Chapter 31

25.8K 206 20
                                    

Chapter 31

"Goodmorning Pa.." bati ni Kaella sa Papa nya.

"Goodmorning Princess, having a nice perfect morning again?"

"Syempre Pa..."

"Ang lakas ng tama mo kay Gino ah?" nagulat si Mikay sa sinabi ng Ama. Sa tono kasi nito medyo nangaasar. Pero may mas ikinagulat sya.

"Pa, I didn't know na you can speak like that... San mo nakuha yang "Lakas ng Tama"?" natatawang sagot ng Papa nya.

"Nakakalimutan mo na ata, politician ang Papa mo, I deal with different kind of people."

Natawa naman si Mikay "Grabe, ganun tayo hindi ka-close before at di ko alam na may alam ka pala sa ganyan"

"Well we have all the time in the world to get to know each other"

"Yeah right Pa," sagot ni Kaellla "Breakfast Pa?"

"Sure..."

Brekafast together ang isang bagay na hindi nila nagawa noon, minsan naman kung sabay silang kakain ay nauuwi lang sa pagtatalo at isa sa kanila ay aalis "So Pa, how's Gino?"

Hindi na kasi nakapagusap si Kaella at ang Papa nya kagabi dahil maaga itong natulog.

"He is too skinny, yung hair, medyo mahaba. Gwapo masyado kaya mukhang babaero..."

"Pa..." yan lang nasabi ni Kaella. Nadismaya sya dahil akala nya pasado si Gino.

Nagulat nalang sya when she saw her father, pinipigilan ang tawa nito. "You shoul've seen your face anak."

"Pa naman eh.... Anu nga kasi?" medyo natatawa na nakaluwag sa takot.

"Fine fine" sabi ng Papa nya na medyo di pa nakakarecover sa tawa.

"70%"

"70%? Anu yun? Bagsak yun Pa ah..."

"Hindi, ang ibig sabi ko is out of 100%, 70% palang na gusto ko sya."

"Why not 100%?"

"First because he's the man that might take you away from me, and secondly, first meeting palang, good thing he's willing to visit you here, ayaw ko kasi na makikita ko kayo kung saan-saan nag-didate."

Napangiti naman si Kaella "Thanks Pa..." masaya nyang sagot bago kumain.

Masaya na syang malaman na nagustuhan din nito si Gino. Akala nya kasi mamomroblema sya. Dahil naisip nya, kung hindi papasa si Gino, baka balik rebelde sya. Kasi ayaw nya ng iba, si Gino lang.

*****

"Bro, seryoso ba talaga yan?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" sagot ni Gino sa tanong ni Romeo. Sinabi na nya sa mga kaibigan/katrabaho ang kundisyon nila sa relasyon nila. Alam kasi ng mga ito na magkarelasyon na sila.

"Grabe Gino, mahal na mahal mo talaga anu?"

"Syempre naman," sagot nya "at wag kayo mag-alala, mukhang politika lang talaga at kapakanan ni Mikay ang dahilan"

"Pero Gino, sa susunod na buwan na ang simula ng kampanya, tapos after two months pa matatapos ang eleksyon, matagal-tagal yun, kakayanin mo ba?"

"Mam Vicky, kayang kaya basta para kay Mikay. Basta ako ang mahal ni Mikay, kakayanin."

"Lupit mo pala magmahal brad,.." singit ni Romeo

"Ikaw Romeo, tigil tigilan mo nga si Gino, kung mangasar ka parang nagka girlfriend na ah.." madalas kasing busted si Romeo, kaya nasabi yun sa kanya ni Mam Vicky. Dahilan na matawa silang lahat.

"Ah basta, ang request ko lang, secret lang muna. Wag nyo munang sabihin sa iba."

"Infairness Gino ha, feeling artista ka lang?" pangaasar ni Kiray

Natawa naman si Gino "Basta gawin nalang ba..."

"Para sa puso mo bro, gagawin namin..."

Ang mga katrabaho nya ang naging malapit nyang kaibigan. Kaasaran at kakulitan...

"Gino, tuloy ang kasal ko next week ha?"

Si Bianca iyon. Maaga syang mag-aasawa dahil malapit na silang maging magulang. Muntik pa nakalimutan ni Gino na ikakasal nga pala ito.

"Wow! Naku, ikakasal ka na talaga. Congrats"

"Salamat! Pero teka, kasi diba isa ka sa abay? Yung partner mo hindi natuloy makauwi, galing pa yun sa Camarines eh"

"Ok lang kahit solo..." sagot ni Gino.

"Naisip ko kasi na kung okay lang sa girlfriend mo... Sya nalang partner mo"

"Ha? Sigurado ka ba?"

"Oo naman... At wag ka mag alala kung iniisip mo si Mikay, kasi sa garden lang kami ng Lolo ni Jess magpapakasal."

Parang nakaramdam ng excitement si Gino. Pero sana lang hindi busy si Mikay. "Sige, tatanungin ko muna sya."

"Oh sige... Basta ha, aasahan ko yan. At para makilala narin namin ang babaeng kinababaliwan mo"

"Sige sige... Maganda yan"

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang trabaho ni Gino. Wala silang date ngayon ni Mikay dahil busy ito, may mga tinanggap syang commitments sa Papa nya. Pero hindi nya pwedeng palampasin ang oras na hindi ito tawagan.

"Hello, pwede ko bang makausap ang mahal kong Princesa?"

He heard a chuckle from the other line. "Pwedeng pwede naman mahal kong Prinsipe..."

"Tapos na work ko.." sagot nya

"So uuwi ka na?"

"Oo pero dadaan muna ako sa Palengke dahil bibili ako ng ulam namin"

"Namimiss ko na luto ni Nanay Belen" sabi ni Mikay

"Dadalaw ka naman sa susunod na araw diba?"

"Yeah.. And Im so excited"

"ikaw? Anung pinagkaabalahan mo?"

"Sumama ako sa mga friendly meeting nya, we played golf with Tito Henry and Migs." napansin ni Mikay na hindi sumagot agad si Gino.

"talaga?" sumagot nga parang di naman feel.

"Ui ha, bawal magselos."

"hindi kaya ako nagseselos"

"weh? Di nga?"

"Hindi ako nagseselos. At bakit ako magseselos? Ang boring kaya ng golf, pag ako ang kasama ng Papa mo mag-ienjoy sya sa basketball."

"Yeah right, ikaw na ang barkada ng Papa ko"

"Ganyan talaga... Magiging Papa ko narin sya ahm.." nagbilang bilang pa si Gino. "Mga 8yrs from now,"

"wow ha, talagang nabilang?"

"Syempre naman, dapat sa mga panahon na yan, magpapakasal na tayo...."

"Kasal agad agad?" natatawang sabi ni Mikay.

"Oo naman, anu sa tingin mo? Papakawalan pa kita?"

Patuloy lang na nagasara ang dalawa. Hanggang sa natapos ang usapan ng dalawa at umuwi muna si Gino. Pumunta sya sa palengke at bumili ng kakainin.

Habang naglalakad sya pauwi sa bahay nila, napadaan sya sa isang madilim na lugar. Nararamdaman nyang may sumusunod sa kanya per tuwing lumilingon sya ay wala naman syang nakikita.

Binilisan nya ang lakad nya, nagulat nalang sya ng may tatlong lalaki ang nasa harapan nya.

"Sumama ka sa amin!"

i

For more info you can reach me through the following account:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: agentofsmile@gmail.com

Instagram: @agentofsmile

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now