Chapter 86

17.3K 187 25
                                    

Chapter 86

"Sir Yuan, kinuha na po ng Engineer ni Doctor Torres kahapon yung blueprint,"

Nagrereport ang Secretary nya ngayon, iniwan nya kasi dito ang trabaho ng ilang araw dahil sa wala syang gana magtrabaho dahil sa broken hearted sya.

And since ayos na ang puso nya, inspired na syang magtrabaho ulit. "Inform Dominic na yung pinapaayos ko na blueprint ipresent nya tomorrow morning"

Pero kung papipiliin sya. Mas gusto nya mag stay sa bahay kasama si Mikay. Pero mas mahalaga ang mangyayari ngayong araw, at mas mabuting nasa bahay lang si Mikay para in case na magka gulo, hindi na ito madamay.

Umupo sya sa table nya matapos magpasalamat sa Secretary. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Erick.

"Anung balita?"

[Boss, parating palang si Vice.]

"Okay, pupunta na ako dyan. Keep me updated and make sure na everything is under control. Okay?"

[Sige boss, pero Boss sabi ng Asset natin may bumibisita ng madalas kay Lady G sa kulungan ah. Sinundan nila kung saan umuuwi pero niligaw sila nito eh]

Alam nyang mahirap kalabanin si Lady G. Isa ito sa powerful na taong nakilala nya, at isa rin ito sa pinaka magaling magpaikot ng tao. Kaya nagaalala sya sa kalagayan ng Papa nya na ngayon na susuko.

"Erick, siguraduhin nyo ang safety ni Papa. Nakikiusap ako sa inyo, kayo lang ang maasahan ko. Pati sina Tita Helen at Jao. Pati si Julia, naayos nyo ba ang security"

[Ayos na boss, okay na ang lahat.]

"Salamat Erick"

Nagpaiwan narin sya ng security sa bahay nya para bantayan si Mikay, at hindi yun alam ni Mikay. Ayaw nya kasing matakot si Mikay o mag alala man lang.

"Pia, wala naman akong meeting and appointments, kaya aalis muna ako. Just call me kapag nagka problema."

"Sige po Sir"

Sasamahan nya ang Papa nya sa haharapin. Alam nyang magiging magulo, pero gagawin nya ang lahat wag lang mapahamak ang Papa nya o kahit sino sa mga mahal nya.

Habang nagmamaneho sya, biglang nagalarm ang cellphone nya. Isa pala itong reminder ng plans ng Radical Group. Sa bawat plano kasi nito ay minsan kina counter attack nya.

Pero dahil ngayon ay hindi na matutuloy ang pagpatay sa Presidente dahil wala ng myembro, ang iisipin nalang nya ay ang Papa nya.

Isa lang naman ang panalangin nya eh, yung maintindihan sila ng lahat, lalo na ng mga taong malapit sa kanila. Lalo na si Mikay at ang Presidente.

------------------------------

"Mikay bakit ka ba natataranta?" tanong ni Vicky. Nagpasundo sya dito sa bahay ni Gino at nagpasama sa Malacanang.

"We have to save Papa, ngayon sya ipapapatay ng mga kalaban nya, and... And sad to say... Kabilang doon si Gino"

"Sinong Gino?" tanong pa ni Vicky

"Gino Dela Rosa." mahina nyang sabi habang seryosong nagmamaneho. Nahampas nya ang manebela sa inis.

"I hate this... I can't believe na magiging ganito si Gino. Hindi ko alam ang nangyari seven years ago, pero he has no right to do this"

"Naguguluhan ako," yun lang nasabi ni Vicky.

Pinaliwanag lahat ni Mikay kay Vicky na si Gino ay myembro ng Radical Group at isa sa mission nila ay ipapatay ang Papa nya. Pinakita nya rin dito ang mga ebidensya.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon