Chapter 80

17.8K 213 25
                                    

Chapter 80

Tahimik na naguusap ang magama sa sala. Si Gino, si Jao at ang kanilang Ama na si Henry Alvarez.

Hindi umimik si Henry ng marinig ang balita ni Gino na alam na ni Kaella kung sino talaga si Yuan Alvarez.

"Alam mo anak, noong nakita kita na kasama si Kaella sa Malacanang to handle the Housing Project, gusto ko gumawa ng paraan wag lang yun matuloy."

"Alam ko kasi na magiging problema natin yun eh. At isa pa pwede kang mas masaktan sa mangyayari."

Nakikinig lang sya sa Ama. "Pero naisip ko, marami akong pagkukulang sayo simula bata ka. And I have to trust you on this, I know na you are intelligent enough to control whatever things might happen"

"Pero alam mo Gino,.. I feel so bad." napatingin sya sinabi ng Papa nya. "I feel bad kasi pinagdadaanan mo to ngayon"

"...kung sana..." hindi na naituloy ng Papa nya ang sasabihin dahil nagsalita na si Gino.

"Pa, you made made mistakes, pero giganawa mo naman ang lahat para maitama ang lahat lahat, yun naman ang goal natin sa plano diba? "

Napangiti ang Papa nya. "Alam mo, isang bagay ang pinagpapasalamat ko sa Dios ay ang pagkakaroon ng mga anak na katulad nyo ni Jao. I don't deserve your love, pero hindi nyo ako iniwan"

"Syempre naman Dad, magkaroon ka ba naman ng gwapong mga anak," singit ni Jao.

Support. Yan ang ginawa nila, they kept on supporting each other, kahit alam nilang kinakaharap nila ang isang malaking pagsubok sa Pamilya nila.

Pero hindi akalain ni Gino na sa kabila ng mga malulungkot na pangyayari sa buhay nya, may isang bagay ang nangyari- yun ay ang makilala nya ang Papa nya ng sobra may bonus pa dahil minahal din sya ng kapatid nito.

Hindi perpekto ang Papa nya pero nakita nya paano ito nagsisikap na maitama ang lahat. Kahit kapalit nito ay ang buhay nya o ang pangalan nya.

"Tito Henry, Jao and Gino... Ready na ang food. Let's eat"

Ito yung mga taong nanatili sa tabi nya nung mga panahon na halos gulong gulo na sya sa buhay nya. Sa mga panahon na hirap na hirap sya na malayo kay Mikay. Sa mga panahon na pakiramdam nya buong mundo pinaglalaruan lang sya.

FLASHBACK

"Anong gagawin nyo sa akin?" tanong ni Gino sa mga tao sa paligid nya.

Ngayon lang sya nagkaroon ng malay matapos mabaril. Nagising sya sa isang kama at nagamot na ang mga sugat nya. At kahit masakit parin ang mga ito at nanghihina sya, gusto nya gumawa ng paraan para makatakas.

"Mga kakampi mo kami Gino..." sabi ng isang lalaki na hindi nya alam kung sino.

"Kakampi?!" sigaw ni Gino. Hindi nya alam saan nanggaling ang lakas nya sa pagsigaw.

"Kung kakampi ko kayo, bakit kasama nyo yang taong yan?" turo nya kay Henry Alvarez "Yan ang nagpapapatay sa akin"

"Makinig ka muna sa amin Gino," yan ang sabi ng isang lalaki. "Makinig ka sa mga sasbaihin ng Papa mo"

Gusto nyang sigawan pa ang mga ito pero wala na syang makuhang lakas. Sumasakit pa ang sugat nya sa dibdid.

"Gino, myembro kami ng Radical Group." simula ng Papa nyang si Henry Alvarez.

"Pero kami ang mga miyembro na gusto ng kumawala sa grupo. Pero hindi ganun kadali ang lahat. Because being with the group is like selling your soul to a devil" nakikinig lang sya, pero wala syang makapa sa puso nya na naniniwala sa mga ito.

"Ang Papa ko, ang Lolo mo Gino.. Isa sya sa founder ng Radical group na to."

"May nagawa ang Lolo mo na against sa grupo at sa kamaliang yun, at naging kabayaran nun ay ang pamilya nya. Kami yun ng Lola mo"

"Kailangan naming manatili sa grupo dahil alam na nila na may alam kami. At hindi na nila kami papakawalan."

"Hindi ko na nagawang ipaalam na may isa pa akong anak at ikaw yun dahil ayaw kung madamay ka pa at ang Mama mo. Kaya sila Jao, pinapunta ko sa ibang bansa."

Hindi nya alam kung anong magiging reaction nya sa mga sinasabi sa kanya, maniniwala ba sya o hindi?

"Kanina sana namin ilalaglag ang Radical Group. Kahit alam nilang kasama kami sa pagplano nito, hindi nila alam may counter attack kami. Pero nung nalaman mo yun na isa ako sa nagpapapatay sa Presidente, kailangan naming ipagpaliban ang plano"

Huminto ng bahagya ang Papa nya sa pagsasalita. Pero nagpatuloy din agad "Kami ang nagligtas kay Kaella ng ipadukot sya ng Radical Group. Pinalabas namin na mga agent yun ng Papa ni Kaella."

"Gino alam namin na isa kami sa masasamang tao dito sa mundo, isa kami sa salot sa lipunan. Pero gusto na naming kumawala. At ang tanging paraan lang ay ang ilaglag ang buong grupo."

"Handa kaming managot sa batas, pero hindi pwedeng kami lang. Dapat lahat ng salot ay managot."

Naguguluhan sya. Hindi nya ba alam kung maniniwala ba sya o hindi. Pero may parte sa puso nya na naniniwala sa Papa nya.

"Gino, alam ko naguguluhan ka pa. Pero for your safety kailangan nating palabasin na patay ka na. And magpaplano kami kung paano isa isang ibagsak ang Radical group, at doon pwede ka ng lumabas"

Kailangan nyang lokohin ang mga taong mahal nya, si Aling Belen ang tumayong Nanay nya, si Mikay na nagiisang babaeng minahal nya.

FLASHBACK ENDS

It took him a while para maniwala sa mga ito. Pero ang hindi nya matanggap pati buhay pagibig nya apektado. Alam nyang nasasaktan na ang girlfriend nya, pero hindi sya pwedeng kumawala.

Pero hindi nagtagal, naintindihan nya ang lahat. At mas pinili nyang maging parte sa pagbagsak ng tunay na kaaway.

That's the least thing that he can do para mabigyan ng justice ang pagkakalayo nya kay Mikay.

"Mga anak," simula ng Papa nila. Halos kakatapos lang nila kumain. "I will cherish every moment like this in my heart, alam ko na nalalapit na yung...."

"Pa..." pigil ni Jao. Lahat sila malungkot sa mangyayari sa mga susunod na araw.

"Mga anak, handa na ako. Handa na akong managot sa mga kasalanan ko."

Ito ang pasya ng Papa nya. At alam nilang pinaghandaan nya ito. Matapos unti unting nilalaglag ang mga kagrupo, sya ng huling susuko sa batas.

Nagawa na nilang pigilan ang Ama, pero buo na ang loob nya.

------------------------------

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now