37

1.9K 44 2
                                        


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

"Huhuhu hayop ka, Karl! Isinusumpa ko, hindi na kita papansinin! A-Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong makuha ang lahat, i-deny mo lang ang totoo? Mas pinili mo pang paburan ang malanding babaeng yon?" Nakatingin lang ako dito sa katabi ko. Kanina pa 'to iyak nang iyak...
"Huhuhu ang kapal, kapal ng pagmumukha mo! Hayop kayong lahat! hayop! Bessy, huhuhu p-pahingi ng tissue." Nakadalawang pack ng tissue na ito habang ako ay tahimik lang...
"Huhuhu mga baboy kayo! Walang kaluluwa! Ay teka lang, bessy. Di ba walang kaluluwa ang baboy? Tama ako, 'di ba? Ay, meron pala. Iyong pusa nga nabuhay e... huhuhu!" Ayan, seryoso po siya sa pag-iyak ha..
Kanina pa 'yan iyak nang iyak. Napahiya raw siya. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Siya 'tong nag- umpisa...
Kung hindi niya pinatulan si Gwen at sinabing asawa ko si Karl, e di sana wala kaming problema ngayon.
"Kuya Edgar, bar tayo!" yaya niya sa driver. Hindi ko na hinintay si Mang Kanor at nkisabay ako kay Lenny. Bahala si Karl, galit ako sa kaniya!
"Huhuhuhu 'di ka talaga makaka- score kay Bessy," sabi niya. Parang siya ang asawa ah...
Pero hindi ako pumayag na pumunta kami sa bar. Ayoko kaya ng gano'n. Ang iingay tapos ang dami pang lalaki na nanghihipo. Baka mamaya, kung mapa'no pa kami ni Bessy.
Mabuti sana kung may kasama kaming lalaki. Kaya nagpahatid na lang ak sa bahay, mabuti pa.
Kanina pa tumatawag sa akin si Karl pero 'di ko sinasagot. Kahit sa text, 'di ko rin nire-reply-an. Nagpakasarap sila ng malanding Gwen na iyon!
Naghanda na ako ng hapunan ko. Wala pa rin siya. Saan na naman kaya nagpunta yon? Aba, ine-enjoy talaga ang company ni Gwen ah.
Mayamaya pa ay narinig ko na ang sasakyan niyang dumating pati na rin ang pagsara ng pinto. Patakbo siyang umakyat sa hagdan pero nang makita ako ay bumalik at lumapit sa akin.
"Honey, kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo. Hindi mo sinasagot. Sana nag-reply ka man lang. Okay ka lang ba? Nag-aalala ako sa 'yo. Si Kuya Kanor, naghihintay sa 'yo sa school." Sobrang pag-alala ang nakikita ko sa mukha niya..
Andito kasi ako sa kusina kumakain. Mag-aalas siyete na ngayon lang 'to umuwi.
"Alam mo ba, kung saan-saan kita hinanap? Si Lenny tinatawagan ko rin pero patay ang cellphone niya." Malamang 'di niya matawagan e kanina pa lowbat 'yon dahil sa kakapanood ng fliptop sa youtube...
"Sana nagpasabi ka na umuwi ka o nandito ka na sa bahay!" panenermon niya sa akin ngunit ipinagpatuloy ko lang ang pagkain...
"Okay ka lang ba? Baakit hindi ka nagsasalita? May sakit ka ba? Gusto mo magpa-checkup tayo?" Nag-aalala ito sa akin pero hindi ko talaga pinapansin. Bahala siya, kain lang ako nang kain. Ang sarap nitong calamares na niluto ko.
"Hon, ano bang nang--"
Hahawakan na niya sana ako
sa kamay pero tinabig ko...
*sigh* Natahimik na rin siya. Siguro napansin na niya na galit ako sa kaniya kaya naupo siya sa harap ko
" Nag-aalala ako sa 'yo kanina pa. May problema ba tayo, hon?" mahinang tanong niya pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Magsa-silent war kami...
"Galit ka ba sa akin?" nagtataka niyang tanong. Iniligpit ko ang kinainan ko. Bahala siyang kumain mag isa..
Itatanong pa niya kung ano ang problema namin? Wow naman, sa tanda na niya, 'di pa niya alam?...
"Is it about sa nangyari kanina?Sinamahan ko lang si Gwen papunta kay Sir Gomez. Inutusan ko kasi na tanungin kung okay na ba ang copies ng mga number of students na na- enrolled sa registrar." Pakialam ko sa enrolees na sinasabi niya...
Di ko pa rin siya kinikibo. Nakasunod lang siya sa akin at kung anu-ano ang sinasabi. Basta ako silent war talaga ang gusto ko.
"Hon, please wait. Sabihin mo, ano ba ang kasalanan ko? Magsalita ka naman ohh?" Pinigilan niya ako sa braso. Paapasok na sana ako sa kwarto namin. Tila nag-iisip pa kung bakit ganito ang kilos ko.
"Wow, Karl! Kanina ka pa! Pwede ba, manahimik ka na! Tabi diyan sa pinto, papasok ako!" galit na sabi ko. Nagulat naman siya dahil sumigaw ako.
"Bakit ka galit sa akin? May nagawa ba ako? O hindi nagawa? Ano? Utang na loob naman, Jane, sabihin mo!" Desperado na niyang sabi sa akin. Sabi ko, silent war kami pero 'di ko talaga kayang hindi patulan.
"Hindi mo alam, Karl? Talaga? M-Matapos mo akong ipahiya kanina, h-hindi mo alam?" Ayan, umiyak na ako. Kanina ko pa 'to gustong gawin kaso nahihiya akong umiyak sa harap ni Bessy.
"Matapos mo akong i-deny sa harap ng maraming tao, sasabihin mo na hindi mo alam? Bakit? Dahil ba nakilala mo si Gwen? Gusto mo ba siya? Naagaw ka na ba niya sa akin?" Tuloy- tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko ma- imagine na pati si Karl ay mawawala sa akin..
"Ano bang sinasabi mo?" nagtataka niyang tanong. Leche, kanina pa 'to nagtataka ah.  Bawat may sasabihin siya ay nagtataka.
"So? Nagtataka ka? Bkit mo ako dineny kanina? Bakit sinabi mong hindi mo ako asawa? Dahil ba kay Gwen, ha? Dahil ba sa kanya?" Tapos pinaghahampas ko ang dibdib niya..
Siya naman nakatayo lang hindi man lang natinag sa ginagawa ko. Tuloy- tuloy lang ang iyak ko. Nasasaktan at natatakot ako paano kung iiwan at ipagmalit din niya ako?
"Yon ba? Sorry, 'di ba sabi mo, 'wag kong ipaalam na asawa kita? Akala ko kasi magagalit ka kapag inamin ko. Iyon naman kasi sabi mo sa akin, 'di ba? Naa 'wag ipaalam sa kanila." Litong lito na sabi niya sa akin...
"Isa pa, ang tanong lang naman nila ay kung totoo ang sinasabi ni Lenny. Hindi naman nila sinabi na ikaw ang may sabi. I'm sorry, 'di ko sinasadya." Hinging paumanhin niya. Ano ang magagawa niyang sorry niya na 'yan...
"Ewan ko sa 'yo, Karl. Huhuhu! Huwag ka nang magpakita sa akin! Ayokong makita ang pagmumukha mo--Biitiwan mo nga ako! Ao bah!" Nagpupumiglas kasi ako sa kanya dahil bigla niya akong niyakap.
"Sorry, honey. Sorry talaga..."
Mahigpit na ang yakap niya sa akin...
"Hindi ko alam. H-Hindi ko sinasadya. Please, 'wag ka nang magalit. I'll make it up to you.."
"Wag na, Karl. At 'wag na 'wag mo akong mahawak-hawakan!" Pinahiran ko ang luha ko tapos tinulak ko siya...
"Bukas, i-anounce ko na ako ang asawa mo. Please, aorry na. Ayokong nag-aaway tayo. Ayoko na ganito tayo kaya huwag ka nang magalit, please..." pagmamakaawa niya sa akin..
"Wag na, Karl. Aubukan mo lang sabihin sa lahat na asawa mo ako dahil isinusumpa ko, lalayasan talaga kita!" Kahapon na kailangan ko ang tulong niya, hindi niya ako tinulungan tapos ngayon hihingi- hingi siya ng sorry.
"I'm sorry--honey, wait!" nataranta niyang sabi nang isasarado ko na ang pinto..
"Wag kang matulog sa tabi ko, Karl! Wala akong balak na matulog kasama ka!" Tiningnan ko siya ng masama. Papasok din kasi sana siya rito sa kuwarto.
"Kwarto ko rin naman yan, ah," mahina niyang sabi na halos pabulong na.
"Ah, kuwrto mo 'to? Oh sige , sa 'yo na! Lilipat na lang ako sa kabilang kwarto kung dito mo gustong matulog o di kaya ay lilipat na rin ako ng bahay para wala ka na'ng problema!" seryoso talaga ako sa sinasabi ko. Kapag sumpungin ako ng pagka maldita ko, lalayasan ko 'to...
"No! Dito ka na matulog. Sa kabilang kuwarto na lang ako matulog. ." mabilis na tanggi niya. Masunurin naman palang bata 'to, e..
Mag-aalas onse na ay nauuhaw ako kaya bumaba ako at iinom ng tubig. Ubos na kasi ang mineral water namin dito sa kwartom
Pagbaba ko, binuksanln ko ang ilaw. Nagulat ako nang biglang tumayo si Karl. Siguro kakapikit lang. Bakit nandito ba siya sa sala natutulog? Tatlo naman ang khwarto ng bahay na 'to.
"Saan ka pupunta, hon?" nataranta niyang tanong tapos sumunod sa akin.
Dire-deretso lang ako sa ref tapos kumuha ng tubig at isinara. Nakakahiya naman kung k-open ko lang hanggang umaga, 'di ba?
Diretso lang ako pabalik sa hagdan. Di Karl. naupo uli sa couch tapos pinatay ko ang ilaw. Nasa gitna na ako ng hagdan nang maaninag ko ang bulto niya..
Nakaupo pa rin sa sala at hindi gumagalaw kaya bumaba ako uli at binuksan ulit ang ilaw...
"Ano ba ang ginagawa mo rito?" Naiinis na tanong ko. Bakit ba nandito 'to?
"Ha?Ahhhh, w-wala. Sige, matulog ka na.." mahina niyang sabi. Sakto lang para marinig ko pero hindi siya nakatingin sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo rito sabi? May dalawang kuwarto pa naman dito. Doon ka matulog." Kahit galit ako, siyempre bahay niya 'to at kahit papa'no, concern ako sa kaniya..
"Wag na. Dito na lang ako. Sige na, matulog ka na rion." Utos niya sa akinm na hindi pa rin nakatingin...
"Putang ina, Karl. Ano'ng ginagawa mo dito? Pag hindi ka sumagot, sasapakin talaga kita?" sigaw ko sa kanya. Ano na naman ba kasi ang drama nito? Nakakabuwesit!
"Kasi...baka lumayas ka nga kaya dito na lang ako sa sala para makasiguradong hindi ka aalis. Sorry talaga, hon. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari kanina..." nanlulumo na ang mga mata niya. Talagang iniisip niya na aalis ako...
Iniwan ko na siya. Kung ayaw niyang matulog, e di 'wag! Dian siya matulog hanggang umaga,wala akong pakialam.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