42

2K 44 0
                                        

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 42

[Karl's Pov]
Ako ang tipo ng taong hindi suplado pero mapagmahal at seryoso kapag nagmahal at kalmado sa lahat ng bagay. Hindi ko ugali ang magwala. Kung puwedeng madala sa mabuting usapan ang mga bagay- bagay ay gagawin ko. Ayoko ng padalos-dalos na desisyon.
Masaya ako sa buhay ko ngayon. Kahit may pagkaisip ang asawa ko ay sobrang mahal ko siya. Hindi ko in-expect na na love at first sight ako noong first day ng pagkikita namin sa simbahan at sa oras pa mismo ng kasal namin.
"Waaaaahhh Karl, ang bastos mo. Labas! Isa!" galit na sabi niya sa akin. Hindi kasi niya ini-lock ang pinto. Naliligo siya pero may panty naman siya at bra.
"Sus, ilang beses ko na nga 'yang nakita e. Hanggang ngayon, nahihiya ka pa?" Hindi ako lumabas. Pinagmasdan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.
"Hey, oo na, lalabas na ko!" Paano, binabasa ako o tamang sabihing basa na nga ako..
Dahil tinatamad na nga akong magbihis ay sasabayan ko na lang siyang maligo..
"Oyyy karl, ano'ng ginagawa mo?" natarang tanong nito.
"Maliligo kasama mo, hon," todo ngiti na sagot ko sa kaniya. Ilang beses na rin namin ginawa to yong under the shower.
"Manyak ka, Karl! Manyak ka talaga! Patapusin mo ako!" galit na sabi niya.
"Huh? Ano'ng ginagawa mo, Karl?" Nataranta siya. Ako naman pa inosente lang, kunwari nagtatampo.
"Mamaya na lang ako maligo pagtapos ka na. Sige, ipagpatuloy mo lang yan. I'll wait until you finish..." Tapos nagbihis na ako ng damit.
"Hayop ka, Karl! Hubarin mo 'yan! Maliligo pa nga tayo e!" galit na sabi niya. Alam ko na 'yan e, kabisado ko na ang asawa ko. Kunwari galit.pero hindi ako matiis niyan.
"Akala ko ba ayaw mong sumabay ako sa 'yo?" Sarap niyang asarin e.
"Ah, basta! Kapag hindi ka bumalik dito, lalayasan kita!" Ganiyan 'yan lagi. Kaya siyempre ako ay masunuring asawa kaya sasabayan ko siya.
Kring!
Kring!
Kring!
Tsss storbo! Hinayaan ko na lang ang telepono. Marunong maghintay 'yang tumatawag.
"Sagutin mo, baka importante 'yon." Utos niya sa akin habang nagsasabon.
"Tsss! Mamaya pagkatapos natin!" naiinis na sabi ko..
"Sasagutin mo o hindi?" Kapag ganito 'yang boses niya, alam kong totoong galit na siya kaya sinagot ko na lang.
Si Mommy ang tumawag nagtatanong kung ready na raw ba kami ni Jane. Ngayong gabi kasi ang thanksgiving party namin. Halos lahat ng sikat na involved sa business world ay darating sa mansion.
Tama lang 'yan dahil ipakilala ko rin ang asawa ko sa mga barkada at kamag-anak ko. Hindi na natuloy ang sabay naming pagpaligo sana. Nang matapos ang tawag ni Mommy ay saktong katatapos din ni Jane sa pagpaligo.
------
"Honey, okay na ba itong damit ko?Hala, baka mamaya, ang panget ko. Labas cleavage ko, hon." Kanina pa 'to nagmamaktol. Masyadong conservative si Jane. 'Yan ang isa sa rason kung bakit mas minahal ko siya.
"It's okay, honey. You're the most beautiful woman in my life. Well, next to my mom.." Tapos niyakap ko siya mula Sa likuran. Ewan ko ba, naaadik na ako sa asawa ko..
"Hmp? Palagi mo na lang akong binobola," naka-pout na sabi niya sa akin.
*tsup*
Namula siya sa ginawa ko. Ang cute niya lalo na kapag kinikilig. Kahit may nangyari na nga sa amin, hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya.
White tube cocktail dress na hanggang tuhod ang ipinasuot ko sa kaniya tapos may design na parang malaking half na pakpak ng butterfly mula sa dibdib hanggang bewang na color black sa left side nito.
Ang ganda talaga niya! Mas lalong gumanda pa dahil nakaayos siya tapos nakalugay lang ang buhok.
'Wear this." Inilagay ko sa leeg niya ang white gold neckLace na may pendant na heartshape. Bagay na bagay sa kaniya.
-------------
Pagdating namin sa mansion, ang dami ng tao. Kung sabagay, mag-aalas nuwebe na ng gabi. Ang ganda ng pagkaka-arrange ng venue..
May maliit na stage tapos may maliliit na mga table para sa mga bisita at may malaking space sa gitna siguro para mamaya sa mga gustong sumayaw.
Dim light. Black and white ang table cloth, placemat and napkins tpos white glasses and plates. Simple yet elegant!
Nakahawak ang asawa ko sa braso ko, halatang kinakabahan..
