Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808
CHAPTER 4
[Janes POv]
Haaay naku! 'Yon na nga ang nangyari kaya
asawa ko na 'yon pero joke lang talaga kasi
hindi naman kami legally married kasi
aksidente lang. Inisip ko nalang na shortfilm
ang ginagawa namin. Paano kasi, naawa ako
sa kapatid. Sabi kasi niya, mapahiya ang
pamilya nila at may mga reporters pa. Tiyak
na malaking kahihiyan ang abutin ng buong
angkan nila kung hindi natuloy ang kasal.
Pero mas tinamaan ako roon sa suicide
thingy kasi na-experience ko na rin ang
gano'ng bagay. Alam ko ang pakiramdam ng
mapahiya sa harapan ng marami at 'pag
nagpakamatay 'yon, baka habang buhay ko
pang konsens'ya kaya pumayag nalang ako.
Wala naman sigurong mawawala sa akin,
nakatulong pa ako sa kapwa.
Paano ako nakatakas doon? Simple lang,
nagpaalam ako na mag CR at doon na
dumaan sa back door at nag- abang ng taxi
bahala na sila. Ang importante ay tapos na
ang kasal. Hindi ko na rin kasi kayang
makitungo sa mga bisita. Laging nagre-
request ng kiss.
Bigla tuloy akong napahawak sa labi ko.
Paano kasi, nakailang kiss siya sa akin. Sa ex
boyfriend ko nga, smack lang pero sa
kan'ya, nakipaglaplapan pa at sa harapan pa
ng maraming tao.
"Waaaah nakakahiya!" Sabi ko. Napalakas
'ata ang boses ko dahil nakatingin ang ibang
students sa akin. Ako naman, tahimik na
ipinagpatuloy ang pagkain. Nakakainis lang!
"Uy bes, ano 'yang sinisimangot mo? Ang
aga-aga e, gan'yan na istura mo?" inilapag
niya ang bag sa tabi ko. Hindi ko siya
pinansin. Malaki pa ang atraso ng babaeng
'to sa 'kin.
"Uy, 'to naman. Hanggang ngayon, galit ka
pa sa 'kin? Sorry na," niyakap yakap pa ako
sa likuran. Sino ba ang hindi mainis dito? E
pagkatapos ng kasal, bumili kaagad ako ng
cellphone para matawagan siya. 'Yon nga
sabi niya, next saturday pala ang shooting.
"Bes naman, e. Tinext naman kita at
tinatawagan noong gabi kasi sabi ni Sir
Legazpi, na moved raw ang schedule. Hindi
pala p'wede dahil may naka-schedule na
palang magpakasal noon," pang ilang ulit na
n'yang pinaliwanag sa akin 'yan.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.
"Oo nalang Lenny, teka, saan ka ba galing?
Bakit absent ka sa first subject?" kasi 'pag
absent o late ito, sakin nangongopya. Aba,
bumabawi kasi medyo okay na ako.
Bitter pa ako pero konti na lang. Pa unti-
unti ay alam kong makakamove- on din ako.
May right time para d'yan. Kaya itong
kaibigan ko, nahalata 'ata na medyo
bumabalik na ako sa katinuan kaya
nagpapasaway na naman.
Thankful din naman ako rito sa bff ko kasi
noong time na wala talaga ako sa katinuan,
e 'andiyan siya... Siya tigagawa ng
assignments ko, kopya ng mga notes at
nagpapaalala sa akin na masarap mabuhay.
Nagbackout na ako sa shortfilm namin at
kahit anong pakiusap pa nila ay ayaw ko na
talaga. Ang alam ni Lenny, pumunta ako sa
simbahan pero 'di ko na sinabi ang tungkol
sa kasal. Sinabi ko nalang na bitbit ko ang
damit kaya ako nagalit kasi ang bigat-bigat
at nag-aksaya lang ako ng panahon at
pamasahe sa taxi. Hindi ko inamin na
nakabihis na ako ng wedding dress bago
umalis ng condol unit ko.
"A, hehehe kasi bes, may pinagkakaguluhan
silang gwapo roon kanina kaya naki-usyoso
ako," kinikilig na kwento niya sa akin. Patay!
Pati 'ata bff ko, tinamaan ng magaling.
"Alam mo bes, ang gwapo niya. Siya pala si
Karl Montenegro, 'yong sinasabi ko sa 'yong
crush ko sa commercial ng toothpaste.
