FOOLISH HEART 07

250 27 2
                                    


MA. ALEXIS PENELOPE

Months passed by…



Masaya akong naglalakad papunta sa room ko, lunes na naman. Makikita ko na naman ang mahal ko!




Excitinggg!


"Maria!"




Natigil ako sa paglalakad, alam ko na kung sino ang taong tumawag saakin dahil siya lang naman ang taong papansin sa aking buhay!




Liningon ang taong nagtawag saakin, dali-dali itong tumakbo palapit saakin na may ngiti sa labi.




"Ikaw pala, Mads. Good morning" nakangiti kong bati rito.




Yup, close na kami ni Madeleine.




Nagsimula ito simula noong nagpapatulong siya saakin sa mga kailangan sa room namin.





Mabait pala siya, ngayon ko napatunayan.  sana maging close rin sila ni Astrid.




Until now inis parin si mahal kay Madelaine.





Pinaliwanag ko na skanya na mabait siya, eh. Wapakels naman si ante mo





"Good morning too, MARIA." a-aba't! Nannadya, nananadya na ito!




Dito ako naiinis sakaniya pag tinatawag nya akong Maria!




Si mama kase bat may pa Maria pa!




Hindi man lang niya na predict na magiging biot ang anak niya!



"Eehh! Mads naman! Ayaw kong tinatawag na Maria eh!" Nakanguso kong saad. Nakuha pa talagang tumawa nito.




Baliko ako tapos Maria itatawag saakin? Bawal iyon!




"Ohh kalma, kaaga-aga highblood ka." Natatawang asar nito.




"Ewan ko sa'yo, akin na nga yang dala mo. Tulungan na kita." Prisinta ko rito at kinuha ang hawak niyang paper bag.




"Ano laman ng mga paper bags na dala mo, Mads?" Tanong ko rito.




Si Celestia Madelaine Salvacion ay ang President namin sa room, habang ang mahal kong Astrid naman ang Vice President. Ako? Wala, utusan lang ng President at Vice President. Ok lang naman ako sa ganong set up, kase masaya naman. At tsaka para na rin may ambag ako sa room namin.





"Mga pang design sa room natin, tulungan mo ako mag letter cut mamaya, ah?" O'diba sabi sainyo assistant ako niyan eh. Tinanguhan ko nalamang ito.




Nakarating na kami sa room namin at pumasok na, linibot ko ang aking paningin. Wala pa ang mahal ko.




Hinatid ko muna si Maddie sa upuan nya, at linapag ang mga paper bags sa gilid nito.




"Thank you-- hoooy! Hooy! Monday cleaners ang kalat oh, magsilinis nga kayo! Mamaya magalit na naman si ma'am ako na naman ang mapapagalitan eh!" Sermon nito.




Napatakip ako sa aking tenga dahil sa pag sigaw nito.




Ang aga aga siya pala itong high blood.




"Naglinis na ako nang bintana kanina Pres, yong mga lalaki ayaw tumulong." Pagsumbong ni Cole.



"Hoy mga boys magsitulong nga kayo sa paglinis, puro kayo Mobile legends dyan!" Singhal muli ni Maddie.



𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now