"Relax. Have I told you that you're beautiful tonight?" bulong ko sa kaniya tapos pasimpleng hinalikan sa pisngi.
"Lokohin mo ako, Karl! Leche ka! Ano ang gusto mong gawin ko ngayon dito sa party? Magka-coumaflage? Belong na belong ako ah.." naiinis na sabi niya kaya napangiti ako.
"Sorry, hindi ko naman alam na white and black ang theme nina Mommy e. But don't worry, halos lahat naman ng bisita ay naka-black and white kaya hindi ka nag- iisa."
Ang daming babae na nakatingin sa akin siguro dahil famous ako pagdating sa business world at siyempre, bagay sa akin ang white tuxedo ko..
Ang mga lalaki naman sa asawa ko nakatingin. Kainis! Sana pala, hindi na lang kami dumalo rito para masolo ko ang asawa ko sa bahay. She was stunningly beautiful kaya mapapalingon ka sa kanya pero hindi siya aware sa ganda niya. Kaming mga lalaki lang ang makaka- appreciate ng totoong ganda ng isang babae.
"Hey pare, long time no see.." tawag ng barkada ko na nakaupo sa isang table kaya lumapit kami ni Jane sa mga ito..
"Yan na ba ang asawa mo? Wow, pare, ang ganda ah? Palit tayo ng asawa pare, nauumay na ako rito kay Desiree-Ouch! Joke lang, sweetheart." Binatukan kasi ng asawa niya. Ito ang kaibigan ko na galing sa US kasama pa ang iba naming mga kaibigan.
"Bakit hindi umuwi si Nicole?" tanong ni Leo. Ang pagkakaalam ko, nagtatampo si Nicole sa kaniya.
"Busy raw siya. Ngayon kasi ang exam nila," simpleng sagot ko. Concern din pala 'to sa kapatid ko, kunwari pa.na naiinis.
Nakipagkuwentuhan muna kami sa kanila tapos ipinakilala ko si Jane sa mga kamag anak namin. Alam kong nagustuhan nila ang asawa ko.
Kahit hindi man sabihin ay makikita mong mabait siya at simple lang pero ang hindi nila alam kalog din 'yan kapag kaming dalawa lang..
"Hello, hija? Kumusta na ang pinakamaganda kong daughter-in- law? Magkakaapo na ba ako?" nakangiting tanong ni Mommy. Pinakamaganda? As if na may iba pa siyang daughter- in- law e, nag-iisang lalaki lang ako.
"Okay lang po, tita. Wala pa po kayong apo. Saka na po kapag maka-graduate na ako," nahihiyang sabi ng honey ko.
"Gano'n ba? Sayang naman. Huwag tita, 'di ba sabi ko sa 'yo, itawag mo sa akin ay "friend"para tropa-tropa lang?" Jologs kasi ang mommy ko, parang si Nicole. Ewan ko ba kung paano 'to natiis ni Dad araw- araw. Siguro dahil din sa love.
"Oh, ang pogi, pogi talaga ng baby ko. Pa-kiss nga si Mommy!" akma niya akong hahalikan pero umiwas ako..
"Mom? Umayos ka nga! Huwag mo akong tawaging baby, nakakahiya kapag may makarinig sa 'yo!" naiinis na saway ko.
"Hmp! Bigyan mo ako ng apo at promise, hindi na kita tawaging baby," parang nagtatampong sabi niya.
"Mamaya mo'm, gagawa kami after this party--joke lang hon." Pasimple niya kasi akong kinurot sa tagiliran.
"Excuse lang baby, ha. Hiramin ko muna ang asawa mo. Ipakilala ko lang sa mga amega ko." Ayoko sanang pumayag kaso hinila na niya ang asawa ko. Baka mamaya, kung sino sino ang ipakilala niya.
Pabalik na ako sa mga kaibigan ko nang may makasalubong akong babae. She's wearing a red cocktail dress na halos wala ng tinatago sa katawan. May mga nakatingin din sa kaniya.
"Shiit! Ano'ng ginagawa ng babaeng 'to rito? bulong ko sa sarili ko. Si Jasmine, ang ex ko. Ang babaeng dapat na iniharap ko sa simbahan. Ang babaeng tinalikuran ako sa araw mismo ng kasal namin.
"Hi, Karl!" Todo ngiti niya sa akin tapos humalik pa sa pisngi ko. Sa lips dapat 'yon kaso umiwas ako. May mga nakatingin na sa amin. Aam kasi ng halos nandito na naging magkasintahan kami dahil kilala ring tao ang daddy ni Jasmine sa larangan ng business.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko, nasa Qatar ka!" galit na tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang nakita ang totoong pag-uugali niya. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sa kaniya noon.
"Why? Hindi ba ako welcome sa party na ito?" nakangisi niyang tanong sa akin. Hindi ko na lang siya sinagot.
"Long time no see, my dear HUSBAND!" *smirk*
Tapos tumalikod na sa akin papunta sa mga barkada namin.
"FUCK!"

A/N;
Hahaha as expected.. cliche.!!! ok lang...ganon talaga..sana suportahan nyo pa rin po hanggang matapos....toinkz
Shalamat...

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Where stories live. Discover now