Chapter 3

36.9K 466 28
                                    

CHAPTER 3

"Thank you for coming Sir..." bati ni DJ sa customer nila sa McDo. Duty sya ngayon, pero hindi sya Crew sa Counter ngayon.

"Uy Gino, nabalitaan mo ba yung doon sa anak ni Senator?" napailing si Gino. May mga kapwa nya lalaki narin talaga na chismoso.

"Oh anong meron?"

"Eh diba yung chix, yun yung customer natin kagabi... Natulala ka pa nga sa ganda nung Mikaella eh, diba nasita ka pa ng boyfriend nyang mayabang?"

Hinarap nya ang katrabaho ng kunot noo "Nagtatrabaho ka ba talaga o nagbabantay ng kilos ng iba?"

"Ikaw talaga, nagtatanong lang naman ako. Pero alam mo naawa din ako, ang bata pa nung Mikaella na yun eh, ang ganda pa naman tapos pariwara ang buhay."

"Alam mo? Ganyan ang mga mayayaman. Walang magawa sa buhay, kaya ayun kagagawa nalang ng walang kwentang bagay." sagot ni Gino

"Baka di naman lahat..." parang di maniwalang sagot nito sa kanya.

"Oo, di nga lahat. Mga 99%"

"Alam mo Gino, minsan talaga napapaisip ako bakit parang badtrip ka sa mga mayayaman." sabi sa kanya ng katrabaho bago umalis dahil tinawag ng Manager nila.

.....................

"Mam Kaella, pinapatanong po ni Sir kung tapos na daw po kayo magligpit ng gamit nyo" si Aurora, parang alanganing nagtatanong sa kanya.

"Almost done,.. Pakisabi wag syang excited na patalsikin ako sa bahay nya." she hates her father for doing this. Alam nyang mali ang magulang pero di nya mapigilan bakit ganun nalang sya palayasin sa bahay nito.

She scanned her room. Malaki ito, may sariling banyo na parang isa pang kwarto ang size. May Macbook sya sa mesa, may iPad, may PC at may isang napakalaking kama.

Hindi nya alam kung kakayanin nya bang mabuhay ng 3 buwan kasama ang mga taong di nya kilala. Hindi nya alam kung makakasurvive ba sya? Pero iniisip nya parin kung paano sya makakatakas.

Kinuha nya ang dalawang maleta. Halos lahat yun damit, shoes at some personal necessity. Cellphone lang ang pwede nyang dalhin na gadget. At ten thousand pesos ang pera na ibibigay ng Papa nya. Magtatrabaho naman daw sya.

Tungkol sa pagaaral nya? Tuluyan na syang natanggal sa Carmen's High dahil sa ginawa nya kay Wendy. Kaya talagang sa Masantol ang bagsak nya.

Lumabas sya bitbit ang maleta. "Mam ako na po."

"I can manage..." ang totoo nabibigatan sya. Gusto nya lang ipakita sa Papa nya na kaya, kahit simpleng paghila lang ng maleta.

Nakita nya ang Papa nya na nakabihis. Naka maong pants with snicker shoes at polo tshirt na pinatungan ng leader jacket. "Ihahatid mo pala ako Dad... Talagang you really wanna make sure na di ako tatakas ah."

"Hindi sa ganun Kaella, I still wanna make sure na safe kang darating sa Masantol"

"Safe? Pero you're leaving me sa lugar na alam ng lahat ng 99% unsafe. Now you care for my safety?" napailing si Mikaella.

"Princess..." malambing na sabi ng Papa nya na agad naman pinutol ni Mikaella.

"Stop it Dad,. Excited na akong makita ang bago kung bahay. So let's go" sarkastikong sabi ni Mikaella at sumakay sa kotse, iniwan ang Ama.

Tahimik lang sa byahe ang mag-ama. Sa totoo nga eh, naiiyak si Kaella. She's a rebellious person but that won't make her heart a stone. It won't even guard her heart from fear.

Naramdaman nyang someone hold her hand. Napatingin sya sa kamay nya, papa nya ang may hawak sa mga kamay nya. "Mikay Im doing this because I love you"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now