Chapter 84

18.3K 237 40
                                    

Chapter 84

"Alam mo Gino ngayon ko lang narealize na namiss pala talaga kita ng bongga." sabi ni Vicky.

Natawa lang si Mikay at Gino na halos di na mapaghiwalay simula ng magbalikan. Official na raw ulit sila. Kaya as a celebration nagdinner sila sa harap ng dagat.

"Ako namiss ko maging si Gino Dela Rosa. Namiss ko kumain ng lutong Pinoy, lahat lahat namiss ko"

Natawa yung dalawang babae "Hindi nga halata Gino, tingnan mo oh, ikaw nalang ang kumakain"

"Tapos na agad kayo?" nagulat na tanong ni Gino. Sa sobrang kwentuhan di nya napansin na sya nalang pala ang kumakain. "Parang ang takaw takaw ko naman..."

"Kumain ka lang..." sagot ni Mikay habang nilalagyan ng buko juice ang baso ni Gino. "Oh juice mo"

He grinned "Namiss ko rin magka girlfriend..."

"Hindi ka nagka girlfriend in seven years?" umiling si Gino bilang sagot sa tanong ni Mam Vicky. Si Kaella tahimik lang.

"Iba ka rin talaga Gino no? Iba ka umibig..." pagpuri ni Vicky kay Gino. Bigla namang sumingit si Kaella.

"Eh sino si Jannelle?" nabulunan si Gino sa sinabi ni Mikay.

"Oh uminom ka!" naiinis na sabi ni Mikay kay Gino. Uminom naman ito.

Si Vicky napailing lang. Alam nyang nagseselos si Mikay. Sa pagtaas palang ng kilay nito eh halatang nagselos na ito.

"Mikay? Selos ka?" nakangiting sabi ni Gino. Isang bagay atang di nawala kay Gino ay ang talent nyang magpa-cute. Effective as ever.

"Hindi no!" sagot ni Kaella at ininom ang buko juice nya.

Nakangising tinusok tusok ni Gino ang pisnge ni Mikay "Nagseselos mahal ko..."

"Stop it Gino..." naiiritang sabi ni Mikay.

"Kinikilig naman ako at nagseselos ang girlfriend ko." sabi ni Gino with a giggle.

Si Mam Vicky natatawa lang sa dalawa. Di na sya umiimik at pinanood nalang ang dalawa. Masyado na syang na out of place eh. Baka mas mapahiya sya kapag nagsalita pa sya.

"Gino ang kulit mo..." hindi kasi sya tigilan ni Gino sa pangungulit about 'SELOS'

Yinakap ni Gino si Mikay from his side kahit alam nyang naiirita sa kanya ang girlfriend.

"Hindi ko kilala si Jannelle..." napalayo si Mikay sa sinabi ni Gino. Anung di kilala ang pinagsasabi nito? Eh kausap nya nga lang nung papunta sila sa San Isidro.

"Gawa-gawa ko lang si Jannelle... Imaginary friend?" biro nya pa.

"Eh sinong tumawag sayo?"

"Frank call lang yun. Eh sakto nagselos ako sa.inyo ni Rj. Sa harap ko pa kasi kayo magyakapan... Kaya ayan, nabuhay bigla si Jannelle"

"Totoo ba yan?"

"Oo naman! Kahit tanungin mo si Rj, wala akong kilalang Jannelle"

Natawa si Mikay. She holds Gino's face with her two hands. "Sorry..."

Nag nose to nose pa ang dalawa. Makikita mo yung saya na parang matagal na natago. Ngayon, kaya na nilang ilabas.

"Ehem" Mam Vicky cleared her throat.

"Ate Vicky ha,... Nakakarami ka na ha. Panira ka ng moment." reklamo ni Gino.

"Eh kasi naman, try to consider my feelings. Tatlo tayo dito, hindi lang kayong dalawa ha? Okay lang mag ganyan ganyan kapag may ka date din ako"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now