FOOLISH HEART 35

271 18 0
                                    

ASTRID KEITH JONES



Ang sarap sa eyes, punong-puno ng pagkain bag ko dahil sa prize. Tapos nanalo pa ako ng cash, ang galing ko talaga.





"Diba mahal, hati tayo sa perang napanalunan mo?" Nakangiting saad ni Alexis.  "Pwede rin namang 200 pesos mo gawin nating 200 ko." dagdag nito pero inirapan ko lang siya.






"Guys, ito next game natin." Saad ni Maddie na nasa harapan.






Siya kase ang naka assigned sa palaro, ayaw niya maglaro eh.






"Card game tayo guys, alam niyo naman na siguro ito. Iyong card need mo lang ipasa sa kasama mo hanggang sa makarating sa dulo. So maglalaban-laban ang babae sa lalaki." Paliwanag nito.  "Limang lalaki sa kabilang side, sa kabila naman limang babae okie?"






Nag sama-sama kaming mga babae, pinauna muna naming maglaro ang iba. Next game nalang kami ni Alexis, napagod ako sa laro kanina. Itong kasama ko napagod matalo.






Nagsimula na ang laro, both side ay lumalaban talaga para manalo. Kulang nalang ay maghalikan na sila para lang maipasa sa iba ang card.






"Bet ko ang larong iyan ah." Nakangising saad ni Alexis, kaya napairap nalang ako.






Natapos na ang laro, mga babae ang nakapuntos. Nagsi upo na ang mga unang naglaro kaya kami naman ang nag sitayo







Ito ang pagkakasunod-sunod namin, una si Dianne, Liliana, Alexis, ako at si Mariel sa dulo.






Nagsimula na ang laro, nahihirapang ipasa ni Dianne ang card kay Liliana dahil natatawa itong si Dianne. Kinakabahan ako dahil nagsisigawan sila, nakaka pressure!






Napag tagumpayan rin na ipasa ni Dianne ang card kay Liliana. Maingat na ipinapasa ni Liliana ang card kay Alexis. Dapat lang, kapag nagdikit labi nila, pag uuntugin ko talaga sila hanggang sa ma amnesia sila.







"Ingat sa pag pasa Liliana, andyan si Astrid." Natatawang wika ni Madelaine, kaya nag tawanan sila.






Muntik pa nahulog ang card dahil sa pag tawa nito, ang tagal! Liningon ko ang kalaban, nahihirapan din sila sa pag pasa ng card.






Nakuha na ni Alexis ang card kaya hinarap ko na ito, kukunin ko na sana ang card sa bibig nito nang biglang nahulog ang card, kaya nag dampi ang labi namin.





"OH MY GOOOOSH!"





"SHEEEEMAAAAY!"





"Pulutin mo na Alexis, bilis!" Utos ko rito kaya kinuha niya agad.





Linagay na nito ang card sa may bibig nya, linapitan ko ito upang yakapin ang leeg nito para makuha ng maayos ang card sa labi nito.






"OH MY G! AYAN NA NGA AT MAY PAYAKAP NA SI MS. JONES!"






"Hala! SPG!"





"Mga baklaaaa!"






Sigawan ng mga kaklase ko, pero hindi ko sila pinansin. Kailangan kong manalo, fried chicken ang prize dito.





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now