Chapter 71

17.7K 203 46
                                    

Chapter 71

Maganda ang gising ni Kaella. Hindi nya alam bakit, was it because of Gino? Napanaginipan nanaman nya ito. Kayakap nya sa gabi.

Kinuha nya abg cellphone sa maliit na table malapit sa kama. "Shocks! 7am na pala" dali dali syang tumayo.

Nang makaprepare ay lumabas na sya. Naabutan nyang naguusap si Yuan at Don Juanito habang nagko-coffee..

"Goodmorning" napalingon ang dalawa sa kanya.

"Kaella, napagod ka ata sa byahe at nakatulog ka ng mahimbing" napangiti si Kaella sa sinabi ni Don Juanito.

"Oonga po eh..." hindi sya pinapansin ni Yuan. Anung problema nito?

"Magagahan ka na Kaella,"sabi ni Don Juanito. Tinawag nito ang kasambahay at ipinaghanda si Kaella. Nagpatuloy naman sa paguusap si Yuan at Don Juanito nakikinig lang sya.

"Wag ka magalala Yuan, mamasyal namn kayo ni Kaella mamaya, makikita mo rin ang kabuuhan ng farm"

Tumingin si Yuan kay Kaella. "Kaya po ba ni Kaella maglakad? Baka kasi mahirapan ang mahal na Princesa"

Hindi nakasagot si Kaella. Mas naalala nya kasi si Gino kapag tinatawag sya nitong 'Mahal na Princesa'. Uminom nalang sya ng kape,

"Iha, lagyan mo ng chocolate yang kape mo para mas masarap, ito may dalawa si Yuan na mga chokolate." nakita nyang naglabas si Don Juanito ng mga chocolates. Dala siguro ito ni Yuan from Australia.

"Favorite mo ang kape na may chocolate?" tanong ni Kaella kay Yuan. Umiling lang si Yuan as an answer.

Maraming similarities si Yuan and Gino, pareho silang masungit pero mas masungit si Yuan. Hindi nya alam bakit nagsusungit nalang ito ng ganito,

Maya maya namasyal sila sa labas. Magkasabay lang sila pero hindi sila naguusap. Busy si Yuan sa pagkuha ng pictures gamit ang DSLR nya. Si Kaella naman patingin tingin lang.

Nagulat si Kaella ng tumunog ang cellphone nya. Si Rj tumatawag. Sinagit nya agad ito "Hello?"

[How's my baby?]

"Im fine, namamasyal kami ni Yuan. Malawak pala ang property ni Don Juanito eh"

[Malawak talaga yan, pwede ka magpatayo ng mall dyan eh. Anyway, kumain ka na ba?]

"Oo, ikaw?"

[Hindi pa eh, kagigising ko lang. Napuyat ako sa ginawa kong presentation last night eh]

"Kumain ka na, tanghali na oh." sinusubukan nyang maging sweet sa boyfriend.

[Opo baby, kakain na po ako. Kinamusta lang naman kita bago ako kumain eh. I miss you]

"I miss you too..." si Yuan patuloy lang sa pagpipicture ng paligid. Naglalalkad parin sila.

[Bye, I love you baby]

"Love you too.,"

Binaba na nya ang phone. Si Yuan nakatalikod lang sa kanya kaharap ang bundok. Kinukuhaan nya ito ng picture.

"Kung kausapin mo bestfriend ko, parang hindi ibang lalaki ang tinatawag mo kagabi ah" napalingon sya sa sinabi Yuan.

"Anu?" ngumiti ng nakakaloko si Yuan at lumapit sa kanya.

"Rj ang pangalan ng boyfriend mo, hindi Gino" ramdam ni Kaella na napahiya sya kay Yuan

"Ah-" gusto ni Kaella magexplain. Pero hindi nya alam paano. Anung sasabihin nya? 'Hey Yuan, since you came mas namimiss ko ang ex boyfriend ko' ganyan ba?

"I really don't know paano nainlove sayo si Rj. Pero sana maalala mo na he is too good para lang lokohin mo. Hindi ang tulad mo ang bagay sa kanya."

Naiinsulto na sya sa sinasabi ni Yuan "Don't talk to me as if you know me"

"Kilala kita Ms. Madrigal, the spoiled brat, slum Princess? Hanggang Australia umaabot ang kalokohan mo dati..." he smirk "Pang ilan mo na ba si Rj?"

Masyado ng nanliit si Kaella sa sinasabi ni Yuan. Kaya hindi nya napigilan ang sarili nya na sampalin ito. Nagulat din si Yuan at napahawak sa pisnge na nasampal.

"You don't know anything about me, kaya wag na wag mo akong pagsasabihan ng kung anu anu.." naluluha na sabi ni Kaella.

"Hindi no alam ang mga pinagdaanan ko" umiiyak na si Kaella. At bago pa sya tuluyang magwala sa harap ni Yuan, tumalikod na sya at naglakad palayo.

Walang karapatan si Yuan na pagsalitaan sya ng di maganda, wala itong alam sa mga nangyari sa buhay nya.

Nagulat nalang sya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likod nya. Hindi nya alam bakit she felt comforted, kaya naiyak sya lalo.

"Im sorry..." bulong nito sa likod nya. Its Yuan. Iniharap sya nito kay Yuan.

Pinunasan nito ang mga luha sa mata gamit ang kamay nito. "Im sorry sa mga nasabi ko, I just..." nakikita nyang nanginginig din si Yuan.

He cleared his throat. "Nabigla lang ako." the way he caress her face, the way he look into her eyes,... Its familiar.

Niyakap sya ni Yuan. Isang mahigpit na yakap. "Hug can ease the pain, kaya you have to hug me even tighter, para malipat sa akin yung pain"

Napangiti sya sa sinabi ni Yuan. Kaya ginawa nya rin ang sinabi. Hindi naman siguro masama na pagbigyan ang sarili nya. After 6 years hindi nya naranasan ang ganitong klase ng favor.

Hindi nya alam gaano katagal silang nagyakapan. Basta ang alam nya Yuan grabbed her hand. "Halika mamasyal na tayo"

Without question sumama sya kay Yuan. Naglakad sila hand and hand, nakalimutan nya ang iba pa nyang mundo, ang alam nya lang kasama nya ngayon si Yuan.

Narating nila ang isang burol. Kitang kita mo duon ang kalawakan ng pagaari ni Don Juanito.

He spread his arms wide "I love this place!!" sigaw ni Yuan. Napangiti si Kaella kay Yuan. Para itong bata na nakawala sa kulungan.

Kaya kinuha nya ang camera ni Yuan at pinicturan ito. Siguro sya lang ang mayamang version ni Gino. Kung sya si Gino, masyang masaya sya, pero kung sya si Yuan may parte sa puso na handang handa na mahalin ito.

"Kaella, picture tayo." kinuha nya ang tripod ng camera nya na nakasabit sa bag nya.

Kung anu-anung shots ang kinuha nila. Para silang turista sa mga kuha nila na kitang kita ang maganda view ng San Isidro.

Nakangiting nakatingin sa mga pictures nila together. "Tingnan mo oh, ang cute natin dito"

Isa tong jump shot picture, "But this is my favorite." pinakita sa kanya ni Yuan ang candid picture ni Kaella. Maganda ang ngiti dito ni Kaella.

"Anung gagawin mo sa mga pictures natin?" hindi alam ni Kaella bakit yuna ng tanong nya.

"I will keep it forever Kaella,.. Forever"

-----------------------

Malapit na!!

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]On viuen les histories. Descobreix ara