FOOLISH HEART 28

267 24 0
                                    

ASTRID KEITH JONES


6:30 A.M. na kami naka rating sa cemetery dahil hindi naman siya kalayuan, plus hindi traffic.


Tinungo na namin kaagad ang puntod ni Shin, nakasunod lamang kami kay Liliana hanggang sa huminto ito sa isang puntod at linapag nito ang tulips bouquet. Kaya linapag na rin namin ni Jade ang hawak naming tulips.



"Good morning, mi amore. Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo." Wika nito na may ngiti sa labi at umupo, kaya tinabihan namin ito.



Shinzō Mochizuki
Born: February 14, 200*
Died: February 14,201*


Basa ko sa lapida nito. what?! Namatay siya sa mismong birthday niya rin? Sa mismong anniversary din nila, at araw pa ng mga puso. Grabe naman iyon.



"Siya nga pala, mi amore. Kasama ko ngayon si Jade, at may bago akong kaibigan si Astrid." Hindi parin nawawala sa labi nito ang ngiti.




Halata sa mukha at ngiti niya na inlove na in love siya kay Shin.



Kinukwentuhan lang namin si Shin at tumagal din kami roon ng ilang oras. Bago napagpasiyahang umuwi na, dahil babalik din kami agad sa Manila.




MA. ALEXIS PENELOPE

"Akala ko wala na kayong balak na umuwi." Sagot ko sa kaharap kong bata ngayon, si Jade.



"Bakit? Ayaw mo na kami umuwi? Pinagpalit mo na ako no? May anak ka ng iba, no?!" Pinaningkitan pa ako nito, singkit na nga eh.



"Yes, at saka sawang-sawa ako sa pagmumukha nyong tatlo eh."



"Sus, selos ka lang eh. Aminin, nagsiselos ka ano? Halika ienroll kita sa JRU" Madudang saad nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.





Anong nagsiselos?




Anong JRU? Pinagsasabi niya?




Kanina pa ako inaasar nito na kesyo nagsiselos daw ako kay Liliana na yon at kay Astrid. Pft, pagbuhulin ko pa silang dalawa.





"Umamin ka na kase, Gorl. Halatang nagsiselos ka sa dalawa." Sabat ni Maddie. Isa pa ito, ilang araw na ako inaasar.





Sinusumpa ko siya na wala siyang maging end game sa buhay.





"Hindi nga ako nagsiselos. Ano naman pakealam ko sa dalawang yon." Inis na wika ko kase napipikon na ako kanina pa.




"Lexi, kulang nalang letter P sa damit mo." Tatawa-tawa na saad ni Jade kaya napatingin ako sa damit ko.




Ilang minuto pa bago ko nagets ang sinasabi nito. Gago talaga. Naka suot kase ako ng T-shirt na color orange. Ginawa pa akong Prisoner.




May biglang nag flash kaya napapikit ako dahil ang sakit sa mata.





"Ano pwede icaption dito, Jade?" Malokong tanong ni Maddie at pinakita nito ang nasa phone nya.





"Hmm" nagiisip din pala ang batang ito. "Caption mo nalang 'Orange' " sagot ni bata.





Ang iksi talaga mag captipn ng batang iyan, minsan color kadalasan naman emoji lang ang caption sa mga pinupost.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum