FOOLISH HEART 18

262 26 0
                                    

ASTRID KEITH JONES


Pagkalipas ng hapon inaya ko na agad si Alexis, excited na ako pumunta sa kweba eh. Maganda kase roon, kaya naman hinarap ko ito.






"Punta na tayo sa kweba? Mag arkila na tayo ng bangka? Diba sabi mo kagabi marunong ka naman mag sagwan?" Tanong ko rito.







"Yep! Tinuruan ako ni papa eh" proud na sabi nya.






At ayun na nga, naghanap kami ng pwedeng arkilahan na bangka. Nang may makita kami ay agad agaran namin nitong nilapitan.






"Manong! Pwede po ba namin ma arkilahan ang bangka at sagwan mo?" Nakangiting tanong ko.






"Ah opo naman ma'am, 500 ho isang oras" nakangiting sagot naman nito kaya pumayag kaagad kami.






Tinulungan kami ng bangkero na mailapit ang bangka sa tubig, kaagad kaming nagpasalamat at sumakay na.






"Sure ka marunong ka ah?" Kinakabahang panigurado ko.






"Oo nga! Hindi naman kita ilalaglag, magtiwala ka lang"





Hindi na ako sumagot at mahigpit na humawak sa inuupuan ko.






Sumagwan naman ito palayo sa dalampasigan.






Ang ganda ng islang to






Magkahalong berde at asul ang tubig. Puting buhangin at iba't ibang rock formation na makikita mo sa paligid.






Madami ring puno na magaganda ang hugis, tila sinadya ang mga kwebang perpekto ang pagkakakurba kahit sa malayo mo ito matanaw.





Sumagwan si Lexi papasok sa isang malaking kweba.






Napakaganda sa loob at tila umiilaw ng tubig dahil sa liwanag mula sa sinag ng araw na nakasilip sa mga butas ng kweba.







Hininto ni Lexi ang bangka sa gilid at bumaba ng bangka bago ako alalayan.






"a-ang ganda dito Lexi" Manghang sambit ko sakanya. This place looks wonderful.





Kaya hindi ka na magtataka kong bakit kilala ito sa buong mundo.






"Yeah" She smiled and then hugged my waist. "Kasing ganda mo" masuyong sambit nya.





Pakiramdam ko ay may lumilipad na paro-paro sa tiyan ko.





"T-talaga?" Namumula kong saad.






"Ah-huh" tango pa nya at kumalas. "Gusto mo ba maligo?"





"P-pwede?" Nakangiti kong tanong, yay!





"Oo naman" sagot nya at biglang hinubad ang t-shirt nya.





Naiwan ang Black Bra nya. Nanlaki naman ang mata ko.






"A-anong--gaganyan ka?" Takang tanong ko.






"Huh? Oo naman, lalamigin kasi ako mamaya kaya hindi ko pwedeng basain ang T-shirt ko" saad nya bago hinubad ang Pants nya. Black laced Panty. Fuck! Two Peices lang ang suot nya!






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now