FOOLISH HEART 13

258 28 2
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE


Ilang araw na ang nakalipas...




Ilang araw na ang nakalipas simula nong nangyari ang insidente sa park. Ilang araw na rin kaming hindi naguusap ni Astrid, pero wala lang yon sakanya.




Wala namang pakealam iyon sa nararamdaman ko.




"Alexis"




Gusto ko siyang lapitan at kausapin, pero mas pinapangunahan ako ng tampo ko.




Masama loob ko eh, ilang oras akong naghintay nong araw na iyon, pero hindi man lang ako sinipot.




Hindi pa siya nag text saakin na hindi pala siya sisipot dahil kasama pala niya si Bryce. Nakaka gago lang diba?




"Lexi"




Tapos malalaman ko nasa mall pala ito.




Ang masaklap kasama pa si Bryce. Umasa na naman ako.




Pinaasa na naman ako.




Nagmukua na naman akong tanga dahil sakaniya.



"Lexi rawr"




Sa ilang araw na nagdaan hindi rin ako nito kinausap, ano pa bang aasahan niyo? Ni ha, ho, hi, wala.




Wala akong natanggap maski sorry at explanation niya.



Noong umiwas ito, akala ko susuyuin ako. Iiwasan rin pala ako tsk. Astrid moments




"MARIA Alexis Penelope!"




Nabalik ako sa realidad dahil sa pagsigaw ni Mads.



Tinaasan ko ito ng kilay.




"Problema mo, beh?" Tanong ko rito.



"Kanina ka pa tulala dyan, baka ikaw ang may problema." Sagot nito saakin. "Ano na naman bang bumabagabag sa'yo?" Nagaalalang tanong nito, umiling lang ako rito.





"Wa--wala." Sambit ko at inayos na ang aking gamit dahil nag bell na. "Kita nalang ulit tayo bukas, Mads." Ngiti ko rito.




"Ingat ka ah? Baka madapa ka tatanga-tanga ka pa naman." pagbibiro nito kaya napairap nalang ako. Double meaning yata iyong TATANGA-TANGA na sinabi niya.




"Whatever, Madelaine." Usal ko at naglakad na palabas nang campus, maglalakad nalang ako pauwi tutal maaga pa naman.




Lumabas na ako nang convenience store dahil nabili ko na ang kailangan ko. Bumili kase ako ng chips at mogu-mogu.




Medyo dumidilim na kaya naglakad na ulit ako pauwi, medyo malayo pa ang lalakarin ko, hays! Pero okay lang nakaka enjoy naman maglakad kapag ganitong oras.




Napatingin ako sa gilid ko dahil may sumabay sa lakad ko.




Nag angat ako ng tingin rito, halos makalimutan kong huminga dahil sa kaharap kong tao ngayon.




"H--hi? Buti nahabol kita. Ahm..." Saad nito, Iniwas ko ang tingin ko rito sa di ko malaman na dahilan.




"So--sorry pala sa di k-ko pag sipot sa--sayo." Sincere na wika nito.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now