Chapter 49

19.8K 208 17
                                    

Chapter 49

"Dalawang araw na po akong hindi kinakausap ni Mikay eh" nagaalalang sabi ni Gino sa Papa ni Kaella.

Simula ng magwalk out ito two days ago, hindi na sya kinausap ni Mikay kahit sa phone. Kaya nga kinausap na nya ang Papa ni Mikay dahil ayaw nya ng paabutin pa ng tatlong araw.

"Pero Gino hindi pwedeng malaman ni Kaella ang tungkol sa mga death threats..."

Pinaliwanag ni Gino bakit madalas silang magaway ni Mikay at nabanggit nya na dahil iyon sa pagtanggi ni Gino sa lahat ng pangyayaya ni Mikay.

"Pero hindi rin po kami pwedeng laging ganito" napaisip si Tito Alberto, my punto kasi si Gino. Hindi talaga sila pwedeng laging magkaaway.

"Okay Gino, you may talk to my daughter right now and pwede mong sabihin sa kanya ang totoo.. Pero hindi detailed. Basta ang mahalaga, hindi mamumuhay ng takot si Kaella"

"salamat po Sir.."

Sir ang minsan na tawag ni Gino kay President Madrigal. Lalo na kapag seryosohan ang usapan.

"Kelan ko po ba pwedeng makausap si Mikay?" excited na sabi ni Gino. Namiss nya talaga si Mikay.

Napatingin sa wrist watch si Mr. President, "Tulog pa yun ngayon, pasukin mo nalang sa kwarto"

"Po?"

Nagalangan bigla si Gino, syempre kwarto yun ni Mikay, ng girlfriend nya, at lalaki sya, babae sya at ang Papa nito ang pumapayag na pumasok sya sa kwart ni Mikay.

"Papayagan kita na pumasok sa kwarto ng anak ko because I trust you,.." tono palang ng boses nito nagbibigay na warning "...don't do something na ikawawala ng tiwala ko"

"Opo Sir,.. Gagalangin ko po si Mikay"

Ipinangako ni Gino sa sarili na hindi sya gagawa ng bagay na pwedeng ikasira ng buhay ni Mikay. Mahal na mahal nya ito, at hanggat alam nyang mahal rin sya nito, makokontento na sya sa kung anong nakukuha nya, hindi na sya maghahangad pa ng ibang bagay.

Marami ngang nagsasabi, bakla lang daw ang nakakaisip ng ganun, perp si Gino ginagawa nya iyon dahil alam nyang iyon ang tama.

"Wait Gino.. May nakalimutan akong sabihin sayo.."

---------------------

Naglalakad si Gino ngayon kasama ang isang katiwala sa Malacanang upang ihatid sya sa kwarto ni Mikay. Ngayon nya lang narealize kung gaano kalaki ang palasyo ng Presidente.

"Sir dito po ang kwarto ni Mam Kaella"

"Okay Ate, thank you" sagot nya sa katiwalang kasama.

Dahan-dahang ibinukas ni Gino ang pinto. At ng makapasok sya namangha sya sa ganda ng kwarto ni Mikay para talaga itong pang Princess.

Tahimik na lumapit sya sa higaan ng girlfriend nya. Kahit natutulog ang ganda-ganda ni Mikay. Habang nakatitig sya, may ginawa si Mikay na dahilan para pigilan nya ang pagtawa.

"Humihilik din pala ang Princesa ko..." natatawang biro nya sa sarili.

Kinuha nya ang cellphone nya sa wallet. Kahit hindi iyon kamahalan katulad ng cellphone ni Mikay, maayos naman ang camera.

Natatawa si Gino while capturing Mikay's scandal... Hahaha Oo scandal talaga. Knowing Mikay na Princesa ng Malacanang? Humihilik din pala.

Napatingin sya sa mukha ni Mikay pagkatapos. "Yang mukha na yan ang gusto kong makita bawat pag gising ko hanggang pag tanda ko"

In someone's life bihira ang maging sigurado sa isang bagay, pero kay Gino, pag dating kay Mikay there's a deep-seated truth na si Mikay ang babaeng gusto nyang makasama habang buhay.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon