FOOLISH HEART 10

281 28 1
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE

"Gagi nakita kami ni ma'am Suarez sa mall kahapon, grabe nginig ko beh!" Pagkwento ko kay Mads, wala si Astrid dahil may kinuha ito sa office ni ma'am Mercado.




"Gago, bat kase kayo nag cutting? Pinagalitan kayo?" Tanong nito.





"Hindi hehe, pinisil pa nga ni ma'am pisngi ko eh!" Pagyayabang ko rito.





"Paborito ka non ni ma'am Suarez eh, baka crush ka beh." Tawa nito, maissue talaga ito.





"Ho--"




"Alexis! Patulong nga." Tawag saakin ni Astrid.





"Ahm, excuse muna Mads ah? Tulungan ko lang ang mahal ko." Paalam ko rito agad naman niya tinanguhan




"Ano pong maitutulong, mahal kong Astrid?" Malambing na tanong ko rito.






"Icheck mo itong quizzes ng mga GAS sa Statistics and Probability. Irirecord  ko kase itong scores ng mga kaklase natin dito sa laptop." Paliwanag nito.





Inabot nito saakin ang mga papel, ang dami naman nito mga bebs!





"Ito ang mga tamang sagot, sundan mo nalang. Pag may tanong ka sabihan mo ako ah?" Sambit nito.




"Okay mahal ko" wika ko at kinuha ang red ballpen ko.




"aba gandang bungad, kay Zoe agad ang ich-check ko?" Naaalala ko na naman ang ginawa niya kay Chloe.





"Bakit—ay siya pala yung nakaaway ni Chloe Amara, 'no?" Tanong niya na tinanguhan ko naman.




Hindi na ulit kami nag imikan dahil busy sa kanya-kanya naming ginagawa.





Feeling ko talaga eh assistant ako nitong dalawa eh, inaalipin nila ako! Ng matapos ay pinanood ko nalang si Astrid sa pag rerecord  ng scores namin sa laptop.





"Alexis? Tapos kana ba diyan? Papatulong sana ako magkabit nitong decorations sa bulletin board" tawag ni Mads sa atensyon ko.





Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Astrid.




"May ginagawa pa siya, Pres. Madelaine. Patulong ka nalang muna sa iba" sagot niya. Eh? Tapos na kaya ako.





"Ganun ba? Oh sige" ngumiti pa ito sa akin kaya napakamot ako sa ulo. Gusto ko sana siyang tulungan eh.





"Ikaw na tumapos ng pag record ng score, babasahin ko ang questionnaires na binigay ni Ms. Mercado" sambit niya at hinarap sa akin ang laptop. Tumango naman ako at sinunod siya.





Ng matapos na ang gawain namin ay nagpaalam ako sakaniya para tulungan si Mads, kanina pa kasi siya naglilinis.





Nagiging busy na siya dahil malapit na ang School fair.





"Oh sige, magkikita din kami ni Bryce" sambit ni Astrid at niligpit ang gamit niya.





Tumango naman ako at lumapit na kay Mads.




Tinulungan ko muna siyang ligpitin ang kalat bago binuhat ang mga basura na nakalagay sa isang karton para itapon sa Garbage drum na nasa garden.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα