FOOLISH HEART 26

343 28 2
                                    

ASTRID KEITH JONES

Hindi kami natuloy na magpunta sa Baguio noong isang araw. Nagka emergency kase kila Keizel kaya hindi kami natuloy, hindi naman namin pwedeng iwan iyong batang iyon baka maglumpasay bigla.






"Hey wǒ cónglái méi xiǎngdào gǎnjué yǒudiǎn wéimiào
Kànzhe nǐ de liǎn quán shìjiè dōu yǐ wúguān jǐnyào" Pagkanta ni Keizel dito sa harap namin habang naglalaro ito ng lego.





Maayos naman pala ang boses nito kapag seryosong kumakanta. Kaya nya kaya bumirit?





Tinignan ko naman ang katabi kong si Liliana na ngiting-ngiti habang pinapanood si Jade.  "Ngiting-ngiti ka riyan ah" wika ko dahilan para mabaling ang tingin nito saakin.





"Naalala ko kase si Shin sakaniya." Nakangiti paring wika nito.  "Parehas silang paborito ang kantang iyan. Naririnig daw kase niya ang kantang iyan kay Keizel kaya naging paborito niya ang ganda raw kase." Kwento nito kaya napangiti ako.





Sa mga nag daang araw na magkasama kami, marami na akong nalaman tungkol sakaniya at tungkol na rin sa karelasyon nito.







Nakuwento niya saakin na kaya Shinzō ang pangalan ng girlfriend niya, dahil ang meaning ng Shinzō sa Japanese ay "Heart". Kaya raw Shinzō ang pinangalan sakniya dahil pinanganak ito noong February 14, tapos noong pinagbubuntis daw soya ng mama niya, laging cravings nito ay mga pagkaing hugis puso. Wow






Iyon daw ang dahilan kung bakit Shinzō ang pinangalan sakaniya. Grabe naman iyon, ang ganda ng kwento kung paano at kung bakit Shinzō ang naging pangalan niya.





Ako kase trip trip lang yata nila mommy ang name ko eh. Hmp!





"Hey wǒ zhēn de bù zhīdào ài zěnme bàn cái hǎo
Jiù bǎ nǐ bào láo ràng yínhé shǎnyào yèkōng de měi yījiǎo" Hindi parin pala talaga tapos kumanta ang batang ito.






Chinese yata ang kantang iyan. Fluent siya mag chinese. Tanga, malamang Chinese yang kaibigan m.




Napasapok nalang ako sa aking noo. Paanong hindi ko makalimutan na Chinese ito, eh hindi naman siya mahilig magsalita ng lenggwahe niya.





"Ang paboritong bulaklak niya ay tulips, nalaman ko iyon dahil kay Jade. Dahil si Jade, Lyvhie at Shin ang close talaga noon. Si Shin at Lyvhie kase ay magpinsan." Paliwang nito.





"One time nagpunta ako kila Jade. Doon ko siya unang nakita, na love at first sight ako sakaniya." natatawang sabi nito kaya natawa na rin ako.  "So ayon, tinanong ko kay Jade kung sino iyon ayon nga sabi niya Shinzō raw ang pangalan. Lahat inalam ko tungkol sakaniya, pati paborito niyang bulaklak inalam ko."






"So, ayon noong nalaman kong panorito niya ang tulips. Iyong allowance ko noon binibili ko ng tulips. Palagi rin akong maaga pumasok noon para mailagay sa Locker niya ang bulaklak na binili ko. Nahihiya kase ako na iabot iyon ng personal sakaniya."  Kakamot-kamot sa ulong saad nito.





Naalala ko tuloy si Alexis, ganiyan din kase si Alexis saakin. Ang pinagkaiba lang nila, si Lexi personal niyang binibigay saakin.






Namiss ko tuloy ang babaeng iyon, ilang araw ko na kase siya hindi nakikita, tapos iyong mga chats ko siniseen niya lang. Ano na naman kaya nangyari, akala ko ba okay na kami?






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now