FOOLISH HEART 09

309 26 1
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE

When I saw you
I knew you were the one
The love that I'd been
Dreaming of



Nakasakay ako ngayon sa aking mio, tinatahak ang daan papunta kila Astrid.




Nangungulila na naman ako sa mahal ko!




Nasa kabilang village siya, medyo may kalayuan sa amin. Nandoon daw ang mga pinsan niya dahil birthday nga ni tito Noah.



Imbitado ako siyempre. Kaya nga pupunta ako ngayon sakanila.




Hindi makaka attend sila mama dahil nasa Italy sila ngayon. Iaabot ko nalang ang gift nila mama para kay tito Noah.




'Cause I've been waiting for you
All my life
For somebody who
Makes me feel the way I feel
When I'm with you baby
Have you been waiting too
'Cause I've been waiting for you



Sinasabayan ko ang tugtog. Naka airpods ako ngayon, para hindi Hassle.



Hayy salamat narating ko rin ang bahay nila.




Pinark ko muna ang aking sasakyan at kinuha ang mga gifts.




Pagharap ko ay may nakita akong magandang babae na nakatayo sa may gate nila mahal.




Ngumiti ito saakin kaya ginantihan ko ito.




"Ikaw ba iyong Alexis?" Tanong nito kaya tumango ako.  "Tara sa loob nandoon sila tito." Iginaya ako nito sa loob ng bahay.





"Tito! Happy birthday po" nag mano ako rito pati na rin kay tita Eurica. "Pinapamigay po nila mama at papa, tapos ito naman gift namin ni Alexandra." Masayang inqbot ko sakanya ang mga regalo.




Buong galak naman nitong tinanggap.




"Nag abala ka pa. O'siya kumain ka na riyan, si Astrid nasa taas." Sabi nito kaya tumango ako.




Simple lang ang handaan, hindi kase mahilig si tito sa magarbong handaan, iyon ang namana ni mahal.




Bat kaya hindi pa bumaba ang mahal ko?




"Thalia, asikasuhin mo muna nga si Alexis" saad ni tita.




Thalia pala name ng magandang babaeng kasama ko.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now