FOOLISH HEART 01

957 41 6
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You !

______________

MA. ALEXIS PENELOPE POV

May narinig akong tunog ng doorbell kaya nabaling ang tingin ko sa labas.



Hinihintay ko kung tutunog pa ba ito. Tumunog nga talaga, sino naman kaya iyan?


Busy ako manood, eh!



Humarap akong muli sa TV. Nanonood kasi ako ng mukbang, kaso gusto talagang mang asar ng nagdu doorbell sa labas.





First time niya yatang magpindot ng doorbell kaya ayan kung maka pindot akala mo wala nang bukas!




"Ma! May nagdu doorbell buksan mo." Sigaw ko. Nasa kusina kasi si mama, busy mag luto ang ferson.




Hindi ko naman mautosan itong kapatid ko dahil tamad ang isang iyan.




"Aba't saakin mo pa talaga inutos, baka si Astrid na yan pag buksan mo!" Sigaw pabalik ni mama.





Buhat doon ay agad akong napatayo at agad na lumabas.





Shit, nakalimutan ko na pupunta nga pala rito si Astrid. Lagot na!



Mabilis kong binuksan ang gate at yumakap sakanya. Ang bango niya!




Sumiksik pa ako lalo sa leeg nito dahil nakaka adik ang amoy ng mahal ko. Makaraan ng ilang minuto ay kumalas ako rito.




"Good evening, mahaaal!" Bati ko rito pero irap lang natanggap ko.




"Good evening mo mukha mo, limot mo yatang pupunta ako rito? Kanina pa ako nagdu doorbell, bungol ka talaga."




"Lah! Di ah, kanina pa nga ako naghihintay dito sa may gate eh." Alanganing ngiti ko at tinulungan syang buhatin ang bag nya.




Napailing lamang ito sa palusot ko.



"Kiss ko?" I pouted




Pero linagpasan lang ako nito kaya napanguso ako.




Hindi ako binigyan ng kiss ng mahal ko!





"Alexandra Mariel, my babyyy!" Tili nito at tumakbo palapit sa kapatid ko.





Kaagad naman siyang sinalubong ng kapatid ko at pinatakan ng halik.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now