Chapter 5

35K 422 13
                                    

CHAPTER 5

"Mikay, nagtext si Rosa. Next week ka na magsisimula sa trabaho mo sa shop."

Mikay narin ang tawag sa kanya ni Aling Belen dahil sabi narin ni Gino. And yes, she'll be working sa isang flowershop. Kaibigan yun ni Aling Belen.

"ah, ok.." sagot nya bago tumayo at akmang papasok muli sa kwarto.

"Hep hep hep.." pigil sa kanya ni Gino. "San ka pupunta Mikay?"

"Hindi mo ba narinig na next week pa ako magsisimulang magtrabaho? Kaya sa kwarto muna ako kesa tumambay dito sa sala kasama ka..."

Gino smiled at her with a grin "Nakalimutan mo na ba? Dito sa Masantol, hindi ka Princesa. Kaya, maghugas ka ng napagkainan"

Nagulat naman si Mikay. Never pa syang nakakapaghugas ng plato. Hindi nya alam ang gagawin nya, hinahanap nya si Aling Belen to save her..

"Wala si Nanay remember? May labada, kaya wag kang maghintay ng matatanggol sayo"

Paano naman kaya nalaman ni Gino na yun ang hinihintay nya? "You know what? You're unbelievable..."

"Wag mo akong daanin sa pa-engles-engles mo, maghugas ka na ng plato at ihahanda ko pa ang mga gagamitin mo sa paglalabada."

Nagulat nanaman si Mikay "Labada? Eh malinis pa ang mga damit ako ah..."

"Eh yung sinuot mo kahapon? At paano kapag magisa ka dito next week at wala ka ng damit?edi hindi ka marunong maglaba, anu gagawin mo?Uulit ng damit..."

"Hoy, hindi ako ganun ha..." sigaw ni Mikay.

"Maghugas ka na nga ng plato, pinapahaba mo pa ang usapan eh... Nasasayang lang." at tinalikuran nalang sya.

No choice nanaman sya, maghuhugas talaga sya ng plato. Pagpunta nya sa maliit na kusina, gawa ito sa sementong lababo, pero hindi naka-tiles. Wala rin itong gripo. May isang malaking tumbler lang ang nasa may kanang sahig ng kusina.

"Papa, I really hate you for this!!"

............................

"Gino lasing ka ba?" tanong ni Aling Marian sa kanya. Nasa tindahan sya nito.

"Aling Marian naman, syempre hindi"

"Eh bakit parang lasing ka... Sabihin mo ba namang nasa bahay nyo ang anak ni Senator, talagang lasing ka"

Hindi dahil chismoso sya kaya sinasabi nya kay Aling Marian ito. Sinabi nya yun para paalalahanan sya na ituring na ibang tao si Mikay, para narin sa kaligtasan ni Mikay. Alam naman nyang hindi ito maaalala o makikilala ng lahat, pero alam nyang si Aling Marian makikilala talaga sya.

"Pero kagabi ng namili ako ng paninda ko sa bayan, may dalawang magarang kotse ang galing dito sa lugar natin." sabi ni Aling Marian

"Yun na siguro ang sasakyan nila, wala kasi ako dito ng dumating sya eh..." sagot ni Gino

"Naku, baka maging problema natin yan dito. Mukhang pasaway yan eh..."

"Hindi yan,. Basta wag lang ituring na Princesa, basta dapat chill lang, at wag nyo naman ipagsabi. Basta, kung anu sya sa ipapakilala ko, sya yun. Wala ng iba."

"Ok sabi mo eh... Teka, anu ngang binibili mo?" tanong ni Aling Marian.

"Isang bar ng tide,."

Nagtaka si Aling Marian, "Maglalaba ka? Eh diba tuwing Sabado at Miyerkules ka naglalaba? At hindi ka maka-Tide, maka Champion ka"

"Para po yan kay Mikay. Maglalaba sya. At tide kasi hindi yan masyadong nakakapamalat ng kamay"

Ngumiti si Aling Marian ng ngiting pangasar "Akala ko ba wag ituring na Princesa, eh ikaw naman ang nagtatratong Princesa"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now