At
ang mga tao rito ay halatang matataas ang
pinag-aralan. Sige na nga, magpaka seryoso
ako ngayon.
"May I have this dance with you?" nakangiti
siya sabay lahad ng kanang kamay sa akin.
"Okay,"sabay abot sa nakalahad niyang
kamay.
Suddenly, I felt magic.
Nakahawak siya sa bewang ko samantalang
nasa magkabilang balikat niya ang mga
kamay ko. Ang bango- bango niya. Hinapit
niya ang bewang ko kaya mas lalong
napayakap ako sa kaniya.
"Y ou're beautiful ," bulong niya sa akin.
Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya.
Grabe, rinig at nararamdaman ko ang
pagpitik ng heart niya. It is beating so fast.
Nakikisabay sa pagtibok ng puso ko.
"Can you feel my heart beat, honey? Ganiyan
'yan kapag nakikita ka ng mga mata ko.
Nagiging abnormal 'yan kapag naiisip ka ng
utak ko,"
seryosong pag-amin niya sa akin.
Bahagya niyang hiniwalay ang mga katawan
namin para matingnan ako sa mga mata.
"You mean so much to me, Jane," seryosong
pahayag niya at niyakap ako ng mahigpit.
Alam kong importante rin siya sa buhay ko.
Siya rin ang dahilan kung bakit nagawa ko
nang ngumiti, tumawa at maging masaya.
When I closed my eyes, I realized one thing:
I think I'm falling inlove with my husband.
After all, we're married.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...