FOOLISH HEART 19

274 24 1
                                    

ASTRID KEITH JONES


"Pa, Aalis na po ako ha? pakisabi nalang po kay mama" humalik ako sa pisngi nito bago kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay.





Hindi ko alam ang posibleng mangyayari sa pagitan namin ni Lexi, pero nilalamon ako ng guilt dahil sa nanyari.





Sinaktan ko siya pero pakiramdam ko ay tama naman ang ginawa ko, ayaw ko din na umasa siya dahil hindi ko talaga maibibigay ang hinihiling niya, at kami na ni Bryce.






Hindi mawala sa isip ko ang nadtanan ko sa tent niya. bucket list ng gusto niyang gawin namin. Maging bonding naming dalawa kumbaga.



•••


Dali-dali kong pinuntahan ang tent ni Alexis, pero katulad ng inaasahan ay wala na ito. Napaupo ako sa sahig ng tent niya at napahikbi ngunit napatigil ng may namataan akong piraso ng papel na nasa tabi ng unan, nakapatong pa rito ang ballpen na may unicorn sa dulo, tanda na kay Lexi ang ballpen na iyon.





Pinulot ko ito at sunod-sunod ang tulo ng luha ko ng malaman kong listahan iyon ng gusto niyang gawin namin dito. gusto kong bumalik ang oras. ngunit hindi na pwede.






Alam kong naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko, pero alam ko sa sarili ko na tama ang ginawa ko na palayuin siya.

•••



Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko na alam nag dapat kong maramdaman.




Naguguluhan ako, mahal ko si Bryce, pero bakit hindi ako masaya? bakit parang kulang?






Ng makarating sa campus ay agad kong nakita ang mga tinatayong booths ng mga estudyante. School fair na pala simula ngayon.






Dumiretso ako sa room at napatingin sa upuan ni Alexis na katabi ng upuan ko, wala pa kasing nakaupo roon at walang kahit anong gamit. nakakapanibago kasi laging si Lexi ang nauuna roon.






"change nako ng ship beh! mas bagay pala si Maddie at Lexi, tignan mo sila!"






Narinig kong bulong ng mga kaklase ko at nakatingin sa likod ng part ng room kaya agad din akong napatingin roon.






Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko ng makitang magkahawak ng kamay si Lexi at Maddie habang nakikinig ng tugtog mula sa earphone ni Lexi, tig-isang earpiece ang mga ito.





"Paano naman ako nahulog na rin sa’yo binitawan mo lang ba talaga ako"





Kanta nilang dalawa habang busy ang mata nila sa screen ng phone ni Maddie yata. Kase hindi naman gano’n ang case ni Alexis.





Couple case kase kami. Pero tinanggal ko na ang akin.





"Forda broken yata si President Maddie at ang assistant niyang si Alexis." Tawanan ng mga kaklase ko






"maya maya lang. Siguro mga 8:30 start na ang mga booth." Wika ng isang kaklase ko






"Eh ano naman sana? Basta ako titikman ko yung mga paninda ng students." Sagot naman ng isa







Isasalpak ko na sana ang earphone sa tenga ko nang mag salita ang isa.





"Bobo, diba ilalagay natin si Alexis at Madelaine sa weeding--"





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now