Ahahaha bes, natupad na ang pangarap ko
na makita siya!" Ipinakita pa talaga niya ang
mga stolen shots ng asawa ko sa akin 'este'
ni Karl pala. Mukhang nasanay na 'ata ako sa
kakatawag sa kan'ya na asawa, a.
"Tago mo na nga 'yan. 'Di naman 'yan Diyos
para pagkaguluhan ninyo!" Naiinis na sabi
ko. Halos lahat na lang ng tsismis ngayon,
tungkol kay Karl, Karl, Karl at Karl na 'yon at
kaniya- kaniya pang pakita ng pictures kung
kanino ang magandang kuha.
Ang iba ay nagpa-picture pa raw sa lalaki.
"Hmmmmmp...bahala kayo sa buhay n'yo!
Hindi n'yo naman 'yon maboyfriend," bulong
ko sa sarili. Parang mga walang boyfriend.
Ako kasi, mula nang maging kami ni Darwin
ay hindi na ako tumingin o nagkagusto pa sa
ibang lalaki. Kahit sa artista. Basta para sa
akin, kuntento na ako sa kaniya.
"Dito ka lang bes, order muna ako ng
pagkain. Nagugutom na rin ako," tumayo na
ito at pumila. Sakto namang napatingin ako
sa lover na papasok sa canteen at ang sweet
pa nila. Nang-aasar ba ang mga ito? Dahil
nga sikat si Darwin sa school na 'to,
napatingin ang mga tao sa kanila tapos
sabay tingin sa akin.
Alam kasi nila na apektado pa rin ako.
Naging sikat din kasi kaming couple dati
bago magtransfer ang hitad na ito. "Ano ba
'yan, akala ko may forever na sila ni Darwin.
'Yon pala, pinaglaruan lang siya." Lakas
makabulong ng nasa tabi kong table, e rinig
ko naman. Alam kong sinasadya n'ya para
mang-asar. Masamang tiningnan ko siya.
Nahiya siguro kaya ipinagpatuloy na lang
ang pagkain.
Diba't ang pangako sa 'kin, ako lamang ang
iibigin, ngunit bakit ngayon hindi mo man
lang mapansin
'Di ko pa nabawi ang tingin sa kan'ya nang
biglang tumunog ang cellphone na nasa
ibabaw ng table nila. Sobrang lakas pa ng
volume at ang kanta? 'yan ang pinakaayaw
kong marinig sa buong buhay ko!
Dati favorite ko pa 'to. Lagi ko ngang
kinakanta habang naliligo ako kaso mula
nang nagbreak kami, bawat lyrics, tagos sa
puso ko. Ang bawat linya, parang patalim na
sumasaksak sa dibdib ko. Ramdam ko
talaga! 'Yong tipong pakiramdam ko para sa
akin talaga ang kanta. Napatingin ako kina
Darwin ngayon ay nakaupo na sila at
inaalalayan pa si Gwen.
T uwing nasa aking alala ay
palagi kitang kasama ngunit bakit ngayon ay
may mahal ka
ng iba
Oo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin
matanggap at nasasaktan ako. Sobrang
sakit! Dati, sa akin niya ginagawa 'yan... Sa
akin siya sweet. Ako ang dapat niyang
kasama at hindi ang babaeng 'yan!
Gusto ko siyang bawiin, gusto kong ibalik
ang lahat, gusto kong magsimula kami ulit!
Kung p'wede ko lang ibalik ang lahat. Sana
binigay ko na lang noong kami pa. Kung
may nangyari sa amin, siguro kami pa
hanggang ngayon.
"Akin ka na lang ulit Darwin, please parang
awa mo na, bumalik ka na sa akin!" Sigaw
ng puso ko habang tinitingnan sila. Alam
kong tumutulo na ang mga luha ko at alam
ko ring marami na rin ang nakatingin sa
akin.
"Patayin mo yan! PATAYIN MO!" Malakas na
sigaw ko sa babae na ang tinutukoy ko ay
ang cellphone na nasa table.
"Ha? A, o-oo... Wait lang," natarantang sabi
niya at hinawakan ang cellphone.
Ngunit nagbago pa sa akin ang damdamin
mo mananatili kang mahal sa puso ko....
