Chapter 40

21.9K 225 20
                                    

Chapter 40

On the way na sila Mikay at Gino sa Manila, syempre naka eroplano sila. Mahimbing na natutulog si Mikay, nakasandal sa balikat ni Gino. Itinaas nalang ni Gino ang armrest para mas comfortable si Mikay. Sobrang napuyat sila sa drama nila kagabi.

Masasabi nyang magaan na ang pakiramdam nya matapos sya magtapat kay Gino. Alam nyang tama ang ginawa nya, wala syang pinagsisisihan, kung yun ba naman ang magiging daan maibugay nya lang ng buo ang puso nya ng buo kay Mikay. Yung puso na nasira ng isang malungkot na pangyayari sa buhay nya.

Hindi nya maiwasang hindi maalala ang maikling usapan nila ng kanyang ama kaninang umaga lang habang hinihintay si Mikay at ang Papa nito.

FLASHBACK

"Gino, can we talk?"

Napalingon si Gino sa tumawag sa kanya. Alam nya kung kaninong boses yun kaya he tried to calm himself.

"May kailangan po ba kayo mayor?" tanong ni Gino.

"Gino please stop acting like you don't know me..." madiin na sabi ni Mayor Alvarez.

He let out a sarcastic laugh "Tinutuloy ko lang ang sinumulan mo Mayor..."

"I have reasons bakit ko nagawa yun anak..."

Saglit syang natigilan sa narinig. Tinawag sya nitong Anak. Pero bakit parang hindi sya natuwa.

"Alam ko po ang rason,... Politika." sagot ni Gino na may blankong expression ng mukha.

"Diba nga nagawa ny nga akong ipabugbog sa mga tauhan nyo, mailayo lang ako sa mundo mo?"

"Pero wag ka magalala" pagpapatuloy ni Gino "Hindi kita guguluhin, hindi mo ako kinilalang anak, hindi rin kita kikilalaning ama"

Bumakas ang lungkot sa mukha ng Papa ni Gino. Pero agad ding nakabawi "Its more than that Gino... Kung alam mo lang."

Flashback ends

Napapikit sya. Ngayon lang nagtalo ang galit at pagmamahal nya laban sa kanyang ama. Dati kasi punong puno ang puso nya ng galit na kahit anung pangyayari parang hindi nya mapapatawad ang Tatay nya.

Napatingin sya sa babaeng pinakamamahal, ito ang dahilan bakit bigla nalang nagbago ang lahat, bakit bigla nalang unti-unting nawawala ang galit sa puso nya.

Naramdaman nyang gumalaw ang girlfriend at sumiksik sa may dibdib nya, "Nagugutom na ako Gino..."

Natatawa si Gino sa sinabi ng girlfriend nya. Hindi kasi ito nakapag agahan kanina dahil natanghalian sila ng gising.

Unti-unti nyang nilayo ang parang batang inaantok na si Mikay "Wait, may kukunin lang ako"

May kinuha ito sa bag nya na nakapatong sa may paahan nya lang. Hindi nya na ito nilagay sa overhead cabinet ng eroplano.

"Anu yan?" tanong ni Mikay ng makitang may nilalabas na mga food container si Gino.

"Ito dapat ang kakainin mo kanina, kayalang hindi ka na nakakain dahil malelate na tayo, kaya ito, dinala ko baka kasi magutom ka sa byahe"

Napangiti si Mikay sa tuwa "Wow, halika kain tayo"

"Ikaw nalang, busog pa ako" sagot ni Gino habang binababa ang table na nasaharapan nila.

"Sabayan mo na ako.... Please.." parang batang pilit ni Mikay kay Gino.

"Eh baka kulang pa yan sayo..." pangaasar ni Gino,

"Yabang mo, akala mo naman ikaw hindi matakaw, natakaw ka rin kaya" natawa si Gino.

"Oh sige na, sige na kakain na tayo...."

Habang masaya silang kumakain, pinagsasaluhan ang mga dalang pagkain ni Gino, may nabanggit naman si Mikay.

"Jao is a good man. He maybe my ex boyfriend pero wala na talagang kami. And besides, group date yun, you and me, and him and his girl"

Hindi alam ni Gino ang isasagot. Ayaw nyang makasama si Jao dahil kapag nakikita nya ito, hindi nya maiwasang mainsecure. Sya lang kasi ang kinilala at inangking anak at apo ng pamilyang dapat kinabibilangan nya.

"Please Gino...." pagpilit ni Mikay.

Huminga sya ng malalim at ngumiti, he pinch her cheeks "Ikaw talaga alam mo paano ako mapapapayag no?"

"Ha? Alam ko ba?" kunwaring nagmamaang maangan na si Mikay.

"Magdedeny ka pa ha... Eh kung bawiin ko kaya"

Agad namang kumapit si Mikay sa braso ni Gino "Joke lang naman, syempre alam na alam ko."

Napiling nalang si Gino. Iba talaga ang saya kapag kasama nya si Mikay "Basta ha, ako may trabaho ako, kayo wala. Kaya hindi ako araw-araw available."

"Yes boss!! We understand."

Lumipas pa ang ilang oras ay narating na nila ang NAIA. Balik casual na magkakilala nalang ulit si Gino at Mikay dahil alam nilang may nag aabang na press along their way.

"Gino sumabay ka na sa amin" sabi ng Papa ni Mikay.

"Po? Ah, eh diba po malayo ang Village ninyo sa Masantol? Mag-iLRT nalang po ako"

"Ok lang yan,. Kami na muna ang ihahatid bago kita ipahatid kay Mang Tonyo." sagot ni Tito Alberto "Atsaka wala tayong nabiling pasalubong kay Aling Belen, kaya may pinabili ako kay Manang na grocery para may maiuwi ka"

Napakamot sa ulo si Gino. "Nakakahiya naman po, nilibre nyo na nga po ang pamasahe ko eh"

He tapped Gino's shoulder "Basta ikaw Gino." nakangiting sabi nito "Halika na,"

Si Kaella naman ay nakangiti lang kay Gino encouraging him na pumayag na at sumabay sa kanila.

Habang tahimik sila sa sasakyan, lihim na hinawakan ni Mikay ang kamay ng girlfriend. Buti nalang at Van ang sinakyan nila kaya hindi makikita ang holding hands nila.

Napalingon si Mikay kay Gino at ngumiti. Hinigpitan nya rin ang pagkakahawak sa kamay ni Gino.

Nasa Manila na sila ngayon, kaya dapat sinasamantala nila ang pagkakataon na pwede nilang gawin kahit ang simpleng pagholding hands lang.

------------------------------

To follow na ang next chapter, just give me sometime to charge. walang outlet dito. nagkailaw nga sa room, nawalan naman ng isang outlet at di ako maka charge. hahaha gusto ko na umuwi sa amin.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon