Chapter 82

17.4K 261 42
                                    

Chapter 82

Kinakabahan syang buksan ang envelope. Pero ng mabuksan nya ito, she doesn't know what to do anymore. Isa itong title ng bahay.

"Kaella, this house is yours. I wanna give this to you as my ring. Marry me Kaella"

Mas nagulat sya sa sinabi ni Rj. Kasal? Inaalok sya nitong magpakasal and this house and lot? Yung bahay na pinapagawa nya, naka pangalan na sa kanya.

"Rj..." hinawakan agad ni Rj ang kamay.

"Kaella, I can make you happy. I can love until the day I die. I will serve you and I will give you anything you want.. Just marry me. We'll be happy together"

"Rj, you have to know something..." nilalaksan na ni Kaella ang loob nya. She has to face this.

Nakita nyang lumungkot ang mukha ni Rj. And ngayon palang naawa na sya dito. Pero kailangan nyang harapin ito, masyado ng maraming nasaktan.

"Rj kasi..." hindi na sya natuloy sa pagsalita dahil inunahan na sya ni Rj.

"You're inlove with my bestfriend..." malungkot na sabi nito

----------------------------

"Sabi ko na eh, problema talaga ito eh." sagot ni Mam Vicky habang ginagamot ang sugat ni Yuan "Ikaw naman kasi Gino, bakit di mo sinabing buhay ka pa eh sana hindi na nagemote ng bongga si Kaella at nadamay pa pati si Rj."

Hindi na sumagot si Gino sa sinabi ni Mam Vicky, iniba nalang nya ang usapan "Wag mo din diinan, ang sakit kaya"

Kanina pumunta si Rj sa bahay nya. Walang imik ito, peo hindi nagtagal lumabas din ang nararamdaman nito. Sinuntok nya si Gino.

Hindi sya lumaban, alam nyang may karapatan si Rj na saktan sya. Pero akala nya dahil alam na nya ang tunay na relasyon nila ni Mikay, pero iba pala ang interpretation nya rito.

FLASHBACK

"I trusted you Yuan because you're my bestfriend! Pero anung ginawa mo? Inahas mo ang girlfriend ko!"

"Hindi ko inaha---" hindi pa sya tapos magsalita pero nakatanggap na ulit sya ng suntok mula kay Rj.

"Magdedeny ka pa?!" tinapon nya ang isang folder kay Yuan. "Yang mga papel na yan hindi nagsisinungaleng"

Binuksan nya ito. Napapikit sya sa nakita. Nakita nya ang title ng bahay nya na nakapangalan kay Mikay. Kaya pala hinahanap nya ito sa office nya pero hindi nya makita.

"I can explain bro..." sabi nya. Kahit masakit pa ang bibig nya sa suntok ni Rj.

Alam nyang galit si Rj and he is pacing back and forth sa harap ni Gino, alam nyang nagpipigil to ng galit. "Yuan, pinagtakpan kita for your safety, kahit hindi ko alam ang reason bakit kailangan, pero ginawa ko dahil magkaibigan tayo..."

"...bakit ganito?" naiiyak na si Rj "Akala ko ba yung Mikay yung mahal mo? Bakit.. Bakit yung girlfriend ko na?"

Nakatayo na si Yuan. Naguilty sya kay Rj. Totoo ang sinasabi nito. Pinagtakpan sya nito. Pinaniwala ni Rj ang marami na magbestfriend sila since bata pa sila. Kahit hindi nya alam yung buong dahilan.

"Bro, hindi ko ginusto na iisang babae lang ang minahal natin." panimula ni Yuan "...si Mikay.. Bro si Mikay at si Kaella ay iisa."

Saglit syang natigilan si Rj. Pero umiiling iling si Rj. Parang di nya matanggap ang narinig "Hindi yan totoo..."

"Totoo ang sinasabi ko..." isang suntok lang ang natanggap nya kay Rj.

"Rj! Totoo ang sinasabi ko!!" nilaksan na nya ang boses pero umalis si Rj hindi sua pinakinggan.

FLASHBACK ENDS

"Para namang teleserye ang story nyo..." sabi ni Mam Vicky matapos marinig ang kwento ni Gino "Pero nagaalala ako kay Kaella, baka saktan sya ni Rj"

"Naisip ko rin yan, pero si Rj yun. Mabuti syang tao. At hindi nya kayang saktan ang babaeng mahal nya.

"Pero sana, bigyan nya kami ng pagkakataon ni Mikay."

-------------------------------

Tumingin si Rj sa malayo. Ramdam nya ang sakit. Yung babaeng pinakamamahal nya, may mahal ng iba at bestfriend nya pa.

Nuong hinatid nya si Yuan sa kwarto dahil sa kalasingan, nakita nya ang mga nagkalat na papel sa kwarto. Niligpit nya ito and unfortunately nakita nya ang title ng bahay ni Yuan.

Nung nasa dagat sila, alam nyang may sasabihin si Kaella. Kinakabahan sya baka makipaghiwalay sa kanya si Kaella. Kaya mas pinili nyang iwanan silang dalawa at sumama sa kasambahay.

Naisip nya kasi na kailangan nilang magusap, baka sakaling magkalinawan. Nagtitiwala sya na pipiliin sya ni Kaella. Pero hindi mawala sa kanya na ihanda ang sarili sa posibilidad na uuwi syang sawi.

Kaya sobrang saya nya ng sumama sa kanya si Kaella. Buong akala nya sya ang pinili nito, pero ngayon mukhang malabo na iyon.

"Rj, Im sorry... But if you're thinking na niloko ka namin... Nagkakamali ka" naiiyak na si Kaella

"Ikaw si Mikay..." sagot ni Rj. Pero hindi na nya napigilan ang luha sa mga mata nya. Ganun din si Mikay.

"Im sorry Rj..."

"Ikaw yung babaeng mahal na mahal ng bestfriend ko, sayo yung bahay na pinagawa nya, para sayo kaya naging magaling na Architech sya, ikaw yung babae na dahilan bakit sya bumalik..,"

Hindi alam ni Rj paano nya nasabi yun ng tuloy tuloy. Kahit sakit na sakit na sya sa nararamdaman nya, pinipilit nya paring magsalita.

"Mikay anong laban ko sa first love mo? Anung laban ko kay Yuan?" yayakapin sana sya ni Kaella pero lumayo sya agad.

"Kaella, sa pitong taon ikaw lang ang babaeng minahal ko." masama ang loob ni Rj

"Ikaw ba sa panahon na tayo ang magkasama, minahal mo rin ba ako?"

"Oo.. Pero..."

"Pero ano? That love doesn't enough for you stay with me?" hindi nakasagot si Kaella at nagiiayakan lang sila.

Ilang segundo rin silang nagiyakan. Alam nyang nasasaktan din si Kaella. Kaya pumikit sya at humugot ng lakas ng loob "Let's go Kaella..."

Hindi mapigilan ni Rj ang sarili na bilisan ang takbo ng sasakyan. Parang doon nya nalalabas ang sakit ng loob nya. Pero tuwing maalala nya na kasama nya ang babaeng pinaka mamahal nya, wala syang magawa kundi bagalan ang sasakyan.

Hindi nya napansin na nakatulog na si Kaella. Huminto sya sa paghahatiran nya kay Kaella. Pero saglit na tumitig kay Kaella.

'I'll be the bravest man alive right now...' bulong nya sa sarili

"Kaella..." ginising nya ito. Nagising naman ito agad.

"Rj?"

"Mahal na mahal kita, hindi mo alam kung gaano kita kamahal." naiyak ulit sya. "Masakit para sa akin ito,..."

"Im letting you go..." pinilit nyang ngumiti "Binabalik na kita sa kanya"

Hinatid nya si Kaella sa totoong nagmamay ari sa kanya- Si Yuan.

-------------------------

Ayaw ko ng pahabain pa ang Love Triangle. Nasasaktan ako kasi nauna ko maging crush si Robi Domingo before Daniel. Kahit mas mahal ko si DJ. hahaha

To Coleen Gabrielle and friends! Thank you for reading this story.

Sa lahat ng patuloy na nagbabasa. Salamat ng marami. Malapit na mag end ito, pero naging successful ito because of you.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon