32

2.2K 50 3
                                        


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 32

Dito kami ngayon sa isang private resort. Iniwan namin ang dalawa  sa Palawan. Nang tumawag si Karl sa kanila ay tatapusin na lang daw nila ang bakasyon dahil sayang din ang binayad. Sa kaniya raw ang resort na 'to. Regalo niya sa sarili. Isang taon daw niyang pinag- ipunan para mabili lang sa kaibigan.
Shit lang! Naiihi ako. Makabalik nga sa banyo. Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako. Hala, natatae na naman ako. Ano ba kasi ang nakain ko? Tapos tumakbo ako ulit sa CR. Kakabukas ko lang ng pinto...
"Huhulaan ko, natatae ka nanaman." Nagulat ako kay Karl. Nakasandal siya sa headboard ng kama at nanonood ng MYX sa studio 23.
"Utang na loob Jane, pang bente mo nang balik yan sa CR!" napipikong sabi niya. Huh? Binibilang ba niya?
"Ahh... ehh... 'di ko talaga mapigilan e!" Tapos takbo na naman ako pabalik sa loob.
"Waah!" Pagbukas ko ng pinto, nasa harap ko na si Karl.
"Karl... ahmmm... naiihi ako." Pero hinila na niya ako papunta sa kama.
" Waahhhh !" Natumba kaming dalawa sa kama tapos nakapatong siya sa akin.
"Ahmmm... Karl? Seryoso, iihi muna ako." Hindi ko talaga alam ang gagawin e.
"Relax..." nakangiti niyang sabi tapos nagkatitigan kami. Ang bango naman ng hininga ng lalaking 'to. Sarap halikan.
She got a body like an hourglass
But i can give it to you all time..she got abooty like a cadillac but i can send you into overdrive(oh)
"Waaah Karl, patayin mo na nga 'yang tv." Paano kasi, 'yong next song ay ang song nina Jessie J. Nicki Minaj at ng idol kong si Ariana Grande. Ganda kaya niya. Idol din 'yan nina Nicole at Lenny e.
Pero ang loko, parang walang narinig. Busy siya sa kakahalik sa leeg ko pababa. Shit lang! Bakit hindi ko siya kayang pigilan pero naaagaw ng music ang isip ko.
Stop and wait,wait for that,stop holdup,swing your bat.
See anybody could be bad to you..you need a goodgirl blow your mind yeah(oh)
"Do you love me, Jane?" may pagmamahal na tanong niya.
"Yes, I love you Karl Montenegro." And then he kissed me.
"I love you most, my wife," buong puso niyang bulong sa akin at hinalikan ako ng ubod ng tamis. I respond to his kisses. To his touch. And finally, I followed his body rhythm and dance with the music slowly, carefully, and wholeheartedly.
Bang!!!bang!!! to the room(i know you have it)
Bang!!bang all over you..(i'll let you over it)
Wait a minute let me take you there...
Wait a minute tell you (ah)
And the rest was ecstacy with a BANG! BANG! music.
-------------
Nagising ako dahil bigla akong nauhaw. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya iinom ako ng tubig. Hawak ko na ang baso pabalik na sa kama.
"Aw! Shit! Ang sakit!"
Masakit kasi ang buo kong katawan. Ano ba kasi ang ginawa ko kagabi?
*Isip*
*Isip*
*Isip*
"Waah!" sigaw ko nang makita ang sarili ko na nakahubad. May malaking salamin kasi sa dresser. Hala, bakit may mga pasa sa dibdib at leeg ko?
"Waah!" Nang naalala ko ang nangyari kagabi. Tapos lumingon ako sa kama.
"Karl, 'wag kang tumingin..." Kinuha ko ang bathrobe na naka sampay sa upuan. Si Karl kasi nakaupo sa kama na nakatingin sa akin. Kanina pa ba yan?
Nakatatlo pala siya kagabi. Nakakainis nga e! dapat apat kaso pagod na raw siya. My ghad! Ang manyak ng isip ko!
"Naahiya ka pa.." nakangisi niyang sabi tapos tumayo at naglakad palapit sa akin. Shit, reincarnation ba 'to ni Adan? Hindi uso ang saplot?
"Ahm... Karl, ano... kasi.. ahm..." Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ininom ko ang tubig na hawak ko. Kailangan ko ng isang drum ng tubig. He's so hot!
"Bakit ka mahiya, hon? Huwag mo na kasing takpan." Tapos ang mga mata niya ay hindi pa rin na alis.
Nakatingin pa rin sa akin sa salamin habang naglalakad palapit sa akin.
Tumigil siya tapos niyakap ako mula sa likuran ko pero ang mga mata pa rin namin ay nakatingin sa isa't isa sa harap ng salamin.
"Nothing to be ashamed of. I tasted it, I licked it and I love it." nang-aakit na sabi niya habang hinahalikan ako sa leeg pababa pero ang mga mata namin ay nakatingin pa rin sa harap ng salamin tapos itinayo niya ako at iniharap sa kanya.
"I love you, Jane..." Wala na. Nahulog na ang suot ko....
Okay, round four.
--------
"Hon? Ano pala ang sabi ng director at Roxanne?" Siyempre worried din ako kasi ilang beses ba naming minasaker ang ginagawa nila.
"Wala 'yon. Hinalikan lang ako ni Roxanne dahil nakita namin ang isang papparazzi tapos nung nasa boat tayo, isa sa apat nating kasama ay papparazzi rin. Hindi puwedeng maantala ang pelikula nilang ginagawa.." Naandito kami ngayon sa terrace at nakatingin sa langit. Naglatag kami ng tela para puwedeng mahiga.
"So, ginamit ka lang pala para mag-ingay para sa upcoming movie nila." Nasabi na rin kasi niya na engaged na rin si Roxanne sa isa ring businessman pero hindi pa ito handang umamin sa publiko.
Ang daming stars sa langit. Hindi gaya sa Maynila, kaunti lang. Minsan, nga wala pa. Ganito pala kasarap mabuhay sa probinsya.
Tahimik, walang ingay, walang gulo. Double story itong rest house niya. Ang sarap langhapin ng fresh air tapos nakikita pa namin ang mataas na bundok na may lake sa baba kahit gabi na. Maliwanag naman ang buwan.
" Ang ganda ng mga stars noh?" Nakatingala ako sa kalangitan at nakatingin sa mga bituin tapos itinaas ko ang kamay ko. Iyong tila maabot at hawak kamay ko na ang isang star.
"Alam mo Karl, isa kang star na hanggang tingin ko lang. Malapit lang sa mga kamay ko pero hindi ko maabot-abot kasi ang taas mo. Napakalayo mo at hanggang tingin lang ako sayo." Ikinuyom ko ang kanang kamay na parang kukunin ko ang star. Sino ba ang mag-aakalang maging asawa ko siya? Kahit nga si Bessy noon ay hindi makapaniwala.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti. Isinandig niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Hindi na hanggang tingin. Hawak kamay mo na ako. Yes, maybe isa akong star para sa 'yo na mahirap abutin at kahit ano'ng gawin mo ay hindi mo kayang akyatin. And since nasa taas ako at nakikita kita, minahal ko ang napakamagandang babae na nakatingala sa akin. So, bakit kailangan mo akong tingalain kung handa naman akong mahulog just to be with you? I am your falling star, honey..."
Banayad na hinalikan ako sa noo. Falling star daw para sa 'kin? Kinikilig ako!
Ang bango-bango ng asawa ko at ang gwapo-gwapo pa niya habang nakangiti sa akin. Ilang babae na kaya ang minahal niya?
Hala, kinikilig talaga ako. Firstime kong kiligin ng ganito.
"Pero 'di ba, ang mga falling star, kapag mahulog, wala ng kinang?" tanong ko. Nakakita na ako ng falling star pero 'yong totoong star na nahulog sa lupa at napulot ay wala pa akong nakita. Star fish lang sa dagat.
"Yupz. But if I were a star, mas pipiliin kong mawala ang kinang ko basta't makasama lang ang taong mahal ko."
Luma na ang mga sinasabi niya pero ang heart ko, ang lakas na namang makatibok.
Bakit kapag gwapo o pogi, kahit ang korni ang mga banat, ang lakas kong kiligin?
Again... We " MADE LOVE" under the moonlight.

A/N;
Tsk...tsk...tsk...ang corny..para mairaos lang ang chapter na to...hahaha

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