Chapter 8

32.3K 388 12
                                    

CHAPTER 8

Its been a week simula ng lumipat si Mikay sa Masantol. Naging maayos naman ang buhay nya, dahil narin yun sa tulong ni Aling Belen.

Si Gino, hindi sya pinapansin. Hindi sya kinakausap. Kung magsasalita man sya kay Mikaella ay sinusungitan nya lamang ito. At kinakausap nya lang si Mikay kung papagalitan ito.

Kapag hindi maayos ang pagkakahugas ng mga plato. Kapag sunog ang pagkakaprito ng itlog. At kung anu anu pang kasablayan na ginagawa nya. Katulad ngayon.

"Hindi ka kasi nagiisip,. Alam mo ng de color ang damit ko, nilagyan mo ng zonrox. Kapag nagtatrabaho ka kasi, utak ang gamitin hindi puro kaartihan."

Accidente lang na nalagyan ng zonrox ang damit ni Gino. Si Mikay kasi naglalaba, at gumamit ng zonrox. At nagkamali sya ng nilagyan ng zonrox. Sa mga damit pala ito ni Gino.

"Hindi ko namam sinasadya eh..." paliwanag nya. Sermon agad ang sumalubong kay Mikaella pagkagaling sa first day sa trabaho.

"Alam mo kasi ang problema sayo? Marunong kang gumawa ng gulo pero simpleng bagay lang, hindi mo kaya... Kaya pinapalayas ka sa bahay nyo eh..."

Hindi nakaimik si Mikaella. Ilang araw na nyang tinitiis ang mga masasakit na salita ni Gino. Ilang araw na nyang pinapalampas ang mga panlalait nito sa kanya. Pumasok nalang sya sa kwarto at doon umiyak. Ayaw na nyang lumaban dahil laging mas masakit ang buwelta nito.

Kinaumagahan, pangalawang araw na ni Mikay sa trabaho. Si Aling Belen ay maagang umalis dahil pauwi ito sa probinsya nila, dahil nagkasakit ang kapatid. Si Gino, tulog pa dahill off nito ngayon.

Nagluto sya ng hotdog at itlog. Yun lang kasi ang kaya nya. At matapos kumain ay naligo na ito. Matagal syang maligo, bukod sa nagiging conscious sya dahil baka may nakasilip, matagal talaga syang maligo.

Dahil nasa labas ng bahay ang banyo. Doon na sya sa nagbibihis. Dahil maraming nakatambay sa labas. Kaya pagkalabas nya, nakita nya si Gino nagkakape kausap ang ilang mga lalaki. Hindi nya ito pinansin at umakyat nalang ng kwarto para magayos.

Kinuha nya ang cellphone nya at may nabasang text.

Text:

[Mikay, sa Damayan ka na tumuloy. Ikaw na ang kumuha ng delivery doon. Andun na ang sasakyan, sumakay ka nalang papunta doon]

"Paano ko naman to gagawin? Eh hindi ko nga alam kung saan ang Damayan" sabi nya sa sarili.

Nagreply sya para tanungin kung saan ang Damayan. Ang sabi lang near Atlanta Mall. Alam nya ang Atlanta, she used to be there with some friends. Pero hindi nya alam how to get there pag commute.

Bumaba sya, baka kasi matulungan sya ni Gino. Hindi man sila in good terms, wala na syang ibang choice "Ahm Gino..." lumingon naman ito pati mga kausap nito napalingon sa kanya.

"Pupunta kasi ako ng Damayan, and I don't know how to get there kung magji jeep ako. Magpapatulong lang sana ako..."

Sasagot na sana si Gino kayalang naunahan sya ni Nestor "Gusto mo Miss, hiramin mo ang V-Tech namin. Mukhang marunong ka naman magmaneho."

OK lang sa kanya kung gagamit sya ng sasakyan. She can drive naman eh, kayalang student permit ang gamit nya dahil di pa sya pwede sa license.

"Ok lang.." sagot nya. Napatingin sya kay Gino na walang emosyon. Hindi nya alam ang tumatakbo sa isip nito.

"Utok, ilabas ang V-Tech" agad namang sinunod sya ng sidekick nya. Si Gino tahimik parin.

"Miss ayan ang V-tech namin.." pagkalingon nya nagulat sya sa nakita...

"Akala ko ba V-Tech?" tanong ni Mikay

"Oonga, V-tech... V-Tech-leta" kasunod non ang malakas na tawa ng lahat ng nakarinig. Pati si Gino tawa ng tawa. Halos lahat sila nakahawak na sa tyan nila sa kakatawa.

Parang umakyat agad lahat ng dugo nya sa ulo. Automatic na nasampal nya ang lalaki... "I asked you nicely, pero binastos mo lang ako.."

Halatang nabadtrip ang lalaki. Hinila nya si Mikay. Nagulat sya dahil nasasaktan ang braso nya. She look at Gino to ask for help dahil natakot sya. Pero tumalikod ito at pumunta sa tindahan.

"Pasalamat ka miss maaga pa, hindi pa masyadong mainit ang ulo ko. Pero kung hindi? Kanina ka pa nasaktan"

Binitawan sya ng lalaki at nanginginig na naglakad sya. She maybe a bad girl, a rebellious daughter, a good for nothing princess pero she doesn't deserve to be treated like this. Lumingon sya kay Gino at lumapit.

*Pak

"I hate you"

Natulala si Gino sa ginawa ni Mikay. Nakita nya ang takot sa katawan nito. Nakita nya pati sa mga mata nito na ngayon ay lumuluha na. Hindi sya nakapagsalita, naguilty sya.

Tumalikod si Mikay at naglakad. Gusto nyang sundan pero hindi nya maihakbang ang mga paa nya. Hindi naman talaga nya nagustuhan ang ginawa nung Nestor kay Mikaella. Alam nyang pambabastos yun. Pero gusto nyang matuto si Mikay na hindi lahat ay pwede nyang ayawin, saktan at sigawan.

Pero huli na nya naisip na hindi magagalit si Mikay kung hindi sya pinagtripan ng mga kapitbahay nila. Napapikit sya, sumakit ang ulo nya ng maisip na hindi nya naipagtanggol si Mikay. Kahit kitang kita sa mga mata nito ang paghingi ng tulong.

"Gino, ibang klase din yung boarder nyo ah... Matapang talaga... Lumalaban.. Magagantihan ko rin yan..."

Kumulo ang dugo nya sa narinig at agad na sinuntok ang lalaki. Kanya kanya namang awat ang mga nakakita. Pinaghiwalay agad nila. "Wag na wag mo ng babastusin si Mikay!"

Hindi nakaimik si Nestor. Nagpunas nalang sya ng dugo sa may labi. Si Gino naman ay umakyat na ng bahay.

Lumipas ang oras. Habang si Gino magisa sa bahay hinihintay si Mikay, para magsorry. Nalinis na nya ang buong bahay, napuno na nya ang mga tumbler, nalabhan na nya ang mga damit. Nakapagluto narin sya ng hapunan. Pero wala parin si Mikay.

"Gino?..." agad si Gino bumaba. Si Mang Berteng pala, isang Jeepyney driver na kalugar nila.

"Oh Mang Berteng, napadaan po kayo..."

"Nakauwi na ba ang bisita nyo? Alam mo kasing kaninang tanghali nakita ko sya sa Quezon Avenue, naliligaw daw sya. Hinatid ko sya sa sakayan, ayun naisip ko kung nakauwi na ba?"

Nanalamig si Gino sa kaba. Wala pa si Mikay. 7pm na di pa ito nakakauwi. "Saan po ba ang punta daw nya?"

"Sa Damayan, mali ang nasakyan nya kaya sa iba napadpad," paliwanag ni Mang Berting

"Manong bakit di nyo nalang hinatid"

"Alam mo namang pa Capitol lang ang daan ko" opposite kasi ang daan ng paCapitol sa pupuntahan ni Mikay. Kaya matapos magpasalamat ay nagmamadali syang umalis para hanapin si Mikay.

"Pambihira naman oh., Umulan pa..."

Nagpatuloy lang si Gino sa paghahanap. Nagtanong tanong sa mga sakayan. Sobra na syang nagaaalala. Sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari...

Dalawang oras na syang naghahanap. Wala parin. Pumunta sya sa shop, pero hindi daw ito nakapasok. Kaya mas lalo syang nagalala. Kinuha narin nya ang cellphone number nito, pero out of coverage.

Naisipan na nyang umuwi, dahil baka andun na ito. Kung wala, doon na sya magpapablatter. Pakiramdam ni Gino mababaliw na sya sa kakahanap. Nilalamon na sya ng guilt.

Habang nasa tricycle, may nakita syang babaeng naglalakad. "Manong, para muna..." dali dali syang bumaba para alamin kung si Mikay ba yun.

"Mikay, saan ka ba galing?" yan agad ang nasabi nya ng malaman na si Mikay ang babaeng basang basa ng ulan.

Tumingin ito sa kanya. Kahit umuulan, bakas ang pagiyak nito, mukha talagang kawawa

"I hate you Gino"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now