FOOLISH HEART 08

256 28 2
                                    

CELESTIA MADELAINE  SALVACION POV


Halos katatapos ko lang kumain, narito parin kami sa garden. Ang ganda rito, presko ang hangin at maganda ang view.


Nakaka relax kumain dito. Halos dito ka kami palagi kumakain ni Alexis.



Napatingin ako kay Alexis dahil sa pag dighay nito.



"Excuse me." Wika nito




"Hindi ka gutom ah?" Sarcastic na sabi ko rito, tumawa lang ito.



Halos siya kase ang nakaubos sa mga ulam, lalo na sa luto ko. Konti lang nakain ko dahil busog pa naman ako.



"Ang sarap kase ng luto mo, eh." Puri nito, napangiti ako dahil sa sinabi niya.




"Mads, knock knock."



"Hmm? Who's there?"



"Maddie"




"Maddie who?"



"Yesterday's a dream i face a morning, crying on a breeze the pain is calling oh MADDIE." Pagkanta nito. Sana nanahimik ka nalang beh.




"Ang co--"




"Well you came and you gave without taking. But i sent you away oh MADDIE. Well, you kissed me and stopped me from shaking. And i need you today oh MADDIE"




Natawa ako nang malakas dahil nagpiyok ito, ayan kanta pa more.
Epekto yata yan ng ulam na pinakain ko sakaniya.




Dapat siguro minsan ko lang ito patikman ng luto ko. Bigla bigla ba naman siya nagkaka plema HAHAHHAAH.




"Panira yung lalamunan ko, nagpiyok tuloy." Natatawang wika nito.




"Kanta pa more, oh uminom ka." Inabot ko sakanya ang Tumbler ko.



"Thank you" sambit nito at uminom na.




Napatigil ito sa pag inom na ikinataka ko.



"Ohh? Bakit? Ok ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko rito.




Nakaka gulat kasi bigla itong natatahimik o natutulala.




"A-aah? Oms ok lang. Tara na sa r-room malapit na mag bell." Inayos na nito ang mga gamit niya.



Anong nangyari sakaniya? Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko.


Vacant naman namin pero bakit nag aaya na siya umalis?



Nakita ko sa peripheral vision ko ang dalawang taong nakaupo.



Agad ko itong liningon, sila ba ang dahilan kung bakit nawala ito sa mood?



Sabi niya kanina ayaw nito pumunta sa garden, tapos ngayon nandito siya. Kasama pa si Bryce.



Hay nako, sariling kaibigan mo Astrid hindi mo mapagbigyan sa simpleng kahilingan lang.


Pero kapag sa lalaking iyan go na go siya kaagad. Ano bang namamagitan sakanila?





Concern lang kasi ako kay Alexis dahil nawawalan na nga siya ng time sa kaibigan niya dahil sa lalaking iyan.




Hindi man sabihin ni Alexis pero alam ko nagtatampo na ito sakaniya. Isama mo pang may pag tingin siya sa Astrid na iyan.



𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now