FOOLISH HEART 38

305 19 0
                                    


_______

ASTRID KEITH JONES


Apat na araw na ang nakalipas simula noong nagperya kami, kasama sila tita Mauris. Maayos parin naman ang pamamalagi namin dito sa Cǎihóng.





Apat na araw na nga ring naka stay dito si tita Katherine. Hindi kaya siya pinapagalitan ng asawa niya kase di siya umuuwi? Alam niyo naman ang asawa niyang iyon, pfft.





"Ate Aswwwiiiid!" Yumakap ito saakin kaya binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi.






Kararating nila galing Canada. Lumapit ako kila tito at tita saka nag bless. Si Alexis nag bless din sa magulang ko.






Lumapit na rin ako kila mama at papa saka sila hinalikan sa pisngi. Galing kase sila mama sa probinsya, ewan kung ano ginawa nila roon.






"Kumusta naman bakasyon niyo rito?" Tanong ni mama, sinabi ko na maayos at masaya rito.




-




"Yeeey! Kakain na!" Pumapalakpak na sabi ni Alexandra. Ang cute!




Linapag namin ni Alexis ang mga linuto namin. Nagluto kami ng Adobong chicken, pinakbet at nagluto na rin kami ng buttered shrimp.





"Ang sarap talaga mag luto ng anak mo, Rebecca" saad ni mama kaya napangiti ako. Si Alexis kase nagluto, ako lang iyong mga nag gayat ng mga ingredients.






"Siyempre, manang-mana saakin iyan." Sagot naman ni tita Rebecca.






Masagana kaming kumakain habang nagkukwentohan. Sumasagot lang kami ni Alexis kapag may tinatanong saamin.






"So, kayo na pala ah? Kailan niyo balak ikasal?" Kulang nalang lumabas na ang iniinom kong juice sa ilong ko dahil sa tanong ni tito Jasper.






Hinaplos ni Alexis ang likod ko.  "Dahan-dahan lang kase, mahal." Pagpapakalma saakin ni Alexis. Paano ako kakalma, nakakagulat ang tanong ng papa mo!





"Kaya nga naman Astrid. Gusto ko na magka apo." Drama naman ni mama, sumali pa ito eh!






"Ahh, tita Eurica bata p-pa po kami eh, hehe. Dadating din naman tayo riyan, pero po ngayon kailangan pa namin grumaduate." Paliwanag ni Alexis dahilan para mapangiti kami.





Kinabahan tuloy ako na ayain siya mamaya ng date. Naayos na nila Jade iyong venue na gagamitin namin, kami nalang ni Alexis ang kulang.





"Alexis, paliguan mo nga saglit si Alexandra ang dumi niya na oh." Wika ni tita.





"Sige na, ako na bahalang magaayos sa mga pinag kainan." Sagot ko rito at dinampihan sya ng halik sa labi.






"Asusss, may pa halik pa sila parang wala kami rito ah." Katyaw nila dahilan para mamula ang pisngi namin ni mahal. Ang lakas naman kase mang asar!






Binuhat na ni Alexis ang kapatid niya at pumasok sa cabin para paliguan.





Huminga ako ng malalim at hinarap sila mama. Kinakabahan ako, pero kailangan ko itong gawin.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now