FOOLISH HEART 23

302 27 0
                                    

ASTRID KEITH JONES

Seryoso lang akong pinapanood kung paano hinalikan ni Maddie sa labi si Alexis, sila kase ang nakasalo sa bulaklak. Hindi ako nakisali dahil wala ako sa mood para makipag halubilo.




Ilang buwan na hindi kami magkaayos ni Alexis, kapag nagkikita kami sa skwelahan parang wala lang. Nagiiwasan kami na parang wala kaming nakaraan.





Nagiiwasan kami na parang wala kaming pinagsamahan, na para bang hindi namin kilala ang isa't isa.






Kanina pa ako tungga nang tungga rito, pero hanggang ngayon hindi parin ako nalalasing.







Nakakainis, nakakasira ng araw na makita mo silang dalawa kung gaano kasaya.






Ang sama ko bang tao na naiinis ako ng ganito na makita siyang masaya sa iba?






Ngayon ko narealize na sobra sobra ang pagpapahirap ko kay Alexis noong panahong magkasama palang kami, kapag may gusto siyang laruin, may gusto siyang gawin o puntahan hindi ako sumasama. Hindi ko manlang siya natrato ng tama, gaya ng pag trato sakanya ni Maddie.







Natawa nalang ako ng mapakla dahil sa mga katangahan ko, nakailang bote na ako ng alak akala ko matatanggal ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi pala, lalo’t nakikita ko silang masaya.






Baka sila talaga para sa isa't isa.







Naglalaro kami ng King's game, ngayon palang ako na dare. Nidare kase ni Kyla na lagyan ako ng hickey pero ayaw ni Alexis. Uminom ako ulit ng alak para palakasin ang loob ko.







"Bakit hindi mo ba kaya? Weak." Mapanghamon na wika ko rito.








Kita sa magandang mukha nito ang inis dahil sa sinabi ko, sorry not sorry mahina ka naman talaga.








Bigla akong kinabahan dahil tumayo ito at naglakad palapit saakin, bakit ako kinakabahan?







Sobra na talaga akong kinakabahan pero hindi lang ako nagpahalata. Nagulat ako dahil bigla nitong hinalikan ang leeg ko, shit. 







Napapikit ako dahil sa sarap na pag halik nito, nang sipsipin niya ito ay agad kong kinagat ang labi ko para pigilan ang ungol na gustong kumawala sa bibig ko.







Pagkatapos nitong pag samantalahan ang leeg ko ay bumalik na ito sa dati niyang pwesto. Yumuko ako upang pakalmahin ang sarili ko, asan tapang mo ngayon Astrid?





•••••



Balik skwela na kami matapos ang nangyari sa Cǎihóng. Andito kami ngayon sa room busy kami lahat, dahil walang teacher napag pasyahan nalang naming magpintura ng mga galon na gagamitin sa pag tatanim.






"Tapos diba hinalikan ako ni Clyte non sa Cǎihóng? Ang sarap kiss niya Astrid." Masayang kwento ni Keizel.






Napadpad lang dito sa building namin yan para makipag chikahan saakin, tinanguhan ko ito dahil busy ako sa pag pintura ng mga galon.






Lasing lang si Clyte non kaya siya hinalikan, eh, pero para namang kiti kiti itong batang ito sa kilig. Ang likot niya mag kwento.


"Mas nalasahan ko pa yung masarap niyang kiss, kaysa sa alak." Kinikilig na wika nito kaya napailing nalang ako





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now