FOOLISH HEART 05

279 27 1
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE

Narito na kami sa Cafeteria para kumain. Dahil nakasagot si Astrid kanina sa recitation namin, tatlong hamburger na ang binili ko para I love you, ehe!




Sa tatlong hamburger na nabili ko, isa nalang ang kakainin nya. Ang bilis nya kumain grabe, pero sexy parin.




Nagulat naman ako dahil nagmadali itong isubo ang buong hamburger sa bunganga n'ya.




"H--hoy gagi ka, Astrid, mabilaukan ka riyan!" Nagaalalang singhal ko rito.




Pero sya patuloy parin sya sa pag nguya kahit nahihirapan na.




"Mway pwapwawating kwase!" Nahihirapang saad nito.




Hindi ko maintindihan gags, nagulat naman ako nang may biglang sumulpot na batang kumag.




"Ang damot mo! Nakita mo lang akong papasok nilamon mo na ng buo!" Iritang sigaw ni Keizel kay Astrid.




"Tandaan mo ang araw na ito!" Ayan na naman siya sa pagbabanta niya.





Linunok naman ni Astrid ang kinakain nito at tsaka mabilis na uminom.





"Magpabili ka kase kay Nash! Nambuburaot ka na naman, eh. Ang yaman yaman mo di ka makabili." Salubong ang kilay na saad nito.



Mayaman pala ito. Kaya pala kapag binabayaran ko siya sa pagtuturo niya ayaw tanggapin.




"Shessh! Madamot ka--" natigilan ito at napatingin saakin.




Tinaasan ko naman ito ng kilay, nakangiti kase parang tanga.




Crush siguro ako nito.




Please, wag dahil hindi ko type ang mga kagaya niyang pasaway.




Guardian angel mo ako, anak. Hindi mo ako pwedeng magustohan.




"Libre mo ako!" Masiglang wika nito.




A-abat! Kanina halos isumpa nya na ako na matisod, tapos ngayon sasabihin nya ilibre ko sya!




"Wala akong pera, kay Nash ka magpabili. Andon sya sa office." Wika ko at sinimulan nang kumain.





"Sinungaling, itong gold card mo ilan laman nito?" Agad naman akong napalingon dito. Gago!





Saan nya nakuha wallet ko?! Hawak nito ang wallet ko at nagkakalkal, aagawin ko sana ito ngunit mabilis itong nakaiwas.





"Ang dami mong card Lexi rawr, pero itong 1K nalng kunin ko." Masiglang wika nito at kinuha ang 2K--sabi nya 1K lang?!




Hindi ba siya marunong magbilang?!




Hinablot ko na ito sakanya, sakit talaga sa ulo ang babaeng ito.





"Thank you, sugar mommy ko!"




Nanlaki naman mata ko sa sigaw nito, kaya tinakpan ko agad ang bibig nito.





"Sugar mommy ka pala Alexis eh!" Natatawang pang aasar sakin ni Astrid.





Lakas mang asar ang dalawang ito, magkaibigan nga talaga! Aish!




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Onde histórias criam vida. Descubra agora