FOOLISH HEART 15

286 24 0
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You !)


ASTRID KEITH JONES



Nakarating na kami rito sa Cǎihóng, Narito na kami ngayon sa tutuloyan namin dito sa cǎihóng island Liningon ko naman ang kasama ko na tulala na nakaupo sa kama.




Inaalala parin yata n'ya ang naudlot n'yang panaginip kanina haha.



•••••

Nakapokus lang ako sa aking pagmamaneho, kung tatanungin n'yo kung kumusta ang kasama ko. Ito tulo laway parin sa pagtulog




Tahimik lang akong nagma-maneho ng bigla kong naapakan ng madiin ang break ng aking kotse. Wtf saan galing 'yon? Para akong hihimatayin sa nakita ko.




May bigla kaseng nalaglag na malaking ahas sa harapan ng kotse ko, napahawak naman ako sa aking dibdib. Pinapakiramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Shit




Nakita ko sa peripheral vision ko na muntik nasubsob si Alexis, mabuti nalang naka seatbelt ito. Kung hindi baka tumilapon na ito sa harapan. Nagaalala ko itong hinarap.




"A-are you o--ok Alexis? M-may masakit ba sa'yo?" Kabadong tanong ko rito




Ngunit hindi ito sumagot, nakatulala parin ito sa kawalan. Lalo akong kinabahan dahil sa kinikilos nito. Inalis ko ang aking seatbelt at linapitan ito.




"H-hoy ayos k-ka lang ba? S-sorry 'di ko s-sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin dito habang hinahaplos ang kanyang pisngi.




"May bigla k-kaseng nahulog na ahas sa may sinasakyan n--natin, k-kaya naman hindi k-ko sinasadyang maapakan ng b-biglaan ang preno. S-sorry Alexis." Dagdag na paliwanag ko rito





Nagaalala na talaga ako ng sobra, dahil hindi parin ako nito linilingon at sinasagot.




"Ehh! Nakakainis ka naman Astrid eh! Magkikiss na kami ni crush sa panaginip ko! Naudlot tuloy!" Mangiyak-iyak na reklamo nito.




Agad namang tumaas ang dulo ng aking labi sa sinabi nito, akala ko pa naman kung ano na nangyari sa babaeng 'to. Inaalala lang pala ang panaginip n'ya shesh.




"Akala ko pa naman kung ano nangyari sa'yo! Kaasar 'to." Inis na wika ko rito.

𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now