Chapter 57

18.6K 171 12
                                    

Chapter 57

'Rogelio Tuazon. One of the former senate members. Isang mahigpit na kalaban ni Alberto Madrigal sa pagkapresidente. 20 yeas ago, noong isa palang itong Kagawad ay nasangkot ito sa droga na ilang beses nyang itinanggi. May rest house ito sa San Isidro, isang kalapit barangay ng Magsaysay.'

Yan ang tumatakbo sa isip ni Gino ngayon. Ayan kasi ang mga detalyeng napagsama-sama nya sa pamamagitan ng pagriresearch nya. Salamat sa bago nyang cellphone.

Pero balik tayo sa imbestigasyon nya, hindi naman malayo na ito ang may pakana diba? Sa mundo ng pulitika lahat possible, pati ang pinakamabuting tao na kilala mo possibleng may tinatagong kasamaan pala.

"Kuya Roger may tanong ako,.."

"Oh anu yun?"

Kasama nya ngayon si Mang Roger na tumatambay sa guard house ng Malacanang. Dito muna sya tumatambay dahil si Mikay ay kausap pa ng Papa nya at sya naman ay hinihintay si Jao. First day of training nila eh.

"Diba possible namang may drama talaga sa pulitika?"

Napakunot noo naman si Kuya Roger "Anong ibig mong sabihin?"

"Drama ba,.. Halimbawa pinatay si Mr. A tapos ang sinisisi ay si Mr. B pero ang totoo palang may pakana ay si Mr. C."

"Ah oo, maraming ganyan sa pulitika. Bakit mo natanong?"

"Ah wala, nakapabood lang kasi ako ng isang palabas na parang ganun, naisip ko kung possible ba yun mangyari sa totoong buhay"

Natawa nalang si Mang Roger "Ikaw talaga Gino, minsan malokong bata ka rin talaga no?"

Tumawa nalang din si Gino. Mahirap mag-imbestiga lalo na at kung puro observation at pagbabasa lang ang ginagawa mo. Kaya nga minsan naiisip nya sana sya nalang si City Hunter eh, siguro kung ganun lang rin, matagal na solve ang problema, matagal na silang malaya ni Mikay.

Kayalang hindi eh,. Hindi sya si City Hunter, ang isang bagay lang na pareho sila nito ay ang pagiging likas na gwapo.

Perho hindi sya magpapapigil sa anu mang bagay, lahat ng kaya nya gagawin nya; pipigain nya ang sarili nya makatulong lang sa kaligtasan ni Mikay. At magagawa nya lang iyon kapag nawala na ang mga masasamang tao na nagtatangka sa buhay ni Mikay.

"Gino ayan na yung sasakyan ni Sir Jao oh..."

Napatingin sya sa mga LCD TV at doon nya nakita na papasok na sa Area ng Malacanang ang sasakyan ni Jao.

"Sige, salamat po Kuya Roger, aalis na po ako"

Hinhintayin nya nalang si Jao malapit sa parking lot. Medyo naiexcite narin sya magbasketball.

Habang naglalakad papuntang parking lot ay nakita na nya si Jao.

"Ang bilis naman nito..." bulong nya sa isip. Natawa pa sya sa inisip nya. 'Nalamang Gino, mas mabilis pa sayo ang gulong ng kotse nya'

"Oh ready na?"tanong ni Gino

"May problema tayo... Hindi na daw available yung sports area ng Malacanang.."

"Oh panu yan?"

"Tumawag narin ako doon sa basketball court sa subdivision... Open naman daw at pwede tayo doon"

Medyo nagaalangan pa si Gino. Syempre babantayan nya pa kaya si Mikay. "Gaano ba yan kalayo yang subdivision na yan?"

Tumawa si Jao "Medyo malayo brad. But don't worry, kung si Mikay ang iniisip mo, pinaalam ko na sya kay Tito. Pumayag naman"

Silently, napangiti sya. Syempre pag andyan si Mikay, ibig sabihin nun, may taga cheer sya. Hahaha si Jao walang taga cheer. :-)

"Kaya nga, tinawagan ko rin si Julia eh. And she's free kaya may cheerer din ako"

Medyo napakunot noo si Gino. Paano nito nalaman ang iniisip nya? Napailing nalang sya, 'Magkapatid talaga kami nito'

Minsan, naiisip ni Gino... Yung dating galit na nasa puso nya, yung dating rason bakit parang sira ang buhay nya.... Ngayon, tinatawanan nalang nya. Iba talaga ang pag-ibig no? From inside out kaya ka nyang iayos sa tama.

"Hey, may gift ako sayo."

'Ito talagang girlfriend ko masyadong inlove sa akin...' pagyayabang pa ni Gino sa isip.

"Anu yan?"

Nasa sasakyan sila ngayon papauntang subdivision. Si Julia ang kasama ni Jao at si Gino at Mikay naman nasa ibang sasakyan kasama ang mga PSG.

"Sapatos?"

Nagulat si Gino ng ilabas ni Mikay ang karton na nasa paper bag. Isa itong sapatos, at hindi lang basta basta na sapatos. Mamahaling sapatos na iniendorse pa ng isang NBA player.

"Mikay mahal to ah..."

"I know, pero hindi ko naman sya binibenta sayo kaya forget about the price."

"Mikay..." huminga muna sya ng malalim "...hindi naman kailangan to eh"

"Kailangan mo yan, magbabasketball ka kaya diba?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin... Hindi naman dapat lagi.akong may regalo mula sayo. At mamahalin pa. Hindi naman ako nagdedemand"

Ngumiti si Mikay. Napaghandaan nya talaga ang magiging reaction ni Gino "Don't over analyze everything Gino, ngayon palang naman ako nagregalo sayo ng ganito diba?"

Medyo napaisip doon si Gino. Tama nga naman si Mikay. "Pero Mikay, ayaw kong isipin mo na dahil lang sa ganito kita minahal"

"It never came into my mind hon,... Not even a hint" bago nya hinalikan sa cheeks si Gino.

Wala ng masabi si Gino. Kaya napangiti nalang rin sya. Ikaw ba naman magkaroon ng kiss sa cheeks,... Papahabain mo pa ba ang usapan?

Hindi pa muna bumaba agad si Gino at Mikay sa sasakyan. Sabi ni Mikay kasi magpalit na sya ng sapatos. Medyo nagalangan pa si Gino, pero bagay naman sa kanya eh.

After ilang minuto, ready na sila kaya lumabas na sila. Maganda ang regular size ng basketball court at walang tao. Kaya nga masaya kasi mas nakakapagtraining sila.

Busy sa warm up si Gino at Jao. Warm up pa nga lang pawis na pawis na sila pareho pero ang hot pala ng guys kapag may pawis dahil sa basketball. Hindi sila ganun ka nakakadiring tingnan.

Habang si Julia at Mikay ay nanood nalang sa kanilang training. Nagkikwentuhan, nagkakakilanlan as new friends. Akala nga nila di sila magkakasundo pero ngayon pareho silang nagtatawanan. Marami rin pala silang common denominator.

"Wait Mikay, isa that Ranz... Your ex?" tanong ni Julia

Kaya automatic na napalingon sya sa entrance ng basketball court. Nakita nya si Ranz kasama ang mga barkada nito na tulad nya ay wala rin kwenta.

He silently took a deep breath "Bakit pa ang daming epal sa lovestory na to?" bulong ni Mikay.

----------------------

Nagfactory reset ako ng phone and nagturo ng kids sa isang Barangay. hay kinakabahan ako, baka magkaprob ako sa ibang previous chapter, #kaloka

To follow yung following chaps.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now