FOOLISH HEART 27

276 23 0
                                    

ASTRID KEITH JONES

Tulala kaming tatlo-- dalawa, kaming dalawa ni Liliana rito sa loob ng sasakyan.

Kaming dalawa lang ang nakatulala, dahil iyong batang kasama namin ay tulog na naman.


Paano ba naman kase! Ala una na ng hapon noong nagising kami! Imbis na 1 A.M. kami magising, naging 1 P.M. sa hindi ko malamang dahilan.


Kaya ito kami ngayon, bangag na bangag. Mukhang gagabihin pa nga kami ng dating sa Baguio dahil traffic pa ngayon. Kung sinuswerte ka nga naman.


"Akala ko kase 1 A.M. ang naset ko sa alarm. 1 P.M. pala" wala sa sariling sabi ng katabi ko.



"Bobo ka kase" tulalang sagot ko rito.



Nagmamadali kaming magsi ayos kanina. Sa Jollibee nalang kami kumain, iyong nadaanan namin kanina lang.


Nang maka recover na kami sa katangahan namin, nagkuwentuhan nalang kami ni Liliana dahil parehas kaming hindi makatulog.



"Kpop fan iyan si Jade, Lyvhie at Shin. Ako naman wala akong kahilig hilig sa nga ganiyan until noong nakilala ko si Shin." Kwento muli nito. Alam kong Kpop fan ang batang yan, kaya magka sundo si Jade at President Zyreign.



"Ang hilig ko lang noon ay maglaro sa computer shop. Dati naglalaro lang ako sa computer shop, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Panonood na ng mv ng kpop ang pinupunta ko sa computer shop nila Jade noon."



Bet na bet ko talaga ang love story nilang dalawa. Ganiyan din kami ni Alexis noon tambay din kami ni Lexi sa Computer shop noong Junior High School kami.

-

Hinila ko ang isang upuan at tumabi kay Alexis.


Narito kami ngayon sa Computer shop, wala kaming pasok kaya rito muna kami tatambay.


"Mahal, may na discover akong kanta. Narinig ko lang ito na pinatugtog ni Zyreign, ang ganda kase." Sabi nito at busy sa pagkalikot sa computer.


"Korean na naman iyan, no? Nahahawa ka na sa kaibigan mong iyon, baka mamaya mag korean ka bigla riyan di na kita maintindihan." Reklamo ko kaya natawa siya.


"Baliw hindi ah. Nagandahan lang talaga ako, kantahin ko para sayo." Sabi nito at nag search sa YouTube.


"Ito, Adore You ng iKON. Ang ganda nito promise." Sabi nito.


Nagsimula na ang kanta kaya sinabayan niya ito. Kabisado niya nga talaga.


Ngumiti ito saakin at yumakap. Kumakanta parin ito kaya hinayaan ko na lamang siya.


Napangiti pa ako dahil sa ka sweet-an ng babaeng ito. May pa halik pa kase sa pisngi ko, eh!


Pagkauwi nga namin galing sa computer shop ay pinakinggan ko ulit ang kantang iyon.

-

"May isa siyang paboritong kanta. Talagang kinabisado ko iyon, hindi naman korean ang first language ko kaya bulol bulol ako noon." Sabay kaming natawa dahil sa sinabi nito.


Relate na relate talaga ako sa mga sinasabi niya. Nakakabulol naman kase talaga, ang pinagkaiba lang namin sa Japanese songs ako mahilig.


"Ano ba iyong paboritong kanta niya? Prinactice mo iyon para kantahin sakaniya?" Tanong ko rito dahilan para tumango siya. Sabi ko na nga baaaa!


𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now