Kahit ano'ng gawin ko, kahit ano'ng
paniwala ko sa sarili ko na hindi siya para
sakin, na masama na siya, na lahat ng
ginawa at sinabi niya sa akin ay hindi pa rin
matanggap ng puso ko. Mahal ko talaga
siya! Hindi na pagmamahal 'to kundi
kabaliwan. Alam ko 'yan, baliw na 'ko sa
kan'ya.
Sabi pa niya sa 'kin noon, kahit kailan, hindi
kami maghihiwalay, na magpapakasal kami,
na magbuo ng isang simple at masayang
pamilya pero bakit? Bakit nagawa pa rin
niya akong iwan.
Napaupo ako dahil nanghihina ang tuhod ko.
"Ano ba? Patayin n'yo 'yan sabi, e! 'Pag 'di
niyo 'yan mapatay, kayo ang papatayin ko!"
Malakas na sigaw ko sabay sipa sa upuan na
nasa harap ko. Lahat na talaga ng tao,
nakatingin sa akin at wala akong pakialam!
"T-Teka friend, patayin mo. Hindi ko alam
'to. Hindi naman sa 'kin yan e." Sabay bigay
ng cellphone sa katabi.
"Huh? Hindi ko rin alam. Wait lang, kay Jen
kasi 'to naiwan niya. Nag CR lang,"
natatakot na rin na sabi ng kasama niya at
kinalikot ang cellphone.
Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako
O kay tamis o kay lambing
Binibigkas ng labi mo..
Ayun, siguro napindot na ng kasama at
biglang tumigil ang pagkanta.
"Hay salamat naman," mukhang nabunutan
ng tinik sa dibdib at sabay pa talagang sabi
ng dalawa. Patuloy pa rin ang pag-agos ng
mga luha ko. Ang sakit! Lalo na nang
tumingin ako kay Darwin at parang balewala
lang sa kan'ya. Si Gwen? Ayun! Tawa ng
tawa kasama ang barkada niya. Bigla na
namang tumunog ang cellphone. Nagskip
lang 'ata sa next song nang napindot nila..
Someday...you'll gonna realize
One day you'll see this through my eyes but
then i dont even be there..
"Hindi n'yo ba talaga 'yan papatayin? Isa..."
binilangan ko sila.
"Nagmo-move on ang tao alam n'yo ba
'yon? NAGMO-MOVE ON AKOOOOOO!"
Buong lakas na sigaw ko sa kanila sabay tayo
at hampas pa sa mesa. Halos mabasag na
'ata ang voicebox ko sa sigaw na 'yon.
Putiks! Panira ang dalawang taong 'to, e!
Nananadya!
Halos lahat ng estudyante ay nandito na sa
canteen at nakiki-tsismis pero wala akong
pakialam! Labis akong nasasaktan. O.A na
kung O.A. Maarte na kung maarte! Masakit
kasi!
Nanginginig naman ang kamay nila na
kinakalikot ang cp.
"Paano ba kasi to?" reklamo ng isa
Cause someday someone' s gonna love me
the way...
i wanted you to need me...coz
someday...someday....
"Hala, nag-forward." Nakangiwing sabi nito
sabay sulyap sa 'kin.
"Akin na nga yan! Mga walang pakiramdam!"
inagaw ni Lenny sa mga ito at itinapon ang
cellphone sa pader.
Lahat natahimik. Dali-dali akong tumakbo
palabas. Tinatawag pa nga ako ni Lenny
pero 'di ko na pinansin.
Malapit na ako sa pintuan pero agad naman
akong nabunggo sa pader 'este' katawan
pala.
Isang napaka emotionless na mga mata ang
nakikita ko nang tumingala ako para makita
ang mukha ng kung sino man ang humarang
sa daan. Matangkad siya. Siguro nasa 6'1" o
6'2" ang height. Hindi ko man lang mabasa
ang iniisip nito. Pinahid ko ang mga luha na
kanina pa umaagos mula sa aking mga mata.
"TABI!" Sigaw ko sabay tulak sa kan'ya.
Lahat ng kababaihan ay napasinghap sa
ginawa ko. Kung sabagay, sino ba naman
ang hindi, e ang kinabaliwan nilang si Karl
ang nasa daanan. As if I care naman.
"Sobrang bitter nga siya girl, pati si Papa
Karl aawayin?" hindi ko na alam kung sino
ang nagsabi. Tumakbo na ako palabas ng
eskwelahan at dali- daling umuwi. Sa condo
ko nalang ipagpatuloy 'tong pagda-drama
ko.

YOU ARE READING
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...