FOOLISH HEART 25

309 24 0
                                    

ASTRID KEITH JONES

Hindi ko mahagilap si Alexis. Aayain ko sana siya na sumabay na saakin na kumain, kaso kaasar.





Nakakainis isipin na baka magkasama na naman sila ng  Madelaine na iyon. Sarap nilang pag buhulin na dalawa.






Magisa ko tuloy kakain ngayon. Wala masiyadong studyante dahil hindi pa naman break time. Vacant kase namin kaya rito muna ako sa cafeteria.





"Astray dog!"






Tawag ng kung sino kaya napalingon ako rito.  "Yieeee! Inaamin niyang astray dog siya kase lumingon." Katyaw nito kaya linapitan ko ito para mapatay ko na siya.






"Problema mo, ha?" Taas kilay na tanong ko sa batang kaharap ko.





"Walaaa! Gusto ko lang sabihin na rito ka na sa table namin kumain." Wika nito kaya inirapan ko muna ito bago umupo.





Nagsimula na akong kumain dahil kanina pa ako nagugutom.






Hindi ako nabusog, dahil si Jade talaga nakinabang sa pagkain ko. Ang yaman yaman di makabili ng sariling pagkain.






"Ayaw mo na, Liliana?" Tanong nito kaya napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko itong tumango kay Jade, kaya tuwang-tuwa ang batang kunin ang pagkain ni Gabriella.






Ngayon ko lang napansin na kasama pala namin siya. Ang tahimik niya kase talaga, kung ano ang kinaingay ni Jade, siya namang kinatahimik niya.




Buti hindi ito nahahawa sa katarantadohan ng kaibigan niya? Pinagtitripan din kaya siya ni Keizel minsan?





"Hi, Gab." Nakangiting bati ko rito dahilan para mapaangat ito ng tingin.





"Ashtwid, downt kowl her-"





"What?! Don't talk when your mouth is full." Asar na bawal ko rito kaya humingi ito ng pasensya.  "Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko rito.




Naalala ko tuloy sakaniya si Alexis. Ayaw na ayaw rin kasi ni Alexis na nagsasalita ako ng may lamang ang bunganga ko.






"Sabi ko, wag mo siya tawagin na Gab or Gabriella. Tawagin mo nalang siyang Liliana" magalang na saad nito.






"Ha? Eh, Gab gusto ko eh. Ang haba kase ng name niya." Naguguluhang sambit ko.






"Basta! Liliana or Li Or Ana nalang tawag mo." Pagpupumilit nito kaya tumango nalang ako.



Bakit naman kaya?


"I--its okay, if mas prefer n-niya ta--tawagin akong G-Gab." Saad ng nasa gilid ko.





"Are you sure, Liliana? Wag m-"





"No, it's o-okay, Jade." Pilit na ngiti nito.





Naguguluhan ako sa dalawang ito.





Bumuntong hininga si Jade kaya napatakip ako sa ilong ko.  "Grabe ka naman, Astrid!" Nguso nito kaya natawa ako. Bilis talaga mapikon ng batang ito.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now