Chapter 10

33.5K 391 14
                                    

CHAPTER 10

"Gino?" halos pabulong lang pero tama lang para marinig ni Gino kaya ginantihan sya nito ng isang totoong ngiti.

May mga pasahero pa ang sumakay kaya mas lalong nagkalapit sila. Si Mikay naguguluhan, bakit kakaiba ang kilos ni Gino.

"Manong Para..." sigaw ni Gino. Napatingin sya dito, ang lapit lang pala ng pupuntahan nito nag-jeep pa.

Nagulat sya when Gino holds her hands, "Honey, tara na..."

"Anong honey?!" sagot ni Mikay bago inilayo ang kamay nya kay Gino.

"Honey, sorry na sa nangyari... Wag ka na magtampo.. Dito na tayo bababa.." malambing na sabi ni Gino. Pinagtitinginan na sila ng mga pasahero.

Napatingin si Mikay sa paligid "Hindi naman dito ang baba ko ah... Naka drugs ka ba Gino?"

"Hind---" naputol na ang sasabihin ni Gino dahil kay Manong driver.

"Mga bata... Bumaba na kayo, may mga pasahero akong nahihintay.. Naku dito pa kasi nagaway" naiiritang sabi ni driver. Agad namang nakaramdam ng hiya si Mikay ng makita ang mga pasahero na nakatingin sa kanila.

"Halika na nga honey..." hinwakan ulit sya sa kamay ni Gino at hinila pababa.

Nang makababa sila, pareho lang nilang pinagmasdan ang jeep na kanina lang ay sinakyan nila ngayon ay paalis. Napatingin sya ng masama kay Gino...

"Ikaw, wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo.... Nakakainis ka..." sigaw ni Mikay habang pinapalo palo sa braso si Gino.

"Mikay, ano ba... Tama na." sagot ni Gino habang pilit na sinasangga ang masasakit na hampas ni Mikay.

"Aalis na ako,.. Talking to you is just a waste of time..." tumalikod na si Mikay at akmang papara pero pinigilan sya ni Gino.

"Anu nanaman ha? Ano bang trip mo?!" naiinis na sagot ni Mikay.

"Hindi ito trip o kung anong kalokohan man... Hinila kita pababa sa jeep dahil mali nanaman ang sinakyan mo. Kung hindi kita pinababa edi naligaw ka nanaman!!"

Natahimik si Mikay sa tuloy-tuloy na paliwanag ni Gino. Perp bigla syang may naalala "Eh bakit may pa honey-honey ka pa?! Ha?"

Gino smile widely "Uyyyy... Hindi nakalimutan ang honey.," panunukso kay Mikay. "...Aray!!" agad kasi syang hinampas ni Mikay.

"Ok, tinawag kitang honey para di nila ako mapagkamalang kidnapper na bigla nalang nanghahablot ng babae..." paliwanag ni Gino

"Eh bakit di mo nalang sinabi sa akin na mali pala nasakyan ko?"

"Dahil mapapahiya ka lang..."

"Bakit? Yung ginawa mo ba kanina hindi pamamahiya?"sagot ni Mikay.

"HINDI!! Sa gwapo ng tumawag sayong honey, hindi ka talaga mapapahiya..."

"Ang yabang mo talaga! Hatid mo na nga ako sa sakayan..."

"Halika..." naglakad sila papuntang pedestrian lane. Nang nag-green light na... Tatawid na sana sila kaya lang nagulat sya ng hawakan sya ni Gino sa kamay, as in holding hands type.

"Do you really have to hold my hands?" sagot ni Mikay.

Inangat naman ni Gino ang kamay nilang magkahawak. "Ito? Ang tawag dito 'gentleness' at ang may ari ng kamay na humahawak sa kamay mo ay 'gentleman'" di na sya pinasagot ni Gino at agad na silang tumawid.

Nag-aabang na sila ng masasakyang jeep. Hawak parin ni Gino ang kamay ni Mikay. "Alam mo Gino, you can freely let go of my hands na."

"Alam ko... Pero hindi pwede eh.."

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now