FOOLISH HEART 22

292 28 1
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa kwarto ko.


Ang aga aga narito na naman sila para mambulabog, ang aga mang gising bakit anong oras na ba?!




"Hoy Alexis gising na puñeta!"




Sigaw ng isa kaya dumapa ako at tinakpan ng unan ang magkabila kong tenga.





Kung makasigaw akala mo nasa ibang planet ang kausap. Sana tinutok nalang nila sa tenga ko ang pag sigaw nila, nahiya pa sila.






"GUMISING KA NA DIYANG PUTANGINA KAAAAAA!"





Arrggghhh! Ang dami kong problema dumagdag pa ang mga hayop na ito!





"ano ba naman yan! Kaaga-aga nambubulabog kayo!" Reklamo ko sa mga ito.






"Ay wow sorry ha! Tsaka hello! Magtu-twelve PM na beh! Kung gusto mo maiwan ka dyan"






Padabog akong umupo sa kama at tinignan ang mga ito.





"Tumayo na na dyan at magbihis ka na, pisti." Saad ni Mads kaya napairap nalang ako.






Napagusapan kase naming magkakaibigan na mag bonding, dahil kinabukasan ang kasal na ni Chloe sa isang shokoy.






Kawawa naman ang kaibigan kong yon, ikakasal sa taong di naman niya mahal.







"Kaysa tumunganga ka riyan, magbihis ka na riyan!" Singhal ni Chloe saakin sabay hampas ng unan sa mukha ko, pisti! Hindi pala siya kawawa deserve nya ikasal sa taong di niya gusto.







Padabog akong tumayo at pumasok sa banyo pa maligo. Dito na rin ako sa banyo nagbihis, alangan mag bihis ako sa harapan nila ma kita pa nila sexy body ko. Edi crush na nila ako.







Nagsuot lang ako ng maong na short at oversized shirt, tsaka nag rubber shoes. Tinatamad ako pumorma eh.



•••••




Narito kami sa sa Yacht na pagmamay-ari nila Clyte, shesh ang yaman. What if magpaampon nalang ako sakanila? Ang ganda ng yate nila mga besh, parang hotel sa sobrang lawak, tsaka kumpleto pa sa gamit.







"Kumusta ang event nung isang araw?" Tanong ni Chloe





"Ayos naman, si Madeleine at Alexis kinasal HAHAHAHA" malakas na tawa ni Reign, siraulo ampucha.






"Ang dami nga nagtitilian noon eh." Kwento ni Clyte at umupo sa tabi namin.





Mabuti at nagtatagalog na ito. Englishera ito, marunong naman siya mag tagalog papansin lang kasi tinatamad daw mag tagalog. Papansin eh, spokening peso ang Clyte niyo.






Nakapabilog kase kaming lima, kumakain kami nang meryenda habang nagkukwentohan





"Balita ko nga Alexis, nag blind date raw kayo ni Astrid." Natatawang turan ni Chloe, kaya inirapan ko ito.






Tama kami nga ang nag blind date noong isang araw, paano ko nalaman? Sinabi ni Mads saakin, dahil siya ang may kapakanan lahat ng yon. Siraulo talaga ang babaeng yon, sarap niya iumpog.





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